Star 5

3.8K 75 12
                                    

Chapter 5. Namimigay ho ako ng libreng tissue para sa chapter na ito.

Btw, sorry talaga sa late update. May klase po kasi ako bilang isang grade 7 student :) Yup, grade 7 lang ako. Haha.

*********************************

• KATHRYN's POV •

< Kath.. >

Nagsilabasan ang mga luha ko sa boses na 'yun. After 4 months narinig ko na ulit boses niya.

"Dj.."

Tinakpan ko ang bibig ko para 'di niya mahalata na humihikbi ako.

Dj, miss na miss na kita..

< T-tulog ka na ba? Naistorbo ba kita? > 'Yung boses niyang nagpapagana sa'kin... narinig ko na ulit.

"H-ha? Hindi naman. N-nagmovie marathon pa kami ng mga k-kapatid ko plus Bars and Miles.." Pinikit ko nang mariin ang mata ko dahil namumuo 'yung mga luha.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anytime magb'break down na 'ko dahil sakanya. Pero pinilit kong hindi kasi baka mahalata niya na 'di pa ko nakakapagmove-on.

< Haha. Kulit mo pa rin, ano? Kumusta ka naman? > Halata sa boses niyang masaya siya ngayon at mukhang nakapagmove-on na talaga siya.

Kumusta ako? Eto, hindi pa nakakapagmove -on. At iniintay ang pagbabalik mo sa'kin. Tch. Asa naman ako.

"O-okay lang ako.." Kahit durog na durog na 'ko dito sa sulok ng kwarto dahil sa boses mong masaya.

< Wow Kath! Sinong niloko mo? > Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. Confirmed nga, masaya siya at nakapagmove-on na talaga.

"H-huh?"

< Sinong niloko mo? Hindi halatang okay ka, Kath. Ako pa talaga ang pinagsinungalingan mo? Akala mo 'di ko mahahalata na 'di ka okay. Pwes, mali ang akala mo dahil 'di mo rin naman ako naging boyfriend eh, naging bestfriend slash boyfriend mo rin ako! > Ayan na naman siya. Parang tatay kung magalit 'pag 'di ko sasabihin yung totoong nararamdaman ko. Pero iba na kasi ngayon eh.. 'Di na kami mag-on.

"Hah. Kala ko naman kinalimutan mo na talaga ako." Umiwas ako sa tanong kung kumusta ako. Ayokong sagutin baka maiyak pa 'ko at marinig niya. Nako. Ayoko namang makita niyang sobrang nanghihina ako 'pag wala siya.

< Ba't naman kita kakalimutan, aber? > Kumabog yung dibdib ko nang napakalakas. Kasi sabi mo 'di na nagwowork 'yung relasyon natin kaya ka nakipagbreak kaya feeling ko kakalimutan mo na 'ko.

"E-ewan. K-kasi 'diba n-nakipagbreak ka s-sa'kin so feeling ko may nagawa akong kasalanan sa'yo kaya n-nakipagbreak at gusto mo na 'kong kalimutan." Totoo naman. It's either may nagawa akong kasalanan sakanya nung kami pa kaya siya nakipagbreak, or talagang tanga siya kaya siya nakipagbreak.

Shooting Star [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon