Chapter 11.5: Condo (Part 2)

107K 1.2K 9
                                    

Darren was feeling better when he woke up the next day.  Nagtataka sya kung bakit wala na syang damit pang itaas nang magising sya. Pumunta sya sa kusina para pakainin ang pusa at umorder na din nang pagkain.


Habang nag iintay sya ay tiningnan nya ang mga picture frames na nasa living room ni Ava. Kinuha nya ang isang picture frame at ngumiti. It was a picture of Ava with his brother Alex noong mga bata pa sila. She is really close to her brother. Tinitingnan pa ni Darren ang ibang mga picture ni Ava nang mag ring ang doorbell.


"Alex!"  nagulat si Darren nang pagbukas nya nang pinto ay si Alex ang nakita nya, akala nya ay delivery guy na pinag orderan nya nang pagkain. Halatang nagulat din si Alex nang makita sya. Dahil he is shirtless at naka boxer shorts lang.


"Anong ginagawa mo dito? Asan si Ava?" siryosong tanong ni Alex pagka pasok nya nang unit ni Ava.


"Nasa kwarto natutulog... Chill ka lang..." sabi ni Darren


"Chill? Anong chill? Anong ginawa mo kay Ava?" tanong ni Alex... Alam ni Darren ang ibig sabihin ni Alex.


"Look, wala akong ginawang masama kay Ava,.. Pwede pag usapan natin to nang maayos?" tanong ni Darren.

.

.

Magkaharap sila ni Alex sa dining table at umiinom nang kape. Alam na ni Alex ang dahilan kung bakit sya nasa condo ni Ava.


"Hindi ko talaga akalain na ikaw ang pakakasalan nang kapatid ko... The man who beat me in poker last time..." sabi ni Alex pagka inom nang kape.


"Well, interesting ang last game nating yon..."


"Siryosohan tayo Darren, if I saw my little sister cry because of you. Baka magising ka na sa loob nang ospital..." banta ni Alex kay Darren. Nagtagisan sila nang tingin sa isa't isa. "Don't worry Alex, if that happens. I will volunteer myself para bugbugin mo ako..." sabi ni Darren.

.

.

"Kuya?" Hindi makapaniwala si Ava na nasa kusina nya ang Kuya Alex nya na kaharap si Darren na halos wala nang saplot sa katawan. "Kuya! A-anong ginagawa mo dito?"


"Nalimutan ko ung hard drive ko sa table mo nung natulog ako dito last week... Susurprise sana kita para mag early breakfast... Eh ako pala ang magugulat sayo..." sabi ni Alex at tumingin kay Darren bago ibinalik ang tingin sa kanya.


Pabalik-balik ang tingin nya sa dalawang lalaki na nasa harapan nya. One was a well dressed man and the other was half naked. Noong magising kasi sya a few minutes ago ay wala na si Darren sa tabi nya. Kaya naisip nya nab aka nasa living area or kitchen ito. Nawala ang antok nya nang makita nya ang kuya nya na kausap si Darren. Mukhang siryoso ang pinag uusapan nila.


"Kuya, it's not what you think... about me and Darren..." depensa ni Ava.


"Bakit ka depensive? Wala naman akong tinatanong..." sabi ni Alex habang umiinom nang kape... Speachless si Ava sa sinabi nang kuya nya. Boys, sometime I really can't understand them,...


"Ava..." Hindi napansin ni Ava na tulala nap ala sya. Tumingin sya kay Darren nang tinawag sya.


"Have you seen may clothes?"


"Ahmm, nasa sampayan sa balcony, nilabhan ko sya kagabi..." turo ni Ava habang napatingin sya sa 6 pack abs ni Darren. Tulo laway mo te, sa sobrang yummy ni Darren... Alex clears his throat that causes Ava to bounce back to reality.


Nakita ni Ava na umiiling na lang si Alex habang inuubos ang kanyang kape. "What?" tanong ni Ava. Alex just looked at her with an evil smile.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You can see Alex and Ava's picture when they were kids...

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now