Part 32: His House

1.4K 57 1
                                    

Lei's POV

Pumunta kami sa lungga ni Herdix, wow... Ilang bahay na ba ang napuntahan namin? Pangalawa na pala ang bahay ni Herdox. Pero hindi kayo maniniwala, ang bahay nya ay malaki. At ang bawat pader ay mga larawan ng mga kasaysayan sa lugar na ito.


"Saan mo nakuha ang mga painting na ito? At lahat ng pangyayari sa lugar na ito naka-pinta?" sabi ni Kim


"Iha, ako ay anak ng isang magaling na mandirigma... Pinsan ko si Queen Serifina. Noon, ang tatay ko ay palaging nagku-kwento sa akin tungkol sa lugar natin, tapos nung ako'y nagka-anak kinuwento ko naman sa kanya. Magaling magpinta ang anak ko, kaya bawat kwento may nakahandang mga kagamitan yan hahaha..." Masayang sabi ni Herdox


"Ganun po ba? Ang galing naman po ng anak nyo." sabi ni Mel


"Tara sumunod kayo sakin" sabi ni Herdox


Pumasok kami sa isang chamber, nakita namin ang kulungan. Nung pagka-hakbang ni Herdox bumukas ang mga chandelier sa bawat pader.. Lumiwanag na ang paligid, nakita namin ang kulungan ni Herdox ng mga Soldier Wolf nya. Sandamakmak pala sila...


"Oh?" sabi ko tuloy


Bumalik na kami, pumunta naman kami sa sala at pinagmeryenda nya. Nakita ko ang anak niya na nagpinta ng mga paintings sa hallway. Lalaki sya, at...


"Sino sila?" sabi ng anak ni Herdox


"Mga kaibigan, bagong kaibigan" sabi ni Herdox.


"Okay" sabi nito at umakyat na sa hagdan.


"Suplado ano?" sabi ni Aena kay Jane


"Hindi lang sya sanay na may mga ibang tao ang nasa bahay" sabi ni Herdox


"Ano pong pangalan nya?" sabi ni Roger


"Nababakla..." Parinig ni Catrina sabay tawanan ng mga babae.


"Hindi ah" sabi ni Roger


"Sya ang bunsong anak ko, si Clix" sabi ni Herdox


"Eh nasan po yung panganay?" sabi ni Jane


"Wala pa, pumunta sila sa bayan kasama ang mga kaibigan nya" sabi ni Herdox


"Babae o lalaki?" sabi ni Daniel


"Ikaw talaga, malanding lalaki ka" sabi ni Catrina


"Ehem..." sabi naman ni Jay


"Babae" sabi ni Herdox


"Maganda o panget?" sabi naman ni Mel


"Kayo na ang bahalang humusga, heto litrato"sabay abot kay Aena na pinasa kay Jane na pinasa kay Celeste na pinasa kay Catrina na pinasa kay Kim na pinasa kay Daniel na pinasa kay Mel na pinaka kay Jay hanggang makarating kina Von.


"Ganda" sabay-sabay na sabi naming mga lalaki


"Ilang taon na sya?" sabi ni Jay


"Sus! Bibigay din pala, may pa-saway-saway ka pang nalalaman ah?" sabi ni Danie;


"Wag kang epal" sabi ni Jay


"17 years old pa lang ang batang yun" sabi ni Herdox


"Wow! Ayos!" sabi ng mga lalaki.


"Anong ayos? Patayin ko kaya kayo, ang lalandi nyo talo pa ang mga bakla eh?" sabi ni Kim


"So? Selos ka?" sabi ko


"hindi ah, ga-gwapo nyo namang mga impakto kayo?" sabi ni Kim


"Kami impakto?!" sabay-sabay na sabi namin with matching tayo


"Hindi bakla" pambabara naman ni Celeste


"Got it!" sabi ni Kim at nag-appear naman sila ni Celeste...


"Bakit ang corny nyo? Ah, sige mauna na kami Herdox kasi may dapat pa kaming gawin. Salamat sa meryenda, sa tour sa bahay mo, paintings, soldier wolf, at thank you sa pagpapakilala sa supladong anak mo at dyosa sa ganda nga pala ang panganay mo. Beye." sabi ni Jane


Nagpaalam na si Herdox, eto si Jane ang epal... Ang daming pagkain kaya dun. Tsaka gaano pa ba kalayo ang lugar na aming dapat puntahan ah?


____________________________________________________________________________________


Okay, naboring na si Jane dahil sa ka-cornihan ng mga boys. Tsaka kawawa naman si Jay, muntik na ngang masakmal, sira pa ang jeans. Bwahahaha!


Oh, by the way... Thank you for @imjessicamoya for voting my story. The River at nakalimutan ko kung anong part, tinatamad ako kaya ayoko nang tingnan. Choss po... :)


Magic SchoolWhere stories live. Discover now