Chapter 16: Big Day

102K 1.2K 19
                                    

Gulat na gulat talaga si Ava nang biglang dumating ang Mama ni Darren sa hotel room nya.


"Kamusta naman ang tulog mo hija?"


"Ok naman po, medyo hindi lang po ako nakatulog agad..."


"Naku, excited ka ba? Kaya hindi ka makatulog?"


Ava gave her a smirk.."Kinakabahan po ako tita..."


"Call me, Mama, ok..." sabi ni Diane... tapos pumunta sya sa dining table nang suit nya. At inaayos ang dalang pagkain.


"Ava, mamaya dadating nang makeup artist mo, pati na din mga bride maids mo... It's your big day, kaya kumain ka nang marami...halika na..." sabi ni Diane na masayang Masaya.


Nakatingin lang si Ava sa Mama ni Darren habang inaayos ang dala nitong pagkain. It's been a while since may nag alaga sa kanya nang ganon, like a caring mother. Nangulila tuloy sya sa mama nya, kaya hindi nya napigilang mapaluha.


"Hija, bakit ka umiiyak?" lumapit si Diane kay Ava at niyakap sya.


"Wala po, naalala ko lang po Mama ko..." sabi ni Ava...


"Oh... I'm sure Clarisse is very happy for you... and she loves you very much..."

.

.

Masakit ang ulo ni Darren nang gumising sya nang sumunod na araw. Ang tindi nang hang over nya, tumingin sya sa kanyang cellphone. Maraming miss calls at text messages ang naka flash sa screen nito. Tumayo sya at pumunta sa bathroom. Paglabas nya ay saktong may kumatok sa pintuan.


"Good Morning Hijo! Kamusta ang tulog mo?"


"Ma?! Ang aga nyo namang pumunta ditto..." sabi ni Darren...


"Ok lang yon anak, excited lang ako sa wedding mo today... Here oh I bought you breakfast..." sabi ni Diane...


Umupo agad si Darren sa dinning table, gutom na gutom na kasi sya. Feeling nya nailabas nya lahat nang nakain at nainom nya kagabi sa sobrang kalasingan... Kinuha muna nya ang cellphone at may ni dial na number...


"Hello"

"Hi, Good morning... buti gising ka na..." sabi ni Darren...


"Ah, yeah... Nagdala kasi nang breakfast ang Mama mo, kaya gising na ako..."


"Nagpunta na jan si Mama?"


"Oo... kaya sya umalis kasi dadalhan ka pa daw nang food... How sweet diba, dinalhan ni Tita ang baby boy nya...hahaha" pangungulit ni Ava...


"Last na naman to, kasi ikaw na papalit sa kanya para maghain sakin nang food..." sabi ni Darren...


"Naku! Malas mo, hindi marunong magluto ang mapapangasawa mo..." sabi ni Ava...


WANTED: WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon