Chapter 29: Stay Away

96.3K 1.2K 31
                                    

Halos mag iisang lingo nang hindi pinapansin ni Ava si Darren. Tuwing magkikita sila sa bahay ay parang walang nangyari. Tuwing nagluluto si Ava nang pagkain ay kasambahay lang nila ang inaalok nya. Hindi na din sumasabay sa pagkain si Ava.


Mag aalas otso na nang gabi nang dumating si Darren sa bahay. Nakita nyang wala pa ang sasakyan ni Ava sa garahe kaya itinanong nya ito sa kanilang kasamabahay. Pagpasok nya nang bahay.


"Manang si Ava po, hindi pa po dumadating?" tanong ni Darren...


"Sir,kaaalis alis lang po,  pumunta na po sa airport..." sagot nang kasambahay. Kumunot ang noo ni Darren sa kanyang narining. Airpor?t bakit? Saan sya pupunta? Tanong ni Darren sa sarili


"Airport? Saan daw po sya pupunta?" tanong ni Darren


"Hindi ko po alam eh, Bakit po Sir, may problema po ba?" tanong ni Manang Lidya... Hindi na sumagot si Darren at umakyat na sa kwarto. Pumunta sya sa walk in closet nila at nakitang karamihan nang damit ni Ava  ay naroon pa... Napaisip tuloy sya kung nasan si Ava. Kinuha nya ang kanyang phone at may tinawagan.


"Hello, Bryan... Alam mo ba kung nasan si Ava?" tanong ni Darren


"Sir, ang alam ko po, pumunta na si Mam Ava sa Cebu, kasama nina Mam Grace kanina... Bakit po?" si Bryan ay isa sa mga staff ni Ava sa magazine company. Nakilala nya ito dahil kapatid pala ito nang sekretarya nya na si Karen.


"Ano daw ginagawa nila doon?"


"May shoot po kasi si Mam Ava tapos sina Mam Grace naman po ay may icocover..." sagot ni Bryan...


"Ahh, sige... pwede bang pa send nang itiberary nila sakin?" tanong ni Darren... Ilang minuto pa syang nakipag usap, bago nya ibaba ang telepono.

.

.

Isang linggong nanatili si Ava sa Cebu dahil sa mga events at shoots na pinuntahan nila. Gabi na nang dumating si Ava sa bahay. Hindi nya naabutan si Darren doon. Kinuha nang isa pang kasambahay nila ang maleta nya para dalhin sa bedroom.


"Manang si Darren po?" tanong ni Ava


"Kaninang umaga pa po umalis, may business trip daw po sya sa Davao..." sagot nang kasambahay nila..


"Ahh, ganun po ba? Sige po Manang salamat..." sabi ni Ava...


Umakyat si Ava sa kanilang bedroom at nagpalit na nang damit. Pagod sya sa byahe dahil namasyal pa sila bago ang flight nila. Nakahiga lang sya sa kama nang kumatok si Manang Lidya sa pinto at may dalang snacks.


"Ava, Ma'am pwede po bang magtanong?" tanong ni Manang Lidya..


"Sige po... ano po ba yon?" tanong ni Ava habang sumusubo nang chips.


"May problema po ba kayo ni Sir?" napatingin si Ava kay Manang Lidya. Kita nya ang concern sa mga mata nito.

WANTED: WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon