Part 29: The River

1.6K 49 0
                                    

Von's POV

           Tumigil na muna kami sa isang ilog. Hindi ko alam kung gaano ito kalalim, naupo kami sa ilalim ng isang puno na nasa tabi ng ilog. Malapit ng mag-dilim, mga 5 pm na ata o baka g pm na... Ubos na ang pagkain namin maski tubig simot. 


"Paano tayo kakain nyan?" sabi ni Jay


"Nganga, hahanap ng pagkain sa paligid" sabi ni Daniel, tumayo si Lei at Mel... Ewan ko kung saan sila pupunta, basta kami pagod na pagod na pagod na kami...


Ang babae naman natutulog ng nakaupo at nakasandal sa bawat isa, hindi ba sila nahihirapan? Bakit naman kasi may misyon-misyon pang nalalaman sila headmaster. Pwede namang sa school lang at mag-bantay sa paaralan. Pahihirapan talaga kami ano?


"Ang sakit ng tyan ko sa gutom, hayy!" hikab ni Catrina


"Ang galing... Dinaan sa tulog" sabi ni Jay


"Ang iingay nyo" sabi ni Roger, napansin ko lang mga dabarkad's  ah? Itong si Roger. Oo, Roger the baklito. Ang tahimik nya simula nung lumabas kami sa school, baka naman natatakot lang yan... 


"Opo, Mr. Suplado" sabi ni Kim


Hindi na niya ito pinansin sa halip ay nag-masid na lamang sa paligid. Matapos ang ilang minutong pananahimik namin, pinaingay naman ni Mel at Lei ang palagid. Kasi ang dami nilang dalang prutas, saan ito galing?


"Ohy! Lafang time!" sabi ni Aena


"Heto, may makakain na tayo" sabi ni Lei


"Saan nyo nakuha yan? At mukang mga sariwa pa ang mga yan, wag nyo sabihing..." si Celeste iyan


"Kung ano man yang iniisip mo itigil mo na yan, dahil hindi namin gagawin yun" sabi ni Mel


"Oo nga" sabi ni Kim


Matapos naming magsilamon este magsi-kain tatawid naman kami ngayon sa ilog na ito, sana hindi malalim. Dahil kawawa ang mga hindi marunong lumangoy dyan.


"Malalim yan" sabi ni Jane bigla


"Wow! Nagsalita!" Napakasayang sabi namin, pero smirk lang ang binigay nya at snob.


"Paano mo naman nasabi? " sabi ni Kim


"Ice user ka di ba? Related ang element mo sa tubig bakit hindi mo kayang tantyahin?" sabi ni Jane


"Marami akong alam sa tubig. Pero pagsusukat duh... I hate Math" sabi ni Kim


"May kasabihan nga na pag-tahimik ito ay malalim, parang isang tao na malalim ang alam, pag-maingay naman daw isang taong walang ibang ginawa kundi ipagyabang ang ginawang kabayanihan ng iba at mga gumawa ng mga kamang-mangan" sabi ni Jane


"Papatama na nga lang din ako ng nucleur attack, kung ganyan ang resulta. Katalinuhan..." sabi ni Daniel


"Pakamatay ka na lang, nakaka-bwesit po kasi ang muka nyo" sabi ni Catrina


Lumusong na kami, sa pangpang talagang mababaw yun at sa gitna naman malalim na malalim na... Kaya naman itong si Kim na ice user gumawa ng sarili nyang ice bridge para hindi mabasa, kawawa naman sya. Sya ang taga-tawid ng mga gamit papunta sa kabilang pangpang... Bwahahaa!


"Ang lalim" sabi ni Mel


"Takot ka ano?" sabi ni Daniel


"Di kaya" sabi ni Mel


Itong dal'wa walang pinipiling lugar basta asaran, tingnan niyo kahit nasa ilog kami asaran nanaman. Mamaya mag-hihilaan yan ng paa, swerte ng malunod sa kanila... At speaking of LUNOD


"Ah!!!" Biglang napasigaw si Catrina, may kung anong humila sa kanya pailalim...


"Catrina!" Sabay-sabay na sigaw namin


"Bilisan nyo nang tumawid, kami na bahala" sabi namin sa mga babae... Binilisan nga nila, sumisid naman kami. Matagal-tagal na walang hingahan ito ah?


Malabo ang tubig, pero isang imahe ang nakikita namin. Isang kamay...


"Siguro kamay yun ni Catrina, puntahan natin..." mind link ni Jay samin, yan ang usapan pag bawal mag-salita. Yan ang ginagamit na daldalan sa klase ano...


Mabilis kaming tumungo dun at sya nga iyon, may malalaking ugat sa paa niya. Ginamitan ni Daniel ng isang earth spell ang mga malalaking ugat na nakapulupot sa mga binti ni Catrina. Namumutla na sya sa ilalim ng tubig...


Inahon na namin sya, namumutla na kamo sya talaga! UNLI? Sa totoo lang, pwede nyang iligtas ang sarili nya gamit ang fire defence pero mahirap yun. Nasa tubig siya, nasa ilalim na ilalim... 


"Nakalanghap din ng hangin" sabi ni Jay at nahiga agad sa lupa...


Hineal naman ni Aena si Catrina, kaso hindi namin alam kung anong oras ito magkakamalay... Ano ba yan? Una, si Jane na nucleur attack. Pangalawa, si Catrina ayan nalunod. Sino ang susunod?


Isang nilalang na nakakatakot ang nasa likod ni Celeste at Kim, napasigaw ang lahat...


"Sa likod nyo!" sabi namin


Huli na, kasi nahawakan ka sila ng panget na yun. Ayaw silang bitawan, tapos dumating na si Jane... Sa totoo nyan nag-eenjoy sya mag-swimming sa tubig...  Pag-ahon nya, nakita sya ng isang nilalang na ito.


"Ano yan! Bitawan mo ang mga kaibigan ko!" Sigaw ni Jane, natahimik kami dahil binitawan naman ng parang chokoy na ito, basta hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya. Lahat kami nagulat at natulala dahil ito ay lumuhod.... 


"Prinsesa at prinsipe" sabay tingin samin ni Jane


"Kaloka. Wala kaming ibibigay sayo wag ka manloko" sabi ni Aena


____________________________________________________________________________________


Thank you for support guyss, and reading my books. Mag-paramdam kayo dahil ako hindi ako sanay sa tahimik... Choss... Loko lang yun ni Author.


By the way, thank you again. Lab yah! :)


Magic SchoolWhere stories live. Discover now