Part 19: Find

1.6K 50 0
                                    

Roger's POV

Si Jane kanina pa hinahanap ang image ng babae sa libro, hindi naman mahanap. Pero promise hindi ko napansin ang babaeng yun? Baka naman isang royal blood ang babaeng nakita nya? O kaya naman isang dating mandirigma ng paaralang ito?


"Jane awat na" sabi ni Von


"Gusto ko talagang malaman kung sino sya" sabi ni Jane na naka-tuon pa rin ang pansin sa libro. Sumenyas naman si Von na kuhain ang makapal na glass nung babae sa kabilang table, pumunta si Mel dun at nagpa-cute


Maya-maya andito na si Mel at dala ang glass. Kadiri kasi ba naman bago nya nakuha ang glass may libreng kiss sa cheeks yung mga nerd na halos mamatay sa kilig. At heto naman si Aena namumula sa galit.


"Heto" sabi ni Mel, kinuha ito ni Von at isinuot sa kapatid.


"Ayan ganap na NERD ka na, pag-butihin ang pag-aaral" sabay tawanan naming lahat


"Super OA mo talaga kuya" sabi ni Jane at nilapag ang glass sa table.


Nagku-kwentuhan kami at nag-aasaran pero sya parang wala ang presensya namin dito. Maya-maya pa napatayo at nagsabing...


"Yes! Gotcha!" Sabi nya


OA mo...


Ang corny mo...


Sino ba yan?


Sabi ng mga tao sa kanya, pero hindi nya ito pinansin. Himala! Mabait sya ngayon...


"Princess Serifina" sabi nya


Kaya naman napatingin kami sa libro, palapit ng palapit ng palapit sa kanya!


"doon nga kayo! Ang init po..." sabi nya kaya naman nagsi-balikan kami sa pwesto namin.


"Anong sabi?" tanong ni Catrina


"Sabi sa libro si Princess Serifina ay anak ni King Archer II. Namatay si King archer noong huling unang digmaan, pumalit si Prinsesa Serifina at naging magaling na pinuno pero may isang taksil na kaibigan ang nagpa-bagsak sa kanya at sa bayan nito, si Deborah o mas kilalang Borah. Si Deborah o Borah ay isang matalik na kaibigan ng prinsesa dahil sa inggit nawala sa puso nya ang pagmamahal, at hindi na nya tinuring na kaibigan ito. "


"tapos ka na?" sabi ko


Hindi nya ako pinansin at bigla na lang syang umalis. Napaka-isip bata nya ano? Para syang bata na nag-hahanap ng maganda at hindi makakalimutang adventure.


"Saan yun pupunta?" sabi ni Celeste


"For sure maghahanap pa ng ibang detalye" sabi ng kapatid nito na si Von


"Maniwala? May pagka-nerd din talaga sya ano?" sabi ni Jay


"Sinabi mo pa... Nung hindi pa natutong magbarkada yan, napaka-talino nyan. Biro mo taon-taon top student bwahahaha! Pag-dating naman sa 2nd year high school nya ayun lagpak. Naging ganyan na ang ugali nya. Napaka-bagsik" sabi ni Von at tumungga ng coke.


Jane's POV

Pupunta ako dun sa isang lugar kung saan bumalik o binalik ang mga dating pangyayari sa memorya ko. Halos hindi ko na kaya maalala ang mga pangyayaring yun, syempre matagal-tagal na rin kasi eh?



"Tama dito" sabi ko, nasanay na ako kasi wala naman talagang pumupunta dito kasi karamihan sila natatakot sa hallway na ito. Hindi ko alam ang dahilan eh?


Lumakad akong muli, pumasok ako sa pinto. Pero may nakita akong mga anino, nag-uusap sila. Nag-tago ako dun sa isang poste...


"Kailangan na nating kumilos dahil oras na mabuo ang mga elemental guardians mas malaki ang posibilidad na lumakas muli ang hukbo nila. " sabi ng isang boses ng lalaki


"Paano kung makaharap natin ang anak ni Reyna Serifina?" sabi ng isang boses ng babae


"Kitid ng utak mo ano? Hindi nila alam kung nasaan ang bata, tsaka namatay na ang bata noong ikalawang digmaan" sabi ng isang pang boses


"basta gagawa tayo ng paraan, maghintay lang kayo dahil mapapasa-atin na ang buong mundo ng mahika, lalakas ang hukbo natin at sila naman ang maghihirap bwahahaha! Wala tayong ititira kahit isa" sabi ng isang boses.


Napa-takip ako ng bibig at nagtangkang aalis kaso napansin nila na ang nagawang ingay ng mga paa ko. Patay tayo di ha!


Someone's POV

Anong ingay yun? Mukang may iba pang tao ang naririto? Hindi kaya may nakarinig sa usapan namin? Sa palagay ko kailangan namin syang patahimikin dahil malaki ang tyansang masira ang mga plano namin.


"Hanapin nyo kung nasaan sya" utos ko sa dal'wa ko pang kasama.


Hinanap na ng dal'wa, pero may napansin ako. Isang tao dun, mukang naroon sya banda dun. Tumalima ako kaagad at handang atakihin sya pero wala naman akong nakita. Pero may nakita akong isang bracelet na silver.


Malas nya kasi nakalagay ang pangalan nya... Jane. May na-isip na akong plano, kailangan ko syang patahimikin dahil siya ang sisira sa plano namin.


____________________________________________________________________________________


Thank you po... I hope you like it!




Magic SchoolWhere stories live. Discover now