Chapter 23:"Missed me?"

105K 1.2K 21
                                    

Hindi ko alam kung bakit nahirapan akong isulat ang chapter na to, it gave me a hard time to think about what will happen to them in this chapter...

Please give your comments about this and I hope you like it... :D

Thanks...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mainit na ulo ni Darren habang nasa patio nang bahay nang bakarkada nyang si Seth. May get together kasi silang magbabarkada dahil napromote si Seth bilang head engineer. Muntik nang masira ang kanyang phone sa diin ng paghawak nya dito.


"Oh, baka mawasak na yang phone mo Pare... sino ba yang tinatawagan mo?" sabi ni Tyler na lumapit sa kanya...


"Eto kasing si Ava hindi pa tumatawag, hindi naman sinasagot tong mga tawag ko" Sabi ni Darren na busy na nakatingin sa phone nya...


Inakbayan ni Tyler si Darren... "Hayaan mo na Pare, tatawag din yon... Baka busy lang sya..."


Sigh... "Parang hindi nya alam kung anong araw ngayon..." sabi ni Darren at uminom nang beer na nakapatong sa harapan nya.


Halos isang buwan na si Ava na sa Dubai para sa mga photoshoots nang magazine nila. Ibat' ibang mga lugar sa asia ang pinupuntahan nila... Ilang minuto pa ang lumipas nang tumunog ang phone nya. Pangalan ni Ava ang naka flash sa screen. Agad nyang sinagot ang tawag nito... Medyo lumayo sya kay Tyler na katabi lang nya...


"Hey, what's up? Dami mong missed calls" sabi ni Ava


"Those are not missed calls, hindi mo sinasagot ang  mga tawag ko... where have you been?" tanong ni Darren...


"Nasa work, nag break lang kami... bakit ba? Ang sungit mo nanaman..." sabi ni Ava... Rinig ni Darren na kumakain si Ava dahil rinig nya ang pag nguya nito..


"You don't remember what date it is today?" tanong ni Darren at uminom nang beer...


Hindi agad narinig ni Darren na sumagot si Ava. Lumipas ang ilang segundo bago sumagot si Ava...


"I know what date it is today..."


"Oh, so bakit hindi mo ako tinawagan?" tanong ni Darren,


"I was 4 hours behind from you..."


"Kahit any time of the day pwede ka naman tumawag ahh..."

.

.

.

Napapakamot na lang si Ava habang kausap nya si Darren. Hindi talaga papatalo si Darren sa topic nilang to. Nang nag check sya nang phone nya ay nakita nyang 40 missed calls galing kay Darren. Alam nyang galit na ito sa kanya dahil hindi nya sinasagot ang mga tawag nya.


Tuwing may pinag tatalunan sila ni Darren, hindi sya papatalo. Pagod na pagod sya sa maghapon shoot nila, kaya ayaw na nyang makipagtalo kay Darren. Lalo na ngayon ang sungit sungit na naman nito.

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now