Part 33: Golden Gate

1.4K 47 0
                                    

Catrina's POV

Naglalakad kami ng may mapansin kami sa di kalayuan, parang isang gate? Gate na ginto ba yan? Ano yan? Ano nga ba ulit ang tawag dyan... Nakalimutan ko eh?


"We're finally here guysss" sabi ni Jane na may napaka-laking ngiti sa labi. Ano?


"Andito na nga tayo" Seryosong sabi ni Jay


"Wow, first time maging seryoso ah? Ano nangyari?" Biro ni Mel kay Jay


"Tumahimik ka Mel, hindi ito ang oras para sa biruan" sabi ni Von....


Tumahimik naman si Mel, patuloy kami sa paglalakad. Malapit na kami nang may mga humarang sa amin, naka-coat sila ng kulay sky blue at nakahood... Hindi ko kita ang kanilang mga mukha. Bigla na lang kaming inatake ng apat na humarang sa amin.


"Roger bantayan mo na muna si Jane" Bilin ni Von


"ano ka sinuswerte?"sabi ni Jane


"Wag ka nang maarte" sabi ni Von at tinulak ang kapatid niya kay Roger...


Nakipaglaban na kami, ang bibilis nilang apat kumilos. Tapos mukhang bihasa talaga sila sa pakikipaglaban. Grabe ang hirap naman nilang kalaban?


Daniel's POV

"Pagtulungan na lang nating tatlo ang isanag yun" sabi ni Jay at tinuro yung lalaki na inaatake si Celeste.


"Ice Attack!" Banat ni Mel


"Thank u" sabi ni Celeste, dalawa ba naman kasi ang kalaban niya... Isang lalaki at babae.


"welcome..." sabi ko pa sabay umatake na ako ng Wind attack sa baklang ito, babae ba naman ang pinapatulan bakit hindi sa mga lalaki? Duwag...


"Quires la manipulatra" isang spell ang binanggit nya pa ang manipulatra ha? Ano imamalipulate niya kami? Sana pala andito si Roger ng may katapat siya? yun Wind user na nga tapos manipulator din sya. Buti pa sya...


Biglang hindi kami nakagalaw tatlo, patay tayo mga prengs! Mukhang eto na ang huling araw ko sa mundong ito. Sana maganda ang burol naming tatlo, mahal na mahal ko ang kapatid ko.... At mga magulang ko. Drama ko, wala pa nga eh?


Lumapit siya samin at sinabing...


"Eto na ang huling araw nyo" sabi niya


Von's POV

Nakita namin ang mga mangyayari sa tatlo. Si Aena, Catrina at Kim patuloy sa laban... Habang si Celeste na isang manipulator, lumapit na din. Delikado ang lagay nilang tatlo ngayon ah?


"Tulungan natin sila" sabi ko


Si Lei naman gumamit ng earth attack para kung hindi kami makaabot sa kinaroroonan nila may shield sila at hindi masyadong maapektuhan sa atake ng tukmol na yun...


"Earth shield!" Sabi ni lei at niyukom niya ang palad tsaka itinaas, unti-unting lumitaw ang malalaking ugat na bumalot sa kinaroroonan ng tatlo.


"Nores el manipulatra" sabi ni Celeste


Kinalaban naman yung bwesit na manipulator. Yung mga babae naman grabe bale sa pakikipag-laban. Inatake ko yung lalaki ng isang stone sword pero mamaw ha? Nawasak niya ang mga yun, kainis bakit ang galing galing niya naman ata?


"shit!" Inis na sabi ko.


Jane's POV

Kanina pa ako nababadtrip? Paano ba naman kasi sa daming pwedeng mag-bantay sakin si Roger pa ba naman kasi? shit!


"Tutulong ako sa kanila, hindi ako magtatago tapos mabubuhay sa takot " sabi ko


"hindi nga pwede... ano ka ba naman ha? Pag ako napagalitan ni von sa kagagawan mo eh.." sabi niya


"Bahala ka nga dyan" sabi ko at naupo, andito lang kami sa likod ng mga puno... Pinapanood sila kung paano makipaglaban,kung paano ma-atake ng kalaban ang kasama namin, mapanood yung mga kaibigan ko kung paano gamitan ng kalaban ng manipulative spell? Ganun ba ang gusto niya?


Naupo lang ako, pero sa utak may kalokohan akong naisip. Kumuha ako ng isang bato saka tinitigan ang kalaban nila kuya, kanina pa nga ako nakatitig sa isang yan. Nung sigurado na akong nakaconcentrate binato ko nayung lalaki. Isang malaking bato yun...


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Thank u for reading, maiksi na po muna ang update ko ngayon.........





Magic SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon