Chapter 12: Car

114K 1.5K 38
                                    

Naging busy ang araw nina Darren at Ava. Inaasikaso kasi nila ang tungkol sa wedding nila. Pumunta sila sa event planner, caterer, florish, invitation printer, couturier at marami pang iba. Kasalukuyang nasa shop sila nang ninang ni Darren na sikat na designer ang gagawa nang wedding gown ni Ava.


"Ikaw na ba ang bunsong anak ni Clarisse?" tanong nang ninang ni Darren na si Amy. Habang sinusukatan si Ava


Ava smiled and nodded as her answer.


"Naku, akalain mo nga naman, ang bilis nang panahon. Dati rati kasama ka nang mama mo noon, pasusukatan ka nang gown... Tapos ngayon ikakasal ka na..." sabi ni Amy...


"Kaya ikaw Darren, aalagaan mo itong si Ava... Mag sisisi ka kung pakakawalan mo pa..." bilin kay Darren nang ninang nya...


Napapatawa si Ava habang kausap sya nang nina nya. Para kasi itong bata kung umasta. Kita sa kanila na malapit sila sa isa't isa.


"Alam mo ba Ava, yang si Darren. Nagpatulong pa sakin noong bata pa sya para mang ligaw... Gusto kasi nyang ligawan yung isang kong model noon... Akalain mo, ka gwapong lalaki, hindi pala marunong man ligaw..." natatawang kwento ni Amy...


"Ninang naman... nikwento pa yun... Nakakahiya tuloy..." napapakamot na sinabi ni Darren.


"Nangyari sayo yon Darren? Wow, akala ko chickboy ka talaga since birth..." natatawang sinabi ni Ava... Tumawa na rin ang ninang ni Darren. Kita sa mukha ni Darren na naiinis na natatawa dahil pinagtutulungan sya ni Ava at Ninang nya.

.

.

.

Nasal loob sila nang sasakyan ni Darren. 15 mins na silang nasa daan pero hindi parin alam ni Ava kung saan sila pupunta. Kagagaling lang nila sa shop nang ninang ni Darren. Napansin na lang ni Ava na pumasok sila sa isang mamahaling subdivision. Pero hindi naman yon bahay nila or bahay nina Darren. San sila pupunta?


"Darren, san tayo pupunta?"


"Sa bahay nang Lolo ko... Hindi pa nya tayo nakikita..." sagot ni Darren habang nakatingin sa daan.


"Ano? Bakit hindi mo sinabi sakin? Hindi ako ready..." sabi ni Ava. Grabe talaga tong si Darren, hindi man lang nagsasabi na pupunta pala kami sa bahay nang lolo nya. Parang meet the parents lang...


"Relax ka lang... mabait si Lolo... I'm sure magugustuhan ka nya..."


"Relax? Paano ako magrerelax...eh ngayon mo lang ako sinabihan na pupunta pala tayo sa bahay nang Lolo mo...." singhal ni Ava kay Darren.


Lalong kinabahan si Ava nang pumasok na ang sasakyan sa isang malaking gate. Mansion pala ang bahay nang Lolo ni Darren... sabi ni Ava sa sarili nang makita ang harapan ang bahay. Kung masasabi nyang malaki ang bahay nina Darren, mas malaki pala ito...


Pinagbuksan sya nang pinto ni Darren. Sa sobrang kaba nya ay hindi sya bumaba nang sasakyan. Hinawakan ni Darren ang kanyang kamay. Tumingin sya ditto, "Don't worry... everything will be fine..." sabi ni Darren. Ava took a deep breath bago sya nagsimulang maglakad papasok nang bahay.

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now