Chapter 13: Reunion

103K 1.3K 43
                                    

Papunta si Ava sa office ni Darren para dalhin ang guest list para sa kasal nila. Nag iintay sya sa harap nang elevator. Napansin nyang maraming tumitingin sa kanya na mga kasabay nya sa elevator. Anong problema nang mga to? Tanong ni Ava sa sarili nya.


Nakarating na sya sa office ni Darren. "Good Morning po Mam Ava" bati nang secretary ni Darren. Binati din ni Ava ang secretary.


"Here oh, merienda... Mukhang napadami ang dala ko eh..." sabi ni Ava sabay bigay nang isang box nang donuts.


"Naku Mam, nakakahiya naman po sa inyo..."


"Sus, ok lang yan... hindi ko naman kayang ubusin ito mag isa... Pang tanggal din yan nang stress, lalo na ang boss mo topakin..." biro ni Ava... Nahihiyang napatawa naman ang secretary.

.

.

Pag pasok ni Ava ay naabutan nyang may kausap si Darren sa telepono. Darren smiled nang makita nya si Ava.


"Madaming naghahanap sayo..." sabi ni Darren kay Ava


"Huh? Bakit?"


"Nakita nila ung Ads, gusto kang kunin na model nang ibang companies..."


"Anong sinabi mo?"


"You're not available..." sabi ni Darren.


"Hmm, anyways... heto na ung guest list na hinihingi mo..." tapos ibiniabot ang isang piraso nang papel. "And I need to go, may pupuntahan pa ako..." dagdag ni Ava


"San ka pupunta?" tanong Darren


Bago pa makapag salita si Ava ay may kumatok sa pinto. Si James ang pumasok.


"Oh! Ready?" Tanong ni James kay Ava


"Ready? Bakit? Magkasama kayo?" tanong ni Darren


"Yeah! High school reunion!"sagot ni Ava


"Paano nangyari yon eh hindi naman kayo mag ka age ni James..."


"Oo nga, palagi kasing nag ttransfer si James kaya naiwan sya nang mga ka batch nya... Kaya samin sya napasama..."paliwanag ni Ava


Siryoso ang itsura ni Darren, "I should wait for you outside..." sabi ni James at lumabas na nang office ni Darren.


"bakit ba ang init nang ulo mo?"tanong ni Ava pagka labas ni James...


"Kasi kasama mo sya..."


"Nag seselos ka ba?"


"Hindi"


"Oh! Eh bakit ka ganyan?" tanong ni Ava. Nakatingin sya kay Darren na mukhang bata na may sumpong.

WANTED: WifeWhere stories live. Discover now