8. But what do you say to taking chances

57.1K 1.3K 21
                                    

Pinanood ni Kristine ang paglipad ng chopper ni Pablo sakay si Ericka, Pablo have volunteered to take Kristine back to Manila dahil sa nangyaring gulo sa asawa nito. Napapailing na lang siya sa tuwing naaalala niya ang iyak ni Ericka, hindi niya pwedeng itanggi na mahal na mahal talaga nito ang asawa nito kahit na ang dami ng problemang kinahaharap ng dalawa. She sighed. She will surely miss Pablo, sana ay makabalik agad ito. 

Muli siyang lumakad pabalik sa kanyang Villa, don nadatnan niya si Fatima na nakikipaglaro kay Rhobie. She nsmiled while looking at them, hindi niya talaga maarok kung paanong si Fatima ay gustong-gusto ang anak ng kanyang kaibigan. Maybe she had been dreaming of having a baby sister kaya siguro ganoon na lang ang concern niya kay Rhobie. Iniwan niya ang dalawa at umakyat siya sa kanyang silid. She laid on her bed thinking about what Fatima had said to her last time. 

"I really think he intends to give me a big sister by marrying you."

Paulit-ulit iyon sa kanyang isipan. Napapangiti siya sa tuwing naiisip niya iyon. Alam niyang hindi masasabi ni Fatima iyon kiung hindi nabanggit ni Pablo at kung sakali man na iniisip ni Pablo ang kasal, ikinatutuwa niya iyon, isa lang ang ibig sabihin noon. May posibilidad na mahal siya nito. 

Nakakatuwang isipin na mahal siya ng taong mahal niya. Hindi na ito basta biro, hindi laro, she was really in love with him, she really thinks that it was him - Pablo - ang lalaking hinahaap niya. When it comes to him, hindi na niya kailangan hanapin pa ang romance, dahil kahit hindi niya nakikita iyon ay dmaang-dama naman niya.

She feels that everytime he touches her, or everytime he holds her hand. Kung sakaling mahal siya ni Pablo ay napakaswerte naman iya dito. 

She sighed. 

"Barbie doll!" Napabalikwas siya ng bangon nang marinig niya ang tinig ni Fatima. Agad itong pumasok sa kanyang silid. 

"Oh, nasan si Rhobie?" She asked. 

"Mang Elena put her to bed for a nap. Why are you here? Don't tell me you're missing Kuya Pabi agad? Eh he'll only be gone for a while. He'll be coming back later tonight or this afternoon." 

"Ano ka!" She blushed. Ganoon na ba siya ka-obvious.

"Huuu! Hey, do we have lessons for today?" Fatima asked her again. 

"No. Tomorrow na lang, you are free to have fun with your horses today." 

"Yey! Thanks, Ate -- oh I mean Barbie!" 

Matapos sabihin iyon ay nagtatakbo na ito palabas. Did she just call her ate? Natawa naman siya. Nararamdaman niyang may alam si Fatima ngunit ayaw lang nitong sabihin sa kanya iyon. 

Napapalalim na ang pag-iisip niya pnang makarinig siya mula ng pagkatok sa may pintuan. Walang sabi-sabing pumasok doon si Daisy. 

"Ipinapatawag ka ng Doña." Pagkasabi niyon ay umalis na ito. Bigla naman siyang kinabahan. Anong kailangan ni Isabelle sa kanya? Hindi pa rin siya nakaka-move on sa engkwentro nila noong isang araw. Hindi niya makakalimutan na sinabunutan siya nito at talagang nagpapasalamat siya kay Pablo dahil ipinagtanggol siya nito. She sighed, wala naman siyang magagawa kung di ang puntahan ito, she just hoped na maging maganda ang pag-uusap nila. 

Sumunod siya kay Daisy palabas ng Villa niya, saglit ppa nga siyang natigilan nang makita niya ang dalawang trabahador na kausap ni Daisy ng makalabas siya ng bahay. Nakakatakot ang hitsura ng mga iyon, at mas lalo siyang natakot ng tapunan siya ng isa ng tingin at pagkatapos sy ngumisi ng nakakaloko. She felt scared, parang ayaw na niyang sumama kay Daisy, suddenly she just wanted to stay inside her room and lock herself until Pablo comes back. 

Taking ChancesWhere stories live. Discover now