1. Don't know much about my life

90.4K 1.4K 38
                                    

"I am not sure..."

Kristine was thinking about her uncertainties while she was looking at Jake. She reminded herself why she was with him. Hindi niya na rin alam. Ang malinaw lang sa kanya noon, Jake takes away all her loneliness and that was one of the reasons why she was with him, pero ngayon, ni hindi niya alam kung bakit sila magkasama.

Bakit nga ba?

Was it because of love?

He smiled at her.

They were at the coffee shop that morning after going to the hospital to visit her best friend. Nag-aalala pa rin siya para dito but then she's with her husband, ganoon kalaki ang faith niya sa lalaking iyon. Alam niyang hindi nito pababayaan ang kanyang kaibigan. Bumalik na si Jake sa table nila. She smiled at him. Muli ay tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit niya kasama ito?

Bakit nga ba?

Hindi niya alam.

Pero hindi na niya kayang tumagal pa ang isang araw na hindi niya alam kung bakit niya ito kasama. Gumana na naman kasi ang pagiging impulsive niya. She's like that, she had always been impulsive – lagi na lang siyang nag-ja-jump in sa spur of the moments nang hindi siya nag-iisip. She's too stupid sometimes. Huli na bago niya maisip na hindi niya pala dapat ginawa ang isang bagay, tulad nito. Hindi naman pala dapat nsinagot si Jake. Clearly, wala siyang nararamdaman para dito, pero heto siya, kasama niya ito.

"Jake, I need space."

Bigla itong napatingin sa kanya. Jake smiled. Lumayo ito nang kaunti siya kanya. Muntik na siyang mapanganga.

"Space." He said. She couldn't help but to put her palm on her face.

"This is great!" She whispered. Napakamot siya ng ulo. She's getting impatient. She gave out an exasperated sigh.

"You know that's not what I'm talking about." Sabi niya pa. Noon lang sumeryoso si Jake.

"Kristine..."

"Wala naman tayong pinupuntahan. I need space. Kailangan kong mag-isip. I'm sorry, Jake."

Umayos ito ng upo at saka tumingin sa kanya.

"Huwag mo naman sanang gawin sa akin ito." He said in a very low voice. That broke her heart. Gustuhin man niya ay hindi niya magawa. Jake is a good man pero hindi lang naman good ang hinahanap niya. She's getting old and she wanted to experience real romance. Ayaw niya ng love out of convenience lang – kung love out of convenience lang naman kasi ang hanap niya sana pala nagpunta na lang siya sa pinakamalapit na 7/11 store.

She wanted romance. Gusto niyang kiligin. She wanted to experience that twitter pottering sensation na nababasa niya sa romance novels. Hindi naman siya ideal na tao pero naniniwala siya – somehow – in a parallel universe, naniniwala siya na nag-e-exist ang mga lalaking iyon. She wanted to find one and sadly hindi si Jake iyon.

"I'm sorry." She said out of pitty. Kasalanan niya rin naman, agad siyang sumama dito, akala niya kasi ay mahal niya ito pero in the long run, she realized na hindi naman pala. "Kung papatagalin ko pa ito, mas lalo ka lang masasaktan sa huli."

Tumayo siya. Iniwan niya si Jake sa loob ng coffee shop. She didn't even bother looking back at him, alam niya naman kasi ang hitsura nito. Sayang. Their love could've been something else, pero hindi, nasayang ang lahat, alam niyang hindi niya kay Jake mararanasan ang mga bagay na pinapangarap niya.

Sa lahat ng bagay na meron siya ngayon, isa lang ang hinahanap niya.

A man that can make her heart leap by just merely looking at her. At kapag nahanap na niya ang lalaking iyon. Pakakasalan na niya iyon, hook or by crook.

---------

"Saan ka pupunta?"

Kulang na lang ay ilayo ni Kristine ang cellphone niya sa kanyang tainga. For the nth time that day, tumawag na naman si Jake sa kanya at kinukulit siya.

"Ilang beses kong sasabihin na wala kang pakialam?" Hindi na niya matiis na hindi ito tarayan. She will leave the metro today, pupunta siya sa San Miguel. She got a job in that place, magiging personality development teacher siya ng isang batang sa self confidence. Isang step niya na iyon para makalayo kay Jake dahil alam niyang hindi siya nito titigilan.

"I told you, Rami got me a job in Thailand." Pagsisinungaling niya dito. Si Rami ang agent niya, pati ito ay kinasabwat niya. Rama was the one who found a job for her, grateful siya dito dahil tinulungan siya nito.

"Ngayon? Alam mong babalik na ako ng UAE bukas!" Sabi pa nito. Nainis na talaga siya.

"I don't care!" She said. Binaba niya ang telepono, noon naman bumukas ang silid niya, pumasok si Rami.

"Talagang hindi mawawala ang pink sa wardrobe mo, dear!" Natatawang sabi niya. Si Rami ay isang pink butterfly, ang pangalan talaga nito ay Ramil. Hinawi nito ang buhok niya.

"Dearie, sigurado ka na pupunta ka sa San Miguel para sa trabaho na iyon?"

She just smiled. Isinara niya ang suitcase niya at tumingin dito.

"Ready na ako."

"Sure ka?" Muling tanong ni Rami sa kanya. Tango na lang ang isinagot nita dito. "Oh, well. A former super model turned yaya."

"You make it sound so bad!" reklamo niya pa dito. May ibinigay itong envelop sa kanya.

"Nandyan sa loob ang contract mo. Nasabi ko na rin sa employer mo ang demands mo, pumayag naman sila, wala na kayong pag-uusapan, you just need to sign that and we're okay. Tapos iyong ibang nasa loob, iyan ang profile ng magiging alaga mo."

"Trainee." Sabi niya pa.

"Whatever! Her name is Fatima Diana Veronica Del Mundo Santillan."

"Really? Paano siya noong grade one siya?" Natatawang sabi niya. Rami didn't get her joke so she just made a face.

"You can read about her later, nandyan na yata ang sundo mo." Sumilip siya sa bintana at nakita nga niya ang itim na SUV sa tapat ng bahay ni Rami. Binalingan niyang muli ito. "Call me when you get there okay?" He said. Niyakap niya ang kanyang kaibigan.

"I'll miss you." She said.

"Friend, wag mo akong paiyakin, gaga ka, iyong Maybelline kong eye liner!" Natawas siya. She kissed his cheeks and turned away. Nakangiti siyang aalis sa bahay na iyon. Wala siyang iniisip kundi ang kung anong nga bang mangyayari sa kanya sa oras na tumapak siya sa San Miguel, She's unsure of the things around her right now, pero kahit ganoon ay hindi naman mawala ang good feeling na nararamdaman niya.

Hindi man niya alam kung anong meron sa lugar na iyon, kakayanin niya, aalamin niya. Starting today she will take her chances – no spur of the moment thing!

Taking ChancesWhere stories live. Discover now