Chapter 20: office file

108K 1.3K 25
                                    

Inaayos ni Ava ang mga gamit nya para sa gagawing pictorial nya ngayong araw. Halos 7 na nang umaga nang tumingin sya sa orasan nya. Palabas na saya nang kwarto nang tumunog ang cellphone nya.


"Hello?" hindi na tiningnan ni Ava kung sino ang tumawag sa kanya dahil busy sya sa pag ayos nang mga gamit nya sa loob nang bag.


"Good morning, honey..."


"Hi, where are you? Nasa airport ka nab a?" tanong ni Ava


"Yup, actually I'm on the car going to the office..." sabi ni Darren... Nasa Singapore si Darren this past few days para sa isang business meeting, at ngayon lang sya dumating.


"Hindi ka ba muna uuwi?" tanong ni Ava


"Hindi na siguro, may damit naman ako sa office, may importanteng meeting kasi today ang board..." sabi ni Darren...


"OK... I'll see you later, I have a shoot today..." sabi ni Ava...


"OK... can you cook Kaldereta tonight? Na miss ung luto mo eh..." sabi ni Darren


Napangiti naman si Ava. Halos mag iisang buwan na silang kasal ni Darren. Once in a while nagluluto si Ava kahit may katulong naman sila. Sinabi ni Ava noon na hindi sya marunong mag luto, pero ang totoo she had a basic culinary course.


"I'll try ok..." sabi ni Ava...


"Please... sige na... Ava..." pilit ni Darren na parang bata...


"Bye, honey... I'm busy... see you later..." sabi ni Ava at binaba na nya ang telepono. Alam nyang hindi titigil si Darren hanggat hindi masusunod ang gusto nya. Pero matatraffic sya kung hindi sya titigil sa pakikipag usap kay Darren.


Palabas na sya nang main door nang lumapit sa kanya ang katulong nila. "Mam, may mga files po na dumating para kay Sir daw po... Kailangan po ata sya today..." sabi nang katulong at iniabot ang isang file case.


"Salamat Ate Nadya, daan ko na lang pos a office nya... Aalis na po ako..." sabi ni Ava...


Nagsasound trip si Ava habang nag ddrive sya papunta sa office ni Darren. She singing to the beat playing on the radio. It was Jennifer Lopez's Dance Again featuring Pitbull. Habang nag eenjoy si Ava na making nang music ay tumunog ang cellphone nya.


"Ava, where are you?"


"Driving na, why? May probelma ba Grace?" tanong ni Ava kasi parang natataranta ang boses ni Diane sa telepono...


"Kasi naman, ung permit natin dun sa isang location at 3 hours lang, kasama na ang set up... kaya kailangan na nating ishoot na un now" sabi ni Grace


"Ano?! Ok bibilisan ko na, papunta na ako jan..." sabi ni Ava...


WANTED: WifeWhere stories live. Discover now