10. Never knowin' if there's solid ground below

54.3K 1.1K 8
                                    

Everything else was falling into their places. Masayang-masaya si Kristine dahil sa nangyayari sa kanila ni Pablo. Pablo is perfect. Iyon ang palaging nasa kanyang isipan. Tuwing magkasama sila ay wala siyang nararamdamang takot o kaba, she feels safe whenever she was with him. Hindi rin naman nagkukulang si Pablo sa pagpapaalala sa kanya kung gaano rin siya nito kamahal. Last night, he took her out to the falls again, doon na sila nag-dinner, matapos iyon ay humiga sila sa damuhan at doon sila nagkwnetuhan after that, they ended up making love at the river. 

She sighed. Pablo was insatiable. Pero kahit ganoon ay napaka-sweet pa rin nito sa kanya. Damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya. Napabuntong-hininga muli siya. 

"Are you okay? You kept on sighing? Don't tell me you were still mad at kuya for kissing that woman?" 

Tumaas ang kilay niya nang maalala na naman niya ang malanding babaeng iyon na humalik sa Pablo niya. She looked at Fatima, kasalukuyan niyang ipanapasuot dito ang mga bagong dress na ipinamili niya dito noong isang araw. 

Last Monday, they all went back to Manila to visit her friend - Ericka at pagkatapos noon ay nagpunta sila sa mall para ibili ng gamit si Fatima, she was busy taking care of Fatima's needs at nang mapalingo siya sa labas ng store ay nakita niya si Pablo kasama ng babaeng iyon na makapal ang mukha na naghahalikan. Nag-init talaga ang ulo niya at hindi niya napigilan ang pagseselos kaya sampu ng Versace dress niya at Manolo Blahnik's sinabunutan niya ang babaeng iyon at hinatak si Pablo palayo. Galit na galit siya dito pero ito naman ay tawa nang tawa. Hindi niya talaga alam kung bakit ito natatawa sa kanyang reaksyon. 

Hindi niya talaga ito kinakausap buong byahe at hindi niya rin sana ito patutulugin sa Villa niya kundi lng siya inakyat nito. Pikon na pikon siya noon, ang katwiran kasi ni Pablo ay iyong babaeng iyon ang humalik sa kanya. Lalo siyang nagalit doon, para kasing wala siyang karapatan maiinis dahil iyong babae ang humalik.

Hindi talaga siya tinigilan ni Pablo noon, kung anu-anong ginawa nito, paulit-ulit nitong sinasabing mahal na mahal siya nito. Sa huli lumambot rin ang puso niya. Tumayo siya at kumuha ng bulak at alkohol, pinahid niya ang labi nitong maigi para mawala ang bakas ng germs ng babaeng iyon sa labi nito.

After that, she gave him an honest to goodness kiss - a kiss that he surely won't forget. 

"Hindi na noh." sagot niya kay Fatima. 

"Eh why are you like that?" She just looked at her. Halos apat na buwan na siyang naroon sa hacienda nila Pablo at tuwang-tuwa talaga siya sa nakikita niyang pagbabago kay Fatima. Hindi na ito tulad noon na magaslaw kumilos, palaging tumatakbo at palaging nakasigaw. 

Lady na si Fatima at natutuwa talaga siya. Nagsusuot pa rin ito ng mga oversized t-shirts pero seldom na.

"Wala, I miss him na eh." Wika niya. Nalukot ang mukha ni Fatima. 

"Hay naku, landi moments na naman. Anyway," umupo ito sa kanya tabi. Kasalukuyan silang nasa kwaro nito. Hinawakan nito ang braso niya. 

"I wanna tell you something..." Sabi pa nito. Mataman niyang tiningnan si Fatima. May kung anong ngiti sa labi nito. "Do-do y-you remember the guy we saw at the store the first tim we all went to church together?" Fatima asked her. Kumunot naman ang mukha niya. Bigla siyang napangiti nang malala niya ang sinasabi nito. 

"What? Why?" Napangiti siya. Fatima pouted her lips. 

"I wanted to tell kuya but then he wouldn't understand. Papagalitan niya lang ako." 

Umayos siya ng upo at saka tumingin dito. She encouraged Fatima to say something. 

"That guy's name is William..." Fatima bit her lower lip... "And..."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon