PART 41: Hide it

1.4K 42 1
                                    

Von's POV
Mukhang walang magka-away ngayon, pa'no ba naman? Si Catrina at Aena naguusap at mukang masaya sila sa pinaguusapan. Tapos si Daniel at Mel nag-haharutan (mga kabaklaan nanaman)) Si Jane at Rachel naman parang magkapatid (magaling talaga sa pag-aalaga ng bata) Si Kim at Celeste naman eh nagtatatawanan. Ako, si Lei, Jay, at Roger naglalakad lang.

"Malapit na tayo! " biglang sabi ni Rachel. Edi mas lalong sumaya...

"Ayos! Malapit ko nang makapiling ang kama ko" sabi ni Mel na nag-iinat.

Dumiretso kami sa pag-lalakad. Hanggang sa matapos ang ilang araw na pag-gagala ayun andito nasa harap namin ang Temple of Magic. Napaka-ganda nito...

"Ang ganda naman" sabi naming mangha.

"Ah. Mga ate at kuya hindi ako pwedeng pumasok dyan" sabi ni Rachel. Nagtaka kaming napatingin sa kanya, bakit?

"Bakit naman Rachel? Isa kang mamamayan ng Hervisia" sabi ni Daniel

"Di nyo ako naiinitindihan, tulad nga ng sabi mo isa lang akong mamamayan. Bawal akong pumasok dyan, isa lang kaming mabababang uri sa lipunan" sabi nya, pero halatang tinatago ang lungkot.

"Grabe naman? Sino ba pinuno nyo ang yabang naman?" sabi ni Jay

"Sige, paalam. " sabi nya at naglaho...

"Alam nyo ngayon ko lang naisip sana nag-teleportation papunta dito" sabi ni Roger

"Loko ka pala eh? Ikaw lang naman may kaya nun... Ba't di mo naisip agad?" sabi ni Lei

"Katahimikan" sabi ni Kim

"Grabe mga bro, andito na tayo tapos mag-susumbatan pa kayo. Kung gusto nyo mag-teleport bumalik kayo sa school saka mag-teleport kayong dalawa." sabi ni Mel, first time kong makitang galit ang isang 'to eh? Medyo masayahin kasi yan eh.

"Chill " sabi ko kay Mel.

Pumasok na kami, kaso parang may mga laser tutok sayo bago ka makapasok. Ano grabe? Detector!

"Mukha ba akong kriminal?" sabi ni Kat habang nakatapat sa kanya ang laser...

"Malapit na nga eh" sabi ni Roger, nainis si Kat sa kanya at pumasok na lang...

Pagkaganda-ganda ng lugar na ito. Naka-sunod lang kay Jane yung daga nya... Ewan pati hayop ginawang PA (personal assistant)

Yung mga nag-gagandahang halaman at bulaklak sa paligid, sariwang hangin at maaliwalas na view. Pagkalaki-laking palasyo naman? Napaka-luma pero maganda pa rin sya.

DANIEL'S POV
Napatingin ako kay Jane, parang sa tingin ko hindi na sya enteresado sa lugar na ito. Paano naka-simangot habang naglalakad.

"Aminin mo na, gusto mo sya. Aawayin mo pa eh" biglang may boses akong narinig. Shit! Si Mel lang pala, loko 'to eh? Hindi nga..

"Hindi" pero pagka-sabi ko no'n parang gusto kong sabihin ang salitang "oo"

"Nakikita ko sa mga mata mo" sabi nya

"ano? Muta ba?" sabi ko

"May gusto ka sa kanya" sabi nyang parang baliw.

"Mukha mo!" sabi ko sabay smirk.

"Geh, let's see. Hide it 'til you can't hide it" sabi nyang nasa serious tone. Ano daw? Di ko gets. Napakunot noo na lang ako sa sinabi nya habang iniintindi.

_______________________________________________________________

hehehe XD maiksi lang, thank u 4 reading...

Magic SchoolWhere stories live. Discover now