Chapter 25: Best out of 3

104K 1.1K 21
                                    

Masakit ang ulo ni Ava dahil sa kaiisip nang bagong concept nang photo shoot para sa magazine. This are the days na wala talagang creative juices na pumapasok. Naka subsob si Ava sa kanyang desk nang dumating ang secretary nang office nila.


"Mam Ava, may naghahanap po sa inyo..."


Humarap si Ava sa kanilang sekretarya  at nakitang may kasama ito... "Tina?" tanong ni Ava


"Hi Ava!!! How are you?" sabi nang babaeng nakatayo sa pinto nang opisina ni Ava... Tumayo si Ava at sinalubong ang kaibigan, bumalik na naman sa kanyang trabaho ang sekretarya.


"Kamusta ka na? It's been a long time ahh.." masayang sabi ni Ava


"Ok, here's the thing, kaya ako pumunta dito is because I'm getting married..." sabi ni Tina


"Wow! Really... congratulations!!! I'm so happy for you..." niyakap ni Ava ang kaibigan...


"Congratulations also, married ka na din pala..." sabi ni Tina... Ava smiled "Yeah, a few months ago... ikaw tell me more about your up coming wedding..." sabi ni Ava...


"That's why I'm here, I want to ask you a favor..."


"Sure! Ano ba yon?" masiglang tanong ni Ava


"Kasi, ganito... I want to ask you if you could shoot our prenuptial pictures..." sabi ni Tina... Ava smile "It will be an honor... pero bakit prenup lang?" tanong ni Ava


"Eh, kasi, ayaw ko namang abala ka sa wedding day ko eh guest kita... I want you also to enjoy the party..." paliwanag ni Tina "We will also have a video, kilala mo kung sino ang kinuha ko..." exited na sinabi ni Tina..


"Sino?" natatakang tanong ni Ava.. "Don't worry, pupunta sya dito..." sabi ni Tita...


Nagkwentuhan sina Ava at Tina habang iniintay nila ang mystery videotographer na kinuha ni  Tina. Nag isip na din sila kung ano ang magandang concept para sa prenup nagagawin nila. Maya maya ay dumating na din ang iniintay nila.


"Sorry ladies if I'm late..." sabi nang lalaking nakatayo sa pintuan nang opisina ni Ava... Sabay na tumingin sina Ava at Tina sa lalaking dumating...


"Hay! Naku! Hindi ka parin nagbabago James..." sabi ni Tina at sinalubong ang lalaki... Gulat parin si Ava kung sino ang videotographer na kinuha ni Tina...


"I can't believe na si James ang kinuha mo Tina..." sabi ni Ava habang sinalubong nya si James...


"Hayaan mo na, para libre ang prenup ko diba..." sabi ni Tina... Nagtawanan naman sina Ava at James sa sinabi ni Tina. "Hindi ka parin nagbabago Tina, kuripot ka parin kahit ang yaman mo na..." sabi ni James


They've known each other since they were back in high school. Isa sa mga barkada ni Ava si Tina, pero nagkahiwalay sila noong nag college. Tina went to Europe while Ava went to the States. Si James naman ay common friend pareho nina Ava at Tina.

WANTED: WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon