Part 21: Sofia

1.6K 48 0
                                    

Von's POV

Si Jane mabaliw-baliw sa kahahanap ng bracelet nya. Ayan kasi napaka-gala, honestly, may pagka-clumsy talaga siya. Ayan kawawa... Basang sisiw ang peg.


"Bwesit! Nakipag-away pa kaya ako sa isang customer para lang dun" sabi nya


"Yun lang eh?" sabi ni Roger


"Banatan kitang baklito ka eh?" sabi nito


"Wow? Banatan ka daw BAKLITO..." diniin talaga ni Jay bwahahaha!


"Baka nga? Baka halikan ko lang yan eh" narinig kong sabi ni Roger


"Ano?" sabi ni Jay


"Wala..." sabi ni Roger. Asarin ko rin kaya ito? Wag na sayang pagod lang naman ako dyan...


CELESTE'S POV

Lunes na ngayon at ngayon ang duel. Mukang malupet at walang magpapatalo mamaya... Naligo na muna ako at kumain, matapos yun pumunta na ako sa room para makapag-handa sa duel. Nakita ko si Jane na nasa tabi ng upuan ko.


"Bakit dyan ka naka-upo?" sabi ko


"Ayaw mo akong katabi noh? binago na po ni Ms. Francisco ang arrangement natin" sabi niya


"Ah. OK" sabi ko at naupo na lang nasa likod namin ang tatlo at may katabi akong babae... Bago sya sa paningin ko. Baguhan ata?


"Hi" Bati ko, ang awkward kasi eh?


Tumingin sya at ngumiti, sabay sabing "hello..."


"Ako nga pala si Celeste, sila naman ang kaibigan ko" sabi ko sabay turo kina Catrina, Aena, at jane. Well, oo nga pala bago mag-duel pinapapunta kami sa office hindi ko alam ang dahilan.


"Ganun? Ako naman si Sofia" sabi nya, may napansin ako sa mata nya. Bakit parang naging violet yun? Pinikit ko ang mata ko pero sa pagtingin ko black na ito. Baka naman namalikmata lang ako?


"Nice to meet you" sabi ko at nilahad ang aking kamay


"Same to you" at hindi na sya nag-salita. Okay na siguro yun, atleast nakilala ko na sya.


"Jane, bakit hindi mo pinapansin ang bagong ka-klase natin?" sabi ko


"kasi ayoko sa kanya, tsaka may iba sa kanya. Basta I hate her..." sabi nito at lumakad na... anong mga problema nun? Kanina din sila Catrina ayaw kay Sofia... Wala namang mali sa kanya? Msyado lang talagang maarte ang mga yun.


"Sofia anong charm mo?" sabi ko


"Isa akong black manipulator" sabi nya, pero dahil sa ingay hindi ko narinig. Napansin ko na parang nagulat sya...


"Ano? Maingay kasi eh?" sabi ko


"Isa akong earth user" sabi nya


"Ah..." sabi ko


"Ganun?" sabi nya, natwanan kami...


Matapos ang aming pag-uusap napansin ko na parang may iba sa kinikilos nya. Pero hinayaan ko na lang, baka naman kasi nag-mamadali sya.


____________________________________________________________________________________


Thank you sa pagbabasa :)


Magic SchoolWhere stories live. Discover now