6. Maybe this is going too fast

65.8K 1.5K 35
                                    

“No! Hindi pwede, anong akala ninyo sa mansion ko? Bahay ampunan? Your friend cannot stay here!”

Napalunok si Kristine habang sinisigawan siya ni Doña Isabelle. Dinig nadinig ang boses nito sa buong sala. Parang nanlumo siya sa narinig niyang sagot nito nang ipaalam niya dito kung maari bang mag-stay si Ericka at si Rhobie sa Villa niya. Isabelle just looked at her and she started yelling at her.

“Pinakakain ka na nga at pinatitira magdadagdag ka pa ng bibig na pakakainin ko!” Sigaw nito. She felt so insulted. Kahit kailan ay hindi niya naisip na ganito kasakit magsalita ang babaeng ito. Ang buong akala pa naman niya ay napakabait nito, ang buong akala niya ay maiintindihan siya nito, pero parang nagkamali siya.

“But, please ---“

“Kung hindi mo paaalisin ang kaibigan mo, ako mismo ang kakaladkad sa kanya at sa’yo paalis sa mansion ko!” Pinanlakihan siya nito ng mata. Parang gusto niyang maiyak. Sobra-sobra na ang pang-iinsulto nito sa kanya at kay Ericka, ni hindi man lang nga tinanong nito kung ano ba talaga ang dahilan at pinuntahan siya ng kanyang kaibiga. All she wanted was to get rid of them.

“What is happening?” A deep and sexy voice said. Halos sabay silang napatingin ni Isabelle sa may pinto. There stood Pablo and he was eyeing the two of them.

“I was just telling this woman that her friend cannot stay here.” Nakangising sabi ni Isabelle.

“Your friend can stay, Kristine. I already talked to her. She can stay here as long as she wants.”

“What?!” Isabelle exclaimed. “Pabi you can’t do that!”

She smiled at him. Hindi na niya pinansin si Isabelle. Pablo’s permission was enough for her.

“This is my house, ako ang may say kung sino ang titira!” Muling sigaw ni Isabelle. Unti-unti ay nakikita niya ang tunay na ugali ni Pablo. He has a heart of gold, mabait siya, he cares for the people around him, at alam niyang gusto rin si Pablo ng mga tao sa paligid nito. Hindi iisang beses niyang narinig o nakita ang kabutihang ipinamamalas ni Pablo sa mga trabahador ng hacienda.

“This is my house. I could kick you out if I wanted too, Isabelle.” Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ni Isabelle. Inirapan nito si Pablo at saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

“Dahil sa babaeng iyan? Bakit, Pablo? Did you already sleep with this slut?” Nang-uuyam na wika nito sa kanya. She wanted to keep her mouth shut pero hindi naman siya papaya na iinsultuhin siya nito ng ganoon.

“I am not sa slut.” May diin ang bawat katagang binitiwan niya.

“Oh really? Anong tawag mo sa sarili mo? Puta? Kaladkarin?”

“Huwag mo siyang itulad sa’yo.” Pablo said. Halos magpuyos sa galit ang dibdib niya. Gusto niyang sigawan si Isabell at sabihing walang nangyayari sa kanila ni Pablo dahil wala naman talaga. What do they have anyway? She doesn't deserve this kind of insults!

Ni hindi niya alam kung anong meron sila. Hindi niya kaya. She can accept the fact that Isabelle can do this to her, pero ang hindi niya makayanan ay iyong ginaganito siya sa harap mismo ni Pablo. She turned around.

"Totoo naman! Inaakit ka niya Pabi! Pera lang ang habol niya!"

"I said huwag mo siyang tulad sa'yo!" Sigaw ni Pablo. Ayaw niyang marinig. Nagsimula siyang maglakad palayo sa lugar na iyon. She hated Isabelle pero mas galit siya kay Pablo bakit ba ganoon? He keeps her hanging by the thread.

Gusto lang naman niyang malaman kung ano ba sila.

"Kristine's different, Isabelle." Narinig niyang wika ni Pablo. Hindi pa naman siya nakakalayo, she stopped. She wanted to hear this. "She's different..."

Taking ChancesWhere stories live. Discover now