Chapter 19: The Pad...

113K 1.2K 33
                                    

Dumating na si Grace sa office, Habang naglalakad sya ay napadaan sya sa office ni Ava at may nakita syang tao sa loob. Nakalampas na sya, kaya nag lakad sya pabalik sa tapat nang office ni Ava...


Nanlaki ang mga mata ni Grace... "Ava?! Anong ginagawa mo dito? Diba nasa honeymoon ka dapat?" natatakang tanong ni Grace


Nakatingin naman si Ava sa monitor nang desktop nya nang dumating si Grace 


"Napadali eh, nasa ospital ang lolo ni Darren eh...kaya bumalik kami agad..." paliwanag ni Ava


"Talaga? Anong nangyari?"


Nagsimulang mag kwento si Ava, habang umupo naman si Diane sa harap nang table ni Ava.

-

-

"Miss, saan ang room ni Miguel Deveroe?" tanong ni Darren


"Sa room 503 po Sir..."


"Thank you..." at nagmamadali na silang umalis sa nurses station...  Kararating lang nila galing sa airport,nag taxi na lang sila dahil walang may alam na darating sila.


Pagulat ang lahat nang pumasok sila sa loob nang kwarto...


"Oh? Bakit kayo nandito?" imbes na matuwa sila na makita sila ay kabaliktaran ang nangyari... Lumapit ang mama ni Darren sa kanila.


"Eh, sabi nyo na nasa ospital si Lolo, kaya umuwi na kami..." sabi ni Darren


"I'm fine, it's part of getting old..." sabi ni Lolo Miguel "Yan tuloy, hindi na enjoy ni Ava ang honey moon nyo..." pahabol nya...


Lumapit si Ava sa hospital bed, "Ok lang po yun, Lolo. Nag enjoy naman po ako... Besides hindi din po kami mapapakali na nasa ospital kayo..."


Lolo Miguel smiled, He really looks like Darren, pero may features din si Darren na feeling nya ay naman sa tatay nito...


"Ano po bang nangyari sa inyo?"


"Yan, sabi na kasi kay Papa na wag nang maligo nang malamig, yan nilagnat, eh nag 40 degress kaya sinugod naming sa ospital nag shashake sya eh..." kwento ni Diane...


"Ginagawa ko naman un dati Diane..."


" Pa, you're not 30 or 40 year old anymore..." sabi ni Diane...


"Gwapo parin naman ako..." Napatawa lahat sila sa sinabi ni Lolo Miguel, kahit naka confine na sa ospital ay nakukuha paring magbiro nito...


"Oh, ang apo ko sa tuhod? On the way na ba?" sabi ni Lolo Miguel


WANTED: WifeWhere stories live. Discover now