Chapter 7: Getting to know YOU

120K 1.4K 14
                                    

Ilang araw na nanatili si Ava sa ospital para obserbahan kung may internal bleeding sya matapos nang aksidente. She suffered bruises, stitches, buti na lang at walang severe injury sa kanya. Pinag stay sya nang doctor nang ilan pang araw mula nang aksidente para siguro.


Naglalakad si Darren sa hall way nang ospital nang makita nya si Alex na inaayos ang discharge forms ni Ava. Sinabi sa kanya ni Alex na nasa room pa si Ava at inaayos ang mga gamit nya. Pag dating nya sa hospital room ni Ava ay wala na doon si Ava. Tanging naroon lang ang yaya ni Ava na si Yaya Minda.


"Yaya, nasaan po si Ava?"


"Nako hijo, hindi mo ba sya nakasalubong? Kalalabas lang nya..." sabi ni Yaya Minda na inaayos ang gamit ni Ava.


"Hindi po eh, saan daw po sya pupunta?"


"Sabi nya ay uuna na daw syang lumabas, kasi nasosofocate daw sya  dito sa kwarto..."


Dumating na din si Alex, "Oh! Nasan si Ava?" tanong ni Alex...


Napapailing naman si Yaya Minda. "Hay naku, ang batang yon talaga, hindi na nagbago... tumakas nanaman yan..."


"Ano pong ibig nyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Darren.


"Parateng tumatakas si Ava pag may nangyayari sa kanya. Like she won something or may ginawa syang kalokohan..." paliwanag ni Alex.


Kinuha naman ni Darren ang phone nya at sinubukang tawagan si Ava, kaso hindi sinasagot ang mga tawag nya. Ilang beses nyang tinawagan si Ava, pero hindi parin nito sinasagot. Nagtataka sya kung bakit relax na relax lang si Alex at Yaya Minda ni Ava. Parang sanay na sila pag bigla na lang nawawala si Ava.


Biglang may narecieve na text message si Darren.

From: Ava (hit my car)

To: My mobile

Message: Don't worry about me, I'm fine... I'll be back later...


Nasaan ba kasi si Ava, may importante sana syang sasabihin dito.


"Si Ava ba yan?" tanong ni Alex


Tumango si Darren, "Yup, she said, she'll be fine, and she'll be back later..."


Ngumiti si Alex, "I know where she is..."


"Nasaan?"

.

.

.

Tinuro ni Alex ang lugar na sa tingin nya ay naroon si Ava, and he was right. Una ang akala nya ay niloloko lang sya nang kuya ni Ava dahil napadpad sya sa sementeryo. Pero nang makita nya si Ava ay natanggal ang paghihinala nya. He saw her inside a grand mausoleum. Montgomery – Castro ang  nakasulat sa labas nang moseleyo.

.

.

She was looking at her mom's tomb stone. It's been a while since she last visit the place. Simula nang mawala ang Mama nya, palagi na syang pumupunta sa puntod nang mama nya. She felt comfort pag pumupunta sya, lalo na pag may problema sya.

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now