3. Don't wanna be alone tonight...

65.5K 1.5K 53
                                    

“Let go of me!”

Nakaupo si Kristine habang pinapanood si Fatima na hinahatak ng dalawang trabahador papasok ng library. Today is the first day of their class. Hindi niya hahayaang masira ng bad vibes na nangyari sa kanila kaninang umaga ang araw nilang dalawa. She’s there for work at dahil professional siya, gagawin niya ang trabaho niya kahit masama ang loob niya dahil sa nangyari sa Armani dress niya.

Arghh! Nanggagalaiti pa rin siya sa inis kapag naaalala niya ang pobreng trabahador na bumastos sa kanyang kaninang umaga. She swore na sa oras na makausap niya si Doña Isabelle ay sasabihin niya rito ang nangyari and she will make sure na mawawalan ng trabaho ang lalaking walang modo na iyon.

“Good afternoon, Fatima.” She smiled sweetly. Sinenyasan niya ang dalawang lalaking may hawak dito na bitiwan ito. Nang pakawalan ito ng dalawa ay bigla naman sinikmuraan ni Fatima ang mga ito.

“Aray!”

“Susumbong ko kayo kay Kuya Pabi!” Sigaw nito.

“Oh please!” Sabi niya. “Sige na, pwede na kayong umalis.” Hinawakan niya ang kamay ni Fatima at pilit niyang iniupo ito sa isa sa mga silya roon. She gave her the death glare.

“Akala ko ba nagkaintidihan na tayo? I don’t need this!” Sabi pa nito. She made a face. Kailangan yata ng anger management ng batang ito. She sighed.

“I have some questions for you, Fatima.” She said.

“No, no, no, no.” Nakangising sagot nito.

“Wala pa akong tanong.” Huminga siya ng malalim. “How old are you?”

“Old enough to make you cry out of pain.”

“Old enough but still childish. How old are you?” May diin sa bawat katagang binitiwan niya.

“Fine, I’m seventeen.” Sumimangot ito sa kanya.

“I see. So what do you want to do? I mean naisip mo na ba kung saan ka mag-aaral?” She asked again.

“Ayoko nang mag-aral.”

“Then anong gagawin mo?”

“Gusto kong maging caballero katulad ni Kuya Pabi.” Fatima finally gave her a genuine smile. Kung tutuusin ay napakagandang bata nito, pero mali talaga ang lahat ng kinikilos nito. Everything about her – mula sa attitude nito ay mali. She’s seventeen, she’s a lady, and she should start to act like a lady.

“I’m sorry, what’s a caballero?” naguguluhang tanong niya.

“Someone who runs the hacienda. Iyon ang tawag nila. My father used to be the caballero here, but since he’s sick, si Kuya Pabi na ang caballero. I wanna be like him.”

“But you’re a girl! You should act like a lady. Prim and proper.”

“Para saan? Para makakuha ng mayamang asawa like Isabelle?” Napailing siya. Bakit ba galit na galit si Fatima sa madrasta nito? Samantalang sa tingin niya ay napakabait nito, ikinuha pa nga nito si Fatima ng personal coach, bakit hindi nito ma-appreciate iyon?

“Why do you hate her so much? Mabait naman siya sa’yo.”

“Mabait? That bitch ruined my family!” Sigaw nito sa kanya. “Huwag kang magsalita ng tapos, hindi mo alam kung anong kulay ni Isabelle.” Tumayo ito, naglakad ito papunta sa pinto ng library.

“Not so fast.”

“We’re done for today.” Giit nito.

“Hindi pa! Ako ang teacher, ako ang magsasabi kung kailan tayo tapos na!” Sabi niya pa.

Taking ChancesWhere stories live. Discover now