7. Maybe this will last ... hopefully

61.6K 1.3K 10
                                    

"Hi." 

Pilit na itinatago ni Kristine ang kanyang ngiti nang mabungaran niya si Pablo nang gabing iyon sa harap ng pintuan ng kanyang Villa. Kasalukuyan silang nagdi-dinner ni Ericka nang kumatok ito. Pinapasok niya ito sa loob. 

"Magandang gabi, Pablo." Nakangiting binati ito ni Manang Elena. 

"Hello, manang." Matapos iyon ay binalingan siya nito. 

"Alis tayo." Sabi niya. Nagtaka naman siya. Saan naman sila pupunta? Gabi na. 

"Saan naman tayo pupunta?" Natatawang sabi niya.

"Basta... Lika na." Hinagip nito ang kamay niya. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam kay Ericka. Basta na lang siya hinatak ni Pablo palabas ng Villa. Maya-maya ayt tinatahak na nila ang daan patungo kung saan. 

Tumingin siya sa kamay niyang hawak ni Pablo. Napapansin niya dito na palagi nitong gusto na magkahawak kamay sila - basta kasama niya ito, hindi pwedeng hinidi sila magka-holding hands. Noong isang araw, sinamahan niya si Fatima sa Asukarera upanmg dalhan ito ng lunch, nang makita siya nito ay walang sabi-sabing hinagip nito ang kanyang kamay tapos nang hindi na nakatingin si Fatima ay bigla na naman siya nitong hinagkan sa labi. He was always like that. Kung sabagay, nakakadagdag sa excitement niya iyong patago at panakaw na halik na laging ginagawad ni Pablo sa kanya. 

"Pabi saan tayo pupunta?" She asked him. 

"Basta..." Sabi nito. Hindi niya makita ang mukha ni Pablo pero may pakiramdam siyang nakangiti ito sa kanya. Napapansin niya na parang pataas na ang daan kanilang nilalakad. 

After a while huminto na sila and she saw the most beautiful view she had ever seen in her entire life, mas maganda pa sa skyline ng UAE. 

"Welcome to San Miguel, Kristine." Sabi ni Pablo sa kanya. She was amazed by the view from up there. Kitang-kita niya ang maliliit na ilaw ng San Miguel, kita rin niya ang mga ilaw ng bangka na kasalukuyang nasa dagat. 

"This is nice." She said. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Pablo mula sa likuran. "Pablo... uhm.." 

"You make me happy." Sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon kasarap sa pandinig niya ang mga salitang binitiwan ni Pablo na para bang gusto na niyang maiyak. Humarap siya dito. Feeling niya mas malakas pa ang impact noon kaysa sa salitang Mahal kita. 

"You m-make me happy too." She said. 

"Good, cause it'll be a bummer if I make you sad after all those kisses..." He made a face. 

"Luko-luko." Natawa naman siya. 

"Lika na iuuwi na kita. Gabi na." Muli siya nitong hinawakan sa kamay. Habang pababa sila ay damang-dama naman niya ang kilig na namumutawi sa kanyang buto-buto. Grabe! Kung nagiging pera lang ang kilog, mayang mayaman na mayaman na siya ngayon. 

Nasa ibaba na siya ng burol nang marinig niya ang lagaslas ng tubig. 

"May falls dito?" She asked. 

"Oo. Kita mo iyong parang malaking gate?" Tinuro ni Pablo sa kanya ang lumang gate na naiilawan ng isang lumang poste. 

"Part pa iyon ng lupa mo?" She asked him again. 

"Oo. Gusto mong tingnan?" He asked. "May dala naman akong flashlight." Mula sa bulsa nito ay nilabas nito ang flashlight. 

"Lika!" Niyakag niya ito. "Excited talaga siya, hindi pa siya nakakakita ng falls sa malapitan at kahit na gabi na, medyo maliwanag pa rin naman dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. 

"Ang lamig dito." Natatawang sabi niya habang nakatingin kay Pablo. Nakapasok na sila sa loob ng gate. 

"Wow!" Namilog ang mata niya. Narinig niyang humalakhak si Pablo. "At bakit ka tumatawa?" 

Taking ChancesWhere stories live. Discover now