Star 1

6.5K 97 9
                                    

• KATHRYN's POV •

"Ate!! Gising na!! Hooooy!!"

Naramdaman 'kong may yumuyugyog sa'kin. Ugh. Teka lang inaantok pa 'ko.

"Ateeeeee!!" Tumalon talon pa sa kama ko. Ano ba 'yan! Mamaya pa pasok ko!

"Janella! Mamaya pa pasok ko ano ba 'yan inaantok pa 'ko eh." Sabay takip ko ng kumot sa mukha ko.

"Ate? Mygod! 10:30 na kaya. Ikaw kasi nagemote na naman kagabi kaya late ka na nagising!" Napabangon ako. Weh? 10:30 na?

Taka kayo kung bakit wala sa school si Janella? Well, wala silang pasok for 1 week dahil may inaayos daw yug mga teachers nila. Churvaloo blah. Daming arte eh. Buti pa sila.

"Sa'n si Julia?" Ako.

"Julia na kapatid natin? Or Julia na bestfriend mo? Hahaha." Natawa naman ako. Loka talaga 'tong si Janella.

"Malamang yung kapatid natin!" Ako.

"Ahh... Ayun nasa baba nagluluto. Nagexperiment dahil may bago daw na tinuro sa inyo kaya 'yun." Hahaha. May bago kasing tinuro sa'min sa Culinary.

"Ah okay.. Sige, maliligo muna ako." Tumayo ako para kunin yung tuwalya ko.

"Sige, ate. Baba muna ako, ha. I love you!" Sabay alis sa kwarto ko.

Si Janella? Sobrang sweet niyan na kapatid. Palagi kang yayakapin tapos sasabihan ng i love you. Maswerte ako at may kapatid akong ganyan kasweet at palaging nandyan para sa'kin.

**~

Tapos na 'ko maligo at nagsuot na ng black fitted shirt at maong pants. Collge na 'no! Wala nang uniform uniform.

Nasa month na tayo ng September. Akala niyo first day 'no? Well, hindi.

Bumaba na 'ko. Naamoy ko yung mabangong luto ni Juls. Hmm. Galing talaga niya magluto. Syempre, Culinary Arts ata kami.

"Late nanaman nagising.. tsk. May nalalaman pa kasing drama drama kagabi." Sabi ni Juls habang hinahanda yung kakainin namin.

"Sorry naman.. Alam mo na? BH." Broken-hearted.

"Hay nako, Kath.. 'Di ka pa rin nakakamove-on?" Juls. Okay lang na tawagin ko siyang Juls kasi pag Ate daw parang ang tanda tanda na niya. Hahaha.

"Malamang hindi. It was just 4 months ago since nagbreak kami! And what do you expect? Na nakamove-on na 'ko agad? No. 3 years and 5 months yung naging relasyon namin! At malamang sa malamang, hindi pa rin ako nakakapagmove-on!" Tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit kaya. Lumapit si Juls at Janella sa'kin.

Shooting Star [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon