11. My heart is beating down

48.4K 1K 25
                                    

"Kristine, saan ka ba pupunta?" 

Nanlalaki ang mga matang hinatak ni Krisitine ang braso niya mula kay Jake. She took a step back. 

"What are you doing here? You should be in UAE!" 

"Oo at babalik lang ako doon kung kasama na kita." Mariing wika nito. Umiling siya. Ano ba kasing nangyayari? Why is Jake here? Ang buong akala niya ay nilinaw na niya dito ang sitwasyon nila pero bakit nandito ito ngayon? Hindi naman ito dapat nangyayari, bakit ba nangyayari ito? Nandoon na siya sa punto na pwede na siyang maging masaya habambuhay kasama si Pablo pero bakit dumating pa ito? 

"Jake wala na tayo." Wika niya dito. 

"No!" He hissed. "You said you needed space, I had given you what you want. Ngayon ako naman ang pagbigyan mo. Sasama ka na sa akin sa UAE." Pinal na sabi nito. Hinatak siya nito palabas ng green house. Pilit pa rin niyang binabwi ang braso niya dito but he just won't let her. 

"Bitiwan mo ako?!" sigaw niya dito. 

"No! Ibabalik kita sa UAE! DOon ka bagay." Binitiwan siya nito at hinarap siya. "You have your whole career nin front of you and you threw that all away para maging yaya ka dito?!" Tila hindi makapaniwalang sigaw sa kanya ni Jake. "What were you thinking?! Ibabalik kita sa UAE sa ayaw at sa gusto mo!" 

Muli na naman siyang hinatak na nito. Kulang na lang ay kaladkarin siya ni Jake papunta sa kung saan. Nagpalinga-linga siya at hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin ang pamilyar na bulto ni Isabelle at ng assiatant nitong si Daisy na nakatayo malapit sa may green house at nakangiti sa kanya. Mukhang tuwang-tuwa ito sa nakikita. She even waved at them. She was looking victorious, noon niya naisip ang mga sinabi nito kanina. 

Past and present doesn't always mix. 

But how the hell did she knew about Jake?

"Jake ano ba?!" Sigaw niya dito. 

"Nauubos na ang pasensya ko, Kristine!" Sigaw nito. Hindi na siya nakakibo. Muli ay tinapunan niya ng tingin si Isabelle, she was now walking away pero alam niyang masayang-masaya ito. She felt like crying. Gusto niyang hanapin si Pablo, gusto niyang magpaliwanag dito. Hindi siya papayag na mawala na lang ito basta sa kanya. Nandoon na sila, they were on the verge of being happy but it just had to be ruined by that evil witch and her evil knight. 

Narating nila ni Jake ang Villa niya, halos ipagtulakan siya nito papasok. 

"Ay ano ba yan!" Napasigaw si Manang Elena dahil muntik nang tumama ang mukha niya sa coffee table sa lakas ng tulak ni Jake sa kanya. "Kristine!" Agad siyang dinaluhan nito. 

"Okay lang ako manang," Wika niya. 

"Ay!" Napatili ito nang bigla na naman siyang hatakin ni Jake papunta sa may hagdan. 

"Mag-empake ka na! Ibabalik kita sa UAE!" Sigaw nito. 

"Ayokong sumama sa'yo!" Sigaw niya. Napasinghap siya nang bigla na lang pisilin ni Jake ang panga niya. 

"I swear, Kristine, kapag hindi ka sumama sa akin, tatamaan ka na!" Sigaw nito. "Mag-empake ka na!" Binitiwan siya nito. Halos mapasigaw siya. Nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Nagtatakbo siya patungo sa kanyang silid at doon ay nagkulong siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pero buo ang desisyon niyang hindi siya sasama kay Jake pabalik ng UAE. Nandito na sa San Miguel ang buhay niya - naroon si Pablo - si Pablo ang buhay niya at hinding-hindi niya ito iiwan.... 

---------------------------------

Pablo doesn't know what to do.  He was just sitting beside his bed, looking at the floor, drowning himself in pain. Bakit ganoon? Hindi ba talaga siya pwedeng maging masaya na lang basta? Matagal siyang nabuhay sa lungot dahil sa nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya, he never wanted to let anyone in, he just wanted to live alone. The only reason whyt he came back was because of his sister, kahit kailan ay hindi pumasok sa bokabularyo niya ang magmahal muli. 

Taking ChancesWhere stories live. Discover now