Chapter 24: Undiscovered Talent

105K 1.1K 10
                                    

Sinalubong sina Ava nang papa nya. Simula nang ikasal sya kay Darren, unti unting naaayos ang relasyon nilang mag ama. "Buti naman nandito na kayo..." sabi ni Alejandro...


"Medyo matraffic po kasi, kaya ngayon lang kami nakarating..." sabi ni Darren...


"It's ok, ang mahalaga nandito na kayo..." sabi ni Alejandro "Ava, kanina ka pa hinahanap nang mga pinsan mo..." pahabol nya.


Sa birthday party nang papa ni Ava, invited ang buong pamilya nila. Dahil weekend, naka attend ang halos lahat nang kamag anak nila. Pinakilala ni Ava si Darren sa mga kamag anak nilang hindi nakarating sa kasal nila.


"Ang gwapo naman pala talaga nang asawa mo Ava, akala ko exaggerated lang ung anak ko..." sabi nang tita ni Ava... They just both smile at her aunt...


"Eh, may baby na ba?" tanong nang isa pang tita ni Ava...


"Naku wala pa po... wala pa sa plano at the moment..." sagot ni Ava


"Bakit naman hija?"


Hindi agad nakasagot si Ava. Hindi kasi nya alam kung ano ang isasagot nya... Buti na lang at lumapit sa kanila si Alex...


"Ava, buti nandito na kayo, kanina pa hinihintay nang mga pinsan natin si Darren..." sabi ni Alex


"Huh? Bakit? At bakit si Darren lang ang hinihintay nyo...pano ako?" sabi ni Ava...


"Syempre kasama ka naman dun, gusto lang makilala nina Dione at Clark si Darren" sabi ni Alex at inakbayan si Ava... "Talaga! Nandito sila!!!" tanong ni Ava kay Alex at sabay takbo sa garden. Dione and Clark are Ava's cousins, hindi sila nakarating sa kasal ni Ava at Darren dahil nasa Europe sila bilang model.


Pumunta sila sa gazebo na nasa likod nang rest house. Nandon ang mga pinsan ni Ava na lalaki. Nakita ni Darren na close si Ava sa mga ito. Hinigit sya ni Ava para ipakilala sya sa mga pinsan nya.


"Guys! This is my husband Darren... Darren this is Clark and Dione..." pakilala ni Ava. "Hi! Nice to meet you..." nakipagkamay si Darren sa kanila... Nakatingin ang mga pinsan ni Ava sa kanya...


"Ava, hindi ka ba pinapa iyak nitong asawa mo?"tanong ni Dione


"Hindi naman..."


"Good... because if he did make you cry, maraming susugod sayo..." at nakatingin si Clark kay Darren... Siryoso din naman ang tingin ni Darren sa kanya... Pinalo ni Ava ang braso ni Clark, "Stop teasing him... baka siryosohin nyan ang sinabi mo..."


Ngumiti si Clark "Sorry Dude, we're just messing with you..." sabi ni Clark


"It's alright" sagot ni Darren... Lumapit sa kanya si Dione "Pero usapang lalaki, don't make my cousin cry..." bulong nito. Tumango naman si Darren...


Pinakilala pa ni Ava si Darren sa iba pa nyang mga pinsan. Napansin nyang medyo mas bata ang mga ito sa kanila. "So, sino mga kababata mo?" tanong ni Darren habang kumukuha sila nang pagkain.

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now