9. I just wanna start again

58.2K 1.2K 10
                                    

“Nasaan si Pablo?”

Kristine asked Fatima the next morning after that excruciating experience she had. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. She was so scared that time. Hindi niya na nga alam noon kung makakalampas pa sioya sa nangyari. Akala niya talaga ay matutuloy ang balak ng mga ito sa kanya. And by just merely thinking about it, nanginginig na naman ang buong katawan niya sa takot.

“Kuya went to the farm with Mang Ambo, I guess they will deal with those guys who tried to… you know…” Hindi na itinuloy ni Fatima ang sinasabi nito. She just looked at her and sighed. Bigla siyang nakadama ng pag-aalala. Gusto niyang puntahan si Pablo dahil baka kung anong gawin nito. Alam niyang galit na galit ito.

“Oh, saan ka pupunta?” Napatayo si Fatima nang tumayo na rin siya. She needed to go to Pablo, ayaw niyang may gawin itong masama dahil lang sa kanya. Hindi niya pinansin si Fatima she kept on walking kahit na hirap pa rin siya dahil nagkapilay siya kahapon nang bigla na lang siyang isadlak sa lupa ng mga lalaking iyon. Alalang-alala siya kay Pablo, baka kung anong gawin nito sa mga lalaking iyon.

“Kristine, sandali!” Narinig niya si Fatima. She just sighed, Kailangan niya talagang mahanap si Pablo. But then before she could even touch the door knob, bumukas ang pinto, moments later nakikipag-face to face na siya kay Pablo. Ngumiti ito sa kanya.

“Saan ka pupunta?” He asked her. Bigla na lang niya itong niyakap. Kahit pano ay nakahinga na siya ng maluwag. Pablo put his arms around her. “Bakit?”

“Bumangon siya kuya eh, hahanapin ka yata.” Narinig niyang sabi ni Fatima. Napabuntong hininga naman si Pablo. She looked up at him.

“Sabi mo kasi hindi mo ko iiwan…” Wika niya. Pablo just smiled.

“Lika na, kailangan mo pa ng pahinga.” Binuhat siya nito at saka iniakyat muli sa kanyang silid. Fatima waved them goodbye. Pablo put her down again. Umupo ito sa tabi niya, he held her hand and kissed it. Damang dama niya ang tenderness sa kilos nito. Hinawakan niya ang mukha ni Pablo at saka tiningnan niya ang mga mata nito.

“Bakit malungkot ka?” She asked.

“I need to tell you something.” Sabi nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan sa tinuran ni Pablo, nakadama siya ng takot. Sinapo pa nito ang mukha nito at saka muling tumitig sa kanya. “Please don’t freak out. I am going to tell you the darkest secret of my family which includes Isabelle. But before that, remember that I love you, I really do… I love you so much,” He sighed.

“A-ano ba iyon?” Hinawakan niya ang kamay ni Pablo, umusog siya ng kaunti dito. “Huwag mo naman akong takutin. Ano ba kasi iyon?”

He took a deep long breath, hintay siya ng hintay dito.

“Isabelle’s my ex girlfriend.”

Nabitiwan niya ang kamay ni Pablo. Pablo looked at her. Hindi niya ito maintindihan. Kung ex girlfriend ito ni Pablo, bakit asawa ito ng ama nito ngayon? Hindi niya maintindihan. Pilit niyang sinusubukang i-digest ang imporasyong binitiwan ni Pablo sa kanya. Ex nito si Isabelle?

Bigla ay naalala niya ang sinabi ni Isabelle sa kanya kahapon.

“Ako ang mahal ni Pablo!”

Iyon ba ang ibig sabihin noon?

“H-how?” She asked. Pablo took another long sigh. Dama niya na hirap ito sa nangyayari ngayon.

“She was a part of my life that I’ve wanted to forget. She came in my life like a thief. Ninakaw niya ang kasiyahan ng pamilya ko.” Tumingin si Pablo sa malayo. Nakita niyang nag-uunahan ang mga luha. Pablo was so broken at nararamdaman niya ang sakit nito ngayon. “I fell in love with her pero hindi ko naman alam that at the same time, inaakit niya rin ang Papa. I didn’t have any idea, my parents’ marriage started to fall apart, my mom got depressed, she… she…” he sighed. “She hanged herself, I was so fucking sad that time. I was so in love with Isabelle back then and when that happened I lost her too. Ang buong akala ko ayaw na niya sa akin but then, after one week, inuwi siya ni Papa sa mansion, they announced to the world that they will get married.”

Taking ChancesWhere stories live. Discover now