12. And I don't know much about your world

54.1K 1.2K 18
                                    

Kristine was crying, nasa loob lang siya ng kanyang silid at kahit alam niyang si Manang Elena ang kumakatok. How could Pablo do that to her? Nagpunta siya doon para kakausap ito pero nadatnan niya itong nakikipaghalikan kay Isabelle. Tanggap naman niya na galit ito s akanya, tanggap niya rin kung hahalikan nito ang mga babaeng nakapaligid dito pero hindi si Isabelle. Of all people, bakit si Isabelle pa? 

Hindi ba nito alam na napakasakit para sa aknya iyon? The mere fact that the two of them had a past hurts her more than anything in this world. 

"Barbie, open this door!" Narinig niya ang boses ni Fatima. Nilapitan niya ang pinto at saka ibinukas iyon. Fatima was standing in front of her. Nagtatanong ang mga mata nito. "Sabi ni Kuya, aalis ka na daw." 

"O-oo. Aalis na ako." Sabi niya. Ayaw pa sana niyang umalis pero wala naman na siyang magagawa. Pinaaalis na siya ni Pablo, ibig sabihin ay wala na siyang lugar dito. Sasama siya kay Jake paalis pero hindi niya pa sigurado kung sasama rin siya dito pabalik sa UAE. 

"Bakit? Kuya proposed, didn't he? Anong nangyari? Why are you leaving just like that?" Hysterical na tanong ni Fatima. 

"Basta aalis na ako." Sabi niya dito. 

"Hindi pwede. Paano si Kuya? I over heard Isabelle telling kuya that you only wanted his money and that you were already engaged with that guy outside!" Hinawakan nito ang kamay niya. "Please tell me that's not true." 

It's not true. Hindi naman niya sinadyang mahalin si Pablo at kahit kailan ay hindi niya ninais ang pera nito. Gusto niyang magsisigaw at sugurin ang Isabelle na iyon. Patuloy pa rin siya nitong sinisiraan kay Pablo, para saan? Para mapunta si Pablo dito? Ang pathetic ng babaeng iyon. 

She turned her back at muling tinungo ang kama. Isinara niya ang kanyang suitcase at saka inayos ang sarili bago muling humarap kay Fatima. Sh hugged him.

"Please remember everything that I have taught you." Wika niya dito. 

"Wait, are you really leaving? Paano na si Kuya?" Naiiyak na tanong ni Fatima. She just smiled. Nilagpasan niya ito. She couldn't believe that she was leaving this place. Mula na ng maging sila ni Pablo ay hindi na niya naisip ang sarili niya na aalis pa siya sa lugar na ito. She had this vision of growing old with Pablo in this place. Napasinghot siya habang bumababa ng hagdan. She saw Jake sitting at the couch in the living room nang makita siya nito ay agad siyang inakyat at kinuha ang gamit niya. Hinatak rin nito ang kanyang kamay at kinaladkad siya palabas sa Villa na iyon. Kahit nasasaktan siya ay hindi nna siya kumibo. Hindi niya malimutan ang mukha ni Pablo kanina noong nag-uusap sila. He hates her now, ni hindi na niya nakita ang pagmamahal sa mga mata nito. Galit na galit ito sa kanya at tila ba kahit kailan ay hindi na siya mapapatawad nito. 

"Ate Kristine!" Sigaw ni Fatima. Huminto siya. Haharap sana siya nang maunahan siya ni Jake. 

"Pwede bang tigilan mo na si Kristine!" Dinuro pa nito si Fatima at saka tinulak ito palayo. 

"Aray!" Fatima exclaimed. 

"Jake ano ba?!" Sabi niya dito. "Bata iyan!" 

"Nauubos na ang pasensya ko!" He yelled. Muli nitong binalingan si Fatima at saka hinaltak sa braso. Muli na naman nitong dinuro ang dalaga. 

"Tigilan mo na si Kristine ha! Aalis kami sa ayaw at sa gusto mo!" 

"Jake ano ba! Bitiwan mo si Fatima!" Sigaw niya habang pilit na hinahatal ang kamay nito na nakahawak ng mariin sa braso ni Fatima. Maya-maya ay namalayan na lang niya na may humatak kay Fatima palayo sa kanila matapos iyon ay may kamaong tumama sa mukha ni Jake. 

"Putsa!" Sigaw ni Jake. She looked up and she saw Pablo standing there. Hawak nito si Fatima. Fatima was crying. 

"Don't make her leave kuya." 

Taking ChancesWhere stories live. Discover now