Part 31: Herdox

1.4K 44 0
                                    

Celeste's POV

Nakarating kami sa Serifina's Garden ba yun? Basta, hindi ko alam! Nakita namin ang sandamakmak na mga bulaklak, magagandang halaman, matataas na puno. Pero walang gustong dumaan sa lugar na ito kaya naman ang ibang manlalakbay ay pilit na humahanap ng daan, wag lag makadaan sa mala-paraisong lugar na ito.


"Ang ganda naman dito..." Sabi ni Jane na naka-tingin sa paligid, sinusuri ng mata niya ang bawat sulok ng hardin dahil manghang-mangha talaga siya. Kaso basag moment ang Kuya Von niya...


"Wala sa earth niyan" sabi ni Von na nagpipigil ng tawa, napangiti naman sila Roger.


"Aba yabang natin ah? Mas maganda pa sa hardin na ito ang Garden of Eden, akala mo lang." sabi ni Jane


"Bakit nakapasok ka na ba doon?" sabi ni Von


"Ah... Hindi pa naman, nababasa ko lang siya sa mga libro at bibliya" sabi ni Jane


"Tumahimik na nga kayo, magkapatid nag-babangayan. " sabi ni Catrina


Tahimik kaming nag-lalakad, kaso isang delikadong nilalang ang nararamdaman ko... Napaka-delikado at nakakamatay ang hayop na ito. At hindi ko alam kung nasaan siya...


"Jay!" Sigaw ni Daniel


"Aray!!" Sabi bigla ni Jay at natumba sa lupa, may hindi nakikitang nilalang ang humihila sa kanya. Kagat-kagat siya nito sa kanang jeans.


"Hilain natin sya" sabi ni Aena.


Hinila namin si Jay, para kaming nakikipag-agawan sa isang kaaway... Umatake si Mel ng ice sword, tinamaan ang nilalang na ito. Tapos naging visible na siya sa mga mata namin. Para siyang lobong-aso na jagguar o cheetah... Napakatatalas ng kanyang kuko at ngipin.


"Nakakatakot siya!" Sigaw ni Kim


Kaso may dalawa pang lumitaw na Lobong-aso na jagguar. Naku! Kailangan na namin pagtulungan ang mga ito. Si Mel, Catrina at Daniel ang kumalaban sa unang lobong-aso na jagguar. Sa pangalawa naman si Jane, Aena at Lei naman sa pangalawa. At sa pangatlo naman ay si Von, Kim, ako at Roger.


Sari-sariling atake kaming mga magkakasama, si Jane kahit walang charm ayun trying hard sa pakikipaglaban. Nakikipag-laban sya sa isang mabangis na hayop gamit ang isang stick na mahaba... Pero nalingat ako sandali, hahagarin na sana ako ng lobong-aso na jagguar kaso may sumipol na nagpatigil sa tatlong mabangis na hayop.


"Mga alaga ko, tigilan nyo yan..." sabi ng isang boses ng lalaki...


"Sino naman yan?" sabi ni Daniel


"Ewan, baka naman estrangherong naligaw ng landas?" sabi ni Roger


"Hindi ako isang estranghero! Ako si Herdox, sila ang mga alaga ko at katulog ko sa pagbabantay sa lugar na ito. Ang mga alaga ko ay kilalang mga Soldier Wolf. Dahil nasa libo-libo ang dami nila,pero ngayon nasa limang daan o nasa pitong daan na lang ang dami nila dahil sa Deborah na tryador" Gigil na gigil na sabi niya.


"Bakit ano namang atraso niya sayo?" sabi ni Lei


"Ang aso mo nga pala ang sasama, sapakin kitang Soldier Wolf ka eh? Sinira mo ang favorite jeans ko" sabi ni Jay


"Ang mga Soldier Wolf ang mga taga-bantay sa mga daanan papunta sa palasyo. Kaso pinatay niya ito lahat at sinalakay ang palasyo ni Queen Serifina. At pag-pasensyahan mo ang alaga ko iho, galit sya sa mga unang kita... Pero baka magtagal o magkita kayong muli nakikipaglaro na sya sayo" sabi ni Herdox. Nagkatinginan kaming magkakaibigan, ano daw?


____________________________________________________________________________________

Thank you for reading my story. May bago po akong story, The Shoes. Mag-ingay naman po tayo paminsan-minsan... Mabait po ako, hindi rin ako nangangagat.... Hehehe :)


Magic SchoolWhere stories live. Discover now