2. Don't know much about this world

67.5K 1.4K 66
                                    

Gabi na nang dumating si Kristine sa San Miguel. Ni hindi niya alam na may ganoon kalayong lugar sa parte ng Pilipinas. They were on the road for almost eighteen hours at ang nakikita niya lang lagi ay puro kaparangan. She looked at the driver. 

"Ito na iyon, Kuya?" She asked. She was feeling tired already. Tumingin siya sa kanyang relo, it's almost midnight. "Grabe! Dulo na ba ito ng mundo?" 

"Hindi pa naman ho, Ma'am, pero malapit na ho." Tila natatawang sabi pa ng driver niya. Inirapan niya ito. 

"Hindi po ako nakikipagbiruan sa inyo." Nakataas ang kilay na sabi niya. Lumabas siya ng sasakyan, halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita niya kung gaano kalaki ang mansion na nasa harapan niya. 

"Pumasok ka na, Ma'am ako nang bahala sa bags ninyo." And she did, once she entered the house, lalo lang siyang nakadama ng paghanga. The house had a minimalistic look pero naroon pa rin ang pagiging magara ng paligid. There were a lot of antique things inside that house. Marami na siyang napuntahang magagandang lugar at masasabi niya na isa ang bahay na ito sa mga iyon. 

"You must be, Kristine!" Isang tinig ang narinig niya kung saan. She turned around and she saw a woman wearing her night gown walking down the stairs while looking at her. Siguro ito ang employer niya. Rami said na halos kasing edad lang niya ang kanyang magiging employer pero the woman looked older than her age. 

"Hi. You're Mrs. Santillan." Nakangiting sinalubong niya ito. 

"Silly girl. I am Doña Isabella Santillan. Welcome to the Santillan Mansion." 

Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kanyang kilay. Doña Isabella... She wondered how old she really was. She just smiled. Ayaw naman niyang magsalita. Mukhang tulad niya ay mataray ang kanyang magiging amo. 

"Mabuti pa magpahinga ka na. You will meet Fatima tomorrow morning at breakfast." Wika pa nito sa kanya. "Let me just call my assistant Daisy para samahan ka sa magiging bahay mo." 

"Bahay? Am I not going to stay here?" She asked. Tumitig sa kanya ang babae at saka tumawa. 

"Of course not! You have your own Villa. It's just around the corner." Huminga ito ng malalim at saka sumigaw. "Daisy!" Medyo nagulat pa siya sa ginawa nito. A little while later isang babaeng humahangos ang lumabas mula kung saan. "Escort Miss Kristine to her Villa." 

"O-okay, Doña..." Binalingan siya ng babae. "Let's go." 

"I'll be at the pool if you want me but do not ever disturb me!" Nakangiting sabi nito sa kanya at sa assistant nito. That woman is one weird woman. Napapailing na lang siya. 

"Maglalandi lang iyon..." Narinig niyang bulong ni Daisy. 

"Excuse me?" She asked. 

"Wala, Miss Kristine. This way please." Tinungo nila ang isang pinto palabas ng main house. She realized that they were now in the garden. Dumiretso sila sa man made bridge. Napakaganda ng mansion mula roon. Kaunting lakad pa ay nakita na niya ang mga Villa. 

In the middle of the garden, stood three Chalet Bungalow houses. 

"The middle one is going to be your house until you are here." Malumanay na wika ni Daisy sa kanya. Inihatid siya nito sa pinto. She was about to turn the door knob of the front door nang bumukas iyon. 

"Good evening, Miss." Nakangiting wika ng babae. 

"Siya si Manang Elena." Pakilala ni Daisy sa middle aged na babae na nakatayo sa harapan nila. "Siya ang magiging kasama mo dito. If you need anything, just tell her. Iiwan ko na kayo." 

Nginitian niya si Manang Elena. Pinapasok siya nito sa loob at sinamahan siya sa kanyang silid. Nang makapasok siya sa kanyang kwarto ay ganoon na lamang ang paghangang naramdaman niya. Sa ganda ng kwarto niya para na siyang nasa isang five star hotel sa Dubai. 

Taking ChancesWhere stories live. Discover now