PART 42: Princess Josefina

1.4K 41 0
                                    

KIM'S POV
Pumasok kami sa palasyo. At wow! Pwede ka nang manalamin sa sahig tapos ah! Ang ganda dito... Parang bahay ng isang reyna't hari.

"Ano ang kailangan nyo?" Isang boses ang aming narinig.

Napatingin kaming lahat sa likuran namin. Isang babaeng naka-damit prinsesa. Pero ang ayos ng buhok nya ay pormal lang. Medyo maputi sya, may pagka-kulot ang buhok, matangos ang ilong at napaka-attractive ng mata plus kissable and red lips.

"At sino ka naman?" sabi ni Aena na naka-taas ang kilay.

"Aena galang naman" sabi ni Mel

"Umi-iskor ka lang eh?" sabi ni Daniel.

"Tumahimik kayo! Gumalang kayo sa kanya" sabi ni Von. Leader eh kaya may karapatan.

"At sino kayo? Anong kailangan nyo?" Medyo may pagka-matapang ang boses niya. Para syang reyna kung makapagsalita.

"Kami po ang protector ng Weslyn Academy" sabi ni Von na ubod ng galang..

"Ang paaralang 'yon? Bakit onse kayong myembro?" sabi ng babae

"Hindi kasali yung isa" sabi ni Daniel

"Sino?" sabi ng babae

"Teka nga? Sino ka ba?" sabi ni Roger

"Ako? Ako si Prinsesa Josefina. Kambal ako ni Prinsesa Serifina..." sabi ng babae. Nagulat ang lahat... Teka? Di ba daan-daan na ang nag-daan,edi dapat nasa hukay na sya? Saka ang alam ko walang kambal si Prinsesa Serifina?

"Di ba dapat patay ka na?" sabi ni Kat

"Galang maman" sabi ni Mel at Roger

"Sorry naman" sabi ni Kat.

"Isinumpa ako ni Deborah na hindi ako tumanda, hindi ako mamamatay... At lahat ng mahal ko sa buhay ay mamamatay." sabi niyang bakas ang lungkot sa buong sistema.

"Bakit narito ka?" sabi ni Jay

"CS naman" sabi ni Celeste.

"Dito ako nakatira" sabi ni Prinsesa Josefina

"May kasama ka ba dito?" sabi ni Lei

"Bakit magpapa-ampon ka?" sabi ni Jane

"Epal..." sabi ni Lei.

"Wala, ako lang dito magisa" sabi nya

"Paano ka nakaka-kain?" sabi ko

"Non-sense" rinig kong sabi ni Lei.

"May mga kaibigan akong hayop." sabi ni Prinsesa Josefina.

Nu daw? Kaibigang hayop ba kamo?! Ano snow white lang ang peg...

"Ah okay" sabi naming sabay-sabay

"Ano ang pakay nyo?" sabi ng Prinsesa

"Ah... Alam nyo po ba kung sa'n ang----" di nakatapos sa sasabihin si Kuya Von.

"Ang river of answers kung saan nakatira ang dyosang nakakaalam ng lahat" sabi nya

"eksakto!" sabi ni Lei.

*kutos...

"Aray!" daing nya

"Pa'no kaharap mo ang prinsesa kung umasta ka parang tayo lang dito. Galang naman" sabi ni Jay sumimangot naman si Lei.

Napansin kong napangiti ng bahagya ang prinsesa... Maganda talaga sya lalo na kung ngumiti. Naingit naman ako sa kanya.

"Mukhang mapagkakatiwalaan naman kayo, sumama kayo sa'kin" sabi ng prinsesa at tumalikod sabay nagsimula nang mag-lakad.

Napansin ko na si Jane at yung prinsesa ay magka-hawig. Ewan? Para nga silang kambal eh. Baka naman namamalikmata lang ako? Baka pagod lang 'toh.

Napaka-ganda dito sa hallway, red carpeted tapos yung mga chandelier sa bawat kanto ng dingding. May mga larawan, sino ba sila? Napaka-gaganda't gagwapo naman?

May pinasukan kaming isang pinto. At dun sa loob tumambad sa'min ang napaka-gandang silid.

"Dito ho?" nagtatakang tanong ni Kat

"Wala pa. " sabi ni Prinsesa Josefina

Lumapit sya sa isang aparador at tinulak 'yon. Nakita namin ang isang pinto na hindi halata dahil sa kakulay nito ang pader tapos wala pang door knob. Hinawakan ito ng prinsesa at biglang bumukas ito.

"Wow..." Manghang sabi naming lahat.

"Tara na" sabi ng prinsesa.

--------------->

Thank you for reading nga po pala.

-MarieAlvarado06


Magic SchoolWhere stories live. Discover now