Part 20: The Lost Bracelet

1.7K 49 1
                                    

Mel's POV

Nakita ko si Jane, nag-lalakad ng mabilis at parang kinakaban na ewan? Para syang nakakita ng multo sa itsura nya. Pano ba naman namumutla... Malapitan nga, ano bang problema kayang nangyari doon?


"Jane" tawag ko, kaso hindi lumingon edi sinundan ko. Nung naabutan ko hinawakan ko sa balikat


"Ahy kabayo!" nagulat na sabi nya at humarap sakin


"Anong nangyari sayo? saan ka galing?" sabi ko


"W-wala, sa b-banyo l-lang..." sabi nya


"Eh di ba malayo pa dito ang banyo ng mga babae?" sabi ko, pano naman sya nang-galing sa banyo ng babae kung galing sya sa lugar kung saan walang estudyante na napunta.


"Ano ka ba naman Mel. CS malamang napadaan lang ako dito" sabi nya


"Ah... Ano naman ang ginawa mo dito?" sabi ko


"Wala... Na-curious lang ako. Bye, I have to go" sabi nya at umalis


"Teka, sandali lang na--- Pronlema nun?" sabi ko, sabay napalingon ako dun sa hallway na pinanggalingan nya. Kung hindi ako namamalikmata may nakita akong parang dumaan. Kumarap-kurap ako at kinusot ang mata ko sabay tingin ulit. Wala naman? Pagod lang toh kanina sa klase.


Catrina's POV

Andito kami ngayon sa klase namin, at napapansin ko na kanina pa balisa si Jane. Ano naman kaya ang dahilan, tapos pag tatanungin lutang na lutang pa. Back to earth naman kapag sinigawan ni Sir Jerez or Sir Torres.


"May something kay Jane" sabi ko kay Celeste


Lumingon naman ito at tinitigan ng mabuti si Jane, yung seryosong titig.


"oo nga, may bumabagabag sa kanyang kung ano" sabi nito


"Gusto nyo basahin ko ang utak?" sabi ni Aena, parang si Roger din ito kaso ice ang formal element nya.


"Sige"


"Sure"


Maya-maya...


"Hindi ko mabasa, na-block nya ako. Tsaka mukang mas malakas sya sakin" sabi ni Aena. Mas malakas?


"di ba wala namang charm si Jane?" sabi ko


"oo nga, pano mo nasabing malakas?" sabi ni Celeste


"kasi walang sino man ang nakaka-block sa mga mind reader noh? Paano nya nagawa yun. Nakakainis! " sabi nito


May something talaga kay Jane na hindi ko lang maipaliwanag.... At kung ano man yang iniisip nya sana matahimik naman ang utak nya. Baka naman magulat kami himatayin na lang yan, bumalik na ako ng tingin sa aing guro at nag-focus sa discussion.


Jane's POV

Natapos na ang klase, naglalakad kami ngayon nila Catrina sa corridor. Kaso ako high na high at tila ba hindi napapansin ang napag-uusapan at kalokohan nila, sino naman kaya ang mga taong 'yon? akala ko sa Earth lang meron ng mga traydor. Patay sila sakin!


Napa-tingin ako sa braso ko, nasan nga pala ang bracelet ko? OH MY GOD! Nakipag-away pa ako sa jewelry shop para lang sa bracelet na 'yon. Nasan na un? Nasa 1000+ ang bili ko dun. Nakipag-away pa ako sa kapangalan ko para mabili iyon.


"Jane? Bakit?" Tanong ni Catrina


"Huh? Nawawala kasi yung bracelet ko eh?" sabi ko


"saan ka ba huling nag-punta?" sabi ni Celeste


Pilit kong inalala kung saan ako nag-punta kanina... Sa library, cafeteria, sa mysterious hallway, at classroom. Oh my gosh naman? Nasan na yon mahalaga pa rin sa akin yun!


"Samahan ka na namin maghanap, saan ka ba nagpunta hu?" sabi ni Aena


"Inulit mo lang yung sinabi ko eh? Pektusan kita eh?" sabi ni Celeste


"Dinagdagan ko naman" sabi ni Aena


"shut up! Sa library, dun sa walang katao-taong hallway, sa room. " sabi kong wala sa sarili, pano ko ba naman mahahanap ang bracelet ko sa tatlong lugar na iyon.


__________________________________________________________________________________


Thank you po sa pagbabasa ng story ko, icluding silent readers and voters...


Thank you po sa votes @younagkim and @blackdragonbutterfly...


Magic SchoolWhere stories live. Discover now