PART 38: FIND

1.3K 41 0
                                    

CATRINA'S POV
Jane naman eh, gutom na ako eh tapos papahanap ka pa? Pambihira ka naman, ewan ko ba sayo?

"JANE!!!" sigaw kami ng sigaw sa pangalan nya pero wala namang nagpapakitang Jane na parang lalaki sa gubat na ito.

"Tingin ko po nasa malayo sya kaya di nya tayo marinig?" sabi ni Rachel

"Tama..." sabi ni Aena

"Kung ganun, tara at maghiwa-hiwalay tayo para mahanap si Jane. Baka nasa paligid lang yun... Lei at Kim isama nyo si Rachel sa inyo. Bantayan nyo yan a?" sabi ni Von, leader na leader ang dating ah?

"yes boss!" sabi nila Mel

Lumakad na kami, ang kasama ko ay si Roger at Daniel. Naghahanap kami ngayon kay Jane, sumisigaw kami sa pangalan nya ng paulit-ulit-ulit hanggang sa mapaos at mawalan ng boses.

JANE'S POV
Bumalik na ako kung nasaan ang mga kasama ko pero wala na sila sa tinigilan namin kagabi. Nasan sila? Sa'n sila pumunta?

"Nasan kaya ang mga yun? Bakit kaya nila ako iniwan?" sabi ko

Naglakad-lakad ako, hinanap ko sila ng hinanap. Sinisigaw ko ang mga pangalan nila isa-isa, sa laki ng gubat na ito baka mahanap ko sila. But stay strong and positive, mahahanap ko sila promise yan...

"CATRINA!"

"DANIEL!"

"AENA!"

"MEL!"

"CELESTE!"

"JAY!"

"KIM!"

"LEI!"

"KUYA! ROGER! NASAN NA BA KAYO!" Sigaw ko, pero alingawngaw lang ng boses ko ang tumugon. Naglakad-lakad ako, tama si Daniel di nila ako katulad. Nag-iisa na lang ako ngayon, di ko alam ang daan pabalik sa Weslyn Academy. Paano na ako?

Naupo ako sa ilalim ng isang puno. Nag-mumuni-muni ako at iniisip ang mga gagawin ko....

"Prinsesa..." isang boses

"Huh? Sino yan? Kuya wala namang ganyanan?" sabi ko tuloy, baka si Kuya Von yun? Baka pinagti-tripan lang nila ako?

"Aha! Lumabas na kayo alam kong pinag-ti-tripan nyo lang ako!" sabi ko, pagkasabi ko nun biglang kumalam ang sikmura ko. Naku, gutom na pala ako? Ano ba yan, naubos na ang dalang pagkain ko at na kina Jay ang pagkain.

"Mahal na prinsesa... wag kang matakot." sabi nanaman ng boses, nagsimula na akong kabahan. Tumayo ako at humakbang ng unti-unti. Baka naman naeengkanto ako?

"Dios mio Marimar naman oh?" sabi ko sa sarili ko.

May narinig akong mga kaluskos, kaluskos sa likod ko... Kinabahan ako lalo at sinabayan pa ng takot.

"Sino yan?" sabi ko, humarap ako ng unti-unti. Ano ito?

"Mahal na prinsesa..." Nakayukod ang mga puno, nakakapagsalita sila. Pati nga iba't ibang klase ng hayop narito at nasa harap ko nakayukod.

"Hindi ako ang prinsesa nyo" sabi ko

----------------------------------------------------------------------------------------

Thank u for reading po, pasensya na po kung mabagal ako mag-UPDATE. Thank u din po sa mga nagvote ng story ko, sa daki nyo di ko na kayo matandaan. Pero kahit ganun thank you po... :)

Magic SchoolWhere stories live. Discover now