Star 11

3K 77 7
                                    

OH MY GOD SORRY TALAGA SA SOBRA SOBRA SOBRANG LATE NA UPDATE SHET PATAWARIN NIYO AKO. I'M FINALLY BACK!!! AS IN BACK!!

***************

October 3, Wednesday.

• KATHRYN's POV •

Nagising akong hindi makagalaw. Pano ba naman, katabi ko 'yung apat na bruha. Talagang pinagkasya namin mga sarili namin.



Hindi rin ako makatayo kasi nakapatong 'yung paa ni Bars sakin. Pero nagpapasalamat ako kasi nandiyan sila lagi para damayan ako at pakinggan ang mga problema ko. Kaya kung wala sila, hindi kumpleto ang buhay ko.



Maaga pa naman; 7:30AM pa lang. Ang problema ko lang ay kung paano ako babangon, hindi na rin kasi ako inaantok.



"Uh." Ungol ni Janella na nasa kabila ko lang.



Mas nawalan ako ng pag-asa para makatayo kasi niyakap niya ako. Hay. Ang likot.



Gumalaw si Juls. Sana gising na siya please.



"Juls? Gising ka na ba? Hoy!" Bulong na pasigaw. Hahaha.



"Uh, oo. Jusko ang sikip." Bigla siyang tumayo. Buti pa siya nakatayo na. Kasi naman eh.



"Kasi naman eh. Malaki na nga 'tong kama ko pero tignan mo naman 'tong sila Janella at Bars, talagang spread out ang katawan. Josme."



"Gisingin na natin." Sabi niya.



"Mabuti pa 'yon." Sinimulan ko nang tanggalin ang paa ni Bars sa tiyan ko at ang kamay ni Janella sa leeg ko.



"Bars, Janella, Miles, bangon." Malakas kong sabi.



Si Juls naman pinapalo palo ang mukha ni Miles.



"Huh?" Nagising si Miles. Aba, wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Hahaha.



"Greetings. Ako si Kathryn, siya naman si Julia. Kapatid ko siya. Ikaw naman ay ang pinsan namin. May gust--" Binatukan niya ako.



"'Te, hindi naman ako nastroke o ano. Natulog lang tayo, may memorya pa naman ako." Tumayo na si Miles.



"Okay, then. Hahaha."



Biglang gumalaw sila Janella at Bars. Ayan, mukhang gising na ang mga higante sa kama. Hahaha!



"Gising na!!" Sigaw ko.



"Ugh, eto na, ate." Umupo si Janella at sumandal sa headboard.



Si Bars naman nagkamot kamot pa ng mata.



"Magandang umaga, binibini." Sabi ko ng boses lalaki. Trip ko.



"Chands naman! Tibo ka na? Hahaha!" Umupo na rin kami sa kama.



"Hindi, 'no. Alam mong ikaw lang ang my only love ko pero bilang magbest friends lang natin 'yun. Kasi alam kong may nagmamahal sa'yo... at alam kong mahal mo rin siya. At hinihintay ka lang namin mag-open up samin." Tinaas baba ko ang kilay ko kela Miles at nakiride naman sakin kasi umubo sila ng peke. Ekspresyon naman ni Bars ay... nakakatuwa. Nanlalaki mata niya.



"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko mahal si Khalil?! Hindi talaga! Super yuck!!" Boom. Hahaha.



"Oh oh, wala naman kaming sinabing pangalan ah. Ba't nasama dito si Khalil?" Sabi ni Miles. Huling huli anh best friend ko. Hahaha!



"UGH!" Nagtalukbong siya ng kumot.



"Ate Bars, you can open up to us when you want. Hehe." Janella.



"NO!" Natawa nalang kami sa pagiging childish niya.



**~

Papunta na kami sa lawn kung nasaan yung grills. Nakatingin sakin 'yung mga kaklase ko dahil sa buhok ko.



Puro 'wow, Kath!' 'Hey anyare?' nginingitian ko nalang sila.



Dumating na si chef at sinabing may announcement daw siya.



"Okay, so 'yung bags niyo ilagay niyo sa storage room kasi baka mawala kung diyan niyo lang sa gilid ilalagay. I'll give you five minutes to place your bags in the storage room." Pumunta na kami sa bags namin at naglakad papunta sa storage room na nasa tabi ng CR.



"Taray ng security." Bulong ko ng pabiro. Natawa naman ni Bars at tinulak ako.



Nang mailagay na 'yung bags namin sa storage room, take note, 'yung storage room may aircon. Oha, taray ng tirahan ng bags namin.



*~~

"Nangangamoy 'yung steak. Ugh, gutom na ako." Sabi ni Miles.



"Hindi lang ikaw, te." Natawa kaming apat, buti nalang at may tinitikman na sample si chef sa likod kaya tawang tawa kami.



Nagulat ako kasi biglang sinubo ni Miles yung steak niya kaya napatawa na naman kami.



"'Wag nga kayo! Gutom na ako eh!" Nagsubo pa siya ng isa.



"Shh, ayan na si chef. Susumbong ko na si Miles." Sabi ni Juls.



Nasa row nila Julia at Miles si chef kaya pinanood namin 'yung pagtikim ni chef sa steak nila.



"Chef, alam niyo ba si Miles kinain 'yung steak niya." Sabi ni Juls.



"Nako, Juls." Miles.



Napailing nalang si chef kasi okay lang naman kumain eh. Loko loko lang namin kay Miles. Hahaha!



**~


Nakaupo kami ngayon sa bench at iniintay si Janella. Kasalukuyan kaming naglalaro ng tetris, oo luma na pero ito ang laro na bet namin. Hahaha! Isang level lang ang pinaglalabanan namin sa kanya kanyang phone at kung sino daw mababa ang score, tatakbo sa field don sa school ni Janella, dalawang laps ang gagawin.



"Talo na kayo. Bwahahaha!" Bars.



"Hoy, Barretto, huwag kang masyadong confident ha." Miles.



"Joke lang. Hahaha! Shocks, last one minute." Nagpapanic na kaming lahat. Jusko, ayokong tumakbo, ang lawak pa naman ng field sa school ni Janella.



Ayan na. Tapos na.



"Scores na dali!!! 'Kaw muna, Miles." Sabi ni Juls.



"Eehhhh, ano ba yan!" Tumigil muna siya. At huminga nang malalim, "33,798. Josme, nararamdaman ko ng ako ang tatakbo. Mahina ako sa tetris alam niyo yan." Kunwari naiiyak pa siya. Haha!



"Huli ako ah, oh Bars," Juls.



"33,814."



"Oh! Sabi sa inyo, ako na 'yung tatakbo eh! Kath, ikaw," Bagsak na bagsak na 'yung mukha ni Miles.



"40,325"



"Nakanaks, siyempre, expert 'yang si Katsreyn. Tsk." Juls.



"Okay so ako, 33,993"



Sabay sabay naman kaming tumawa. Haha! Si Miles nga!



"Pano ba 'yan, Miles."



"Alam ko naman 'yon. Handa na ako." Walang ganang sagot niya.



"Teka, tawagan natin si Janella." Sabi ko.



"Eto na siya tumatawag." Juls



Niloud speaker ni Juls yung phone niya.



< Hello, ate Juls? >



"Nakaspeaker ako, papunta ka na ba?"



< Yun nga, ate eh, I have to finish my transfer task pa with my group mates, hanggang 5:00 lang naman. Puntahan niyo nalang ako dito. Puwede? > Nagtinginan muna kaming apat, inappear ko si Bars. At tumawa kami.



"Punta kami? Sige sige, Hahaha!" Si Miles naman nakabusangot lang.



< Oh, ba't kayo tumatawa? >



"Mamaya sasabihin namin, teka, san kayo gagawa ng transfer task?" Ako.



< Sa field kami tapos sa grass area. >



"Sakto! Sige, pupunta na kami diyan."



< Okay! Bilisan niyo ha, sabihin niyo na ang kailangan sabihin. Madali niyo lang kami makikita sa field kasi kaunti lang tao. >



"Sige sige, see you."



< See you! >



"Ready ka na, Miles?" Bars. May pang-aasar pa na tono 'tong lokang 'to. Hahaha!



"Tigilan mo ako, Barretto." Akmang babatukan niya si Bars, eto namang si Bars kala tatamaan talaga. Loka loka rin eh.



"Mga sira. Tara na nga." Sinundan naman nila ako sa parking lot.



*~~

Nakarating na kami sa school ni Janella. Ayun, may mga tumatambay pa sa field nila. Nakita namin agad si Janella kasama 'yung mga kaklase niya. Kaya pinuntahan namin.



"Hi ates!!" Kumaway siya nung papalapit kami. Bumati din 'yung mga kasama niya.



"Janella, diyan ka muna. May misyon lang na gagawin si Miles." Sabi ni Juls.



"Kwento niyo mamaya 'yan, ha! Dito lang kami." Tumango nalang kami sa isa't isa.



"Game na, Miles?" Pang-aasar ko.



At dahil nga field ito, pumunta kami sa takbuhan. Do'n sa starting line.



"At dahil masyadong malaki 'tong field, one lap nalang. Grabe, kawawa naman 'tong si Miles kung dalawa." Bars.



"Hay salamat. May awa pa talaga kayo sa'kin."



"Oh, game na. Hahaha!" Juls.



"May araw din kayo sa'kin. At paghahandaan niyo 'yun." Seryoso niyang sabi na ikinatawa naman namin.



Nilabas ni Juls 'yung phone niya at vinideohan na si Miles. Sira talaga. Tawa naman kami ng tawa.



"Faster! Faster!" Sigaw ko habang tumatawa.



"Gaga ka!"



Medyo sinusundan ni Juls si Miles para makuhaan nang maayos.



"Utang na loob, Julia! Para kang paparazzi!" Ang lakas lakas ng boses ni Miles.



Tawa parin kami nang tawa. Nasa gitna na ng race tracks si Miles. Hingal na hingal na siya.



"Woooo! Go Miles!!" Sigaw namin.



"Konti nalang!!" Sigaw niya.



Ayun nakarating na siya uli dito. Tawa parin kami nang tawa. Ang sakit na ng tiyan ko. Siguradong sila rin masakit na tiyan. Siyempre except si Miles na nakabusangot ngayon. Hahaha!



"Gaga kayo." Sabi niya at uminom na ng tubig.



"Tara na nga do'n kay Janella." Sabi ko at tumawa na naman.



Nang makalapit na kami kay Janella, takang taka mukha niya kung bakit tawang tawa kami. Si Miles nakitawa narin. Hahaha!



Medyo dumistansya kami kay Janella para di sila madistract. Umupo na rin kami sa grass.



Inaayos ko 'yung laman ng bag ko nang may maalala ako.



"Shet!" Napasigaw ako, 'yung narinig lang nila.



"Oh, bakit?" Miles.



"'Yung paper bag ng tupperwares natin! Shocks, nakalimutan ko!" Hala! Nawala talaga sa isip ko na may paper bag akong dala!



"Hala! Teka lang kukunin ko sa storage room! Dito lang kayo!" Tumayo na ako.



"Chands, samahan na kita."



"'Di na, Bars. Sige na, dito lang kayo. Lalakarin ko nalang, ha. Mabilis lang 'to."



"Hm, sige, mag-ingat ka ha." Tumango nalang ako at naglakad papunta sa MCA.



Pumunta muna ako sa faculty room dahil siguradong nakalock 'yung storage room. Nasa second floor 'yung faculty.



Agad kong nakita si chef sa labas.



"Chef!" Tumakbo ako papalapit sakanya.



"Oh, Kathryn?"



"Ah, chef, hihiramin ko po sana 'yung susi sa storage room. Naiwan ko po kasi 'yung paper bag ko."



"Chineck ko nga 'yung storage room, nando'n 'yung paper bag mo. Buti at may tag ng pangalan mo. Oh, eto 'yung susi. Ibalik mo sa'kin pagtapos ah." Kinuha ko naman 'yung susi.



"Yes, chef," Tumango siya sa'kin at bumaba naman ako papunta sa storage room.



Ayun 'yung paper bag. Kukunin ko sana pero namatay 'yung ilaw. Oh my gosh, ang dilim! Seryoso, wala akong makita. As in black lang. Wala man lang source ng ilaw kahit bintana!



Hindi ako makagalaw. Paano ako gagalaw eh, hindi ko makita? May nantitrip siguro sa'kin!



Nagulat ako kasi may nagtakip ng bibig ko. Hindi ako makasigaw. Ang higpit ng kamay niya. Paniguradong lalaki 'to.



Natatakot ako.



Sinandal ako nung lalaki sa pader nung storage room. Nangiginig ako sa takot. Hindi ko magawang umiyak dahil nanlalamig talaga ako.



Sa wakas ay tinanggal niya 'yung kamay niya sa bibig ko kaya kinuha ko 'yung pagkakataon na sumigaw.



"Tulungan niyo 'ko!!" Sigaw ko.



Ikinagulat ko naman, bigla akong hinalikan nung lalaki sa labi. Tinutulak ko siya pero 'di ko magawa dahil may naalala ako sa halik niya.



Pumikit ako. Itim lang din nakikita ko. Kahit ibuka ko ang mga mata ko, itim pa rin sa sobrang dilim.



Gumagalaw ang labi niya. 'Yung halik niya... parang si Dj.



Naiyak na ako. S-siya kaya 'to?



Bumitaw siya sa halik at hinaplos ang mukha ko. Hinalikan naman niya ngayon ang noo ko nang matagal.



"S-sino ka ba?" Naiiyak kong sabi.



"Shh." Sabi nung lalaki habang nakadikit parin ang labi niya sa noo ko.



Niyakap niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay 'to sa bewang niya. Parang gusto niyang yakapin ko siya.



Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iba 'yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko talagang si Dj 'to..



"S-sino ka ba talaga?" Inulit ko 'yung tanong pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya imbis, hinalikan niya ang magkabila kong pisngi.



Umiyak nalang ako. Pakiramdam ko si Dj 'to. Siya 'to. Siya.



"M-magsalita ka naman.. s-sino ka ba?"



Wala na namang sagot. Hinahaplos niya ang mukha ko. Tapos inaalis niya 'yung buhok sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko. Nakahawak siya ngayon sa magkabila kong pisngi.



Ang dilim dilim talaga. Gusto ko siyang makita. Kung sino man ito.



Hinalikan muli niya ang labi ko tapos sa noo ko.



Pinunasan niya ang luha ko at niyakap muli. Hindi ba siya magsasalita?



Nagulat nalang ako nung maramdaman kong nawala na ang presensya niya sa harap ko. Umalis na siya. Umalis na 'yung lalaki... na feeling ko si Dj.



Bumukas naman 'yung ilaw.



Kinuha ko agad 'yung paper bag at tumakbo papunta sa faculty. Buti at nasa labas pa si chef nung umakyat ako.



Inayos ko muna ang sarili ko at humarap na sakanya.



"Chef, eto na po 'yung susi." Tinanggap na ni chef at agad nalang akong tumakbo dahil di ko mapigilan.



Bakit nung dumadampi 'yung labi nung lalaki sa labi ko, ibang iba 'yung naramdaman ko?



Bakit feeling ko sa nangyaring 'yun, si Dj ang may gawa.



Bakit feeling ko si Dj 'yung lalaki kanina?



Ang daming tanong sa utak ko. Iniyak ko nalang.



Tumatakbo akong pumunta sa school ni Janella. Naalala ko 'yung pagdampi ng labi sa'kin. Hinding hindi ko makakalimutak kung paano humalik si Dj. Siya 'yon. Siya talaga.



. . . baka?



Nasilayan ko na sila Bars. Ayun sila, nakaupo lang sa damo. Napatayo nang makita akong umiiyak.



"Kath?!"
"Chands?"



Niyakap ko silang tatlo.



"Anong nangyari? Kinuha mo lang 'yung paper bag, pagbalik mo, iiyak ka?" Juls.



"S-sa storage room.." 'Yun lang nasabi ko.



Nagtinginan silang tatlo. Hindi pa ako handa magkwento. Naiintindihan nila ako.



"Yo, ate--what happened?" Sinenyasan ata ni Bars si Janella kaya tumango nalang.



"O-okay.. Uhm, maaga kami natapos. So puwede na tayo umuwi." Hay salamat.



Inakbayan nila ako papunta sa kotse.



Nasa utak ko parin 'yung nangyari kanina buong biyahe. Sino ba kasi talaga 'yon? At bakit gano'ng pasabog ang binigay niya sa'kin? Si Dj ba 'yon? 'Yon ang nararamdaman ng puso ko e.. si Dj.



*~~

"Mag early dinner nalang tayo sa labas. Total, malapit na magsix. San niyo gusto?" Naka-emergency stop kami sa isang gilid.



"Ate, may bagong bukas na Pepper Lunch do'n sa street na 'yon. Do'n nalang tayo, diba favorite natin Pepper Lunch. Hehe." Janella.



"Oo nga. Natatakam ako sa steak, tara." Nagdrive na si Juls.



Nakatingin lang ako sa bintana. Nakikinig sa usapan nila. Hindi parin maalis sa isip ko kung sino 'yung kanina. Baka naman manyak lang 'yon? Heh, kung manyak 'yon, sana natakot ako. Pero natakot naman ako kanina eh, sa una lang, pero nung hinalikan ako nun sa noo, nawala 'yung takot. Napalitan ng malakas ng kabog ng dibdib ko at naghinala na si Dj 'yon. Hay ewan.



Paano kung si Dj 'yon? Kung siya man 'yon, magpakita sana siya.



*~~

"Oh my god, si Khalil!" Sigaw ni Miles. Ayun nga si Khalil, papasok ng Pepper Lunch.



"HUH? SAN?" Hay, Bars, alam ko na talaga. Hidden desire nga naman oh.



"Oh, ba't ka masyadong alert?" Sabi ko. Eto namang si Bars, nakabusangot.



"Che, tara na nga!" Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa Pepper Lunch.



"Khalil!" Nakuha naman ni Juls atensyon ni Khalil.



"Oh, hi, girls!" Lumapit siya samin.



"Kuya, sino kasama mo?" Janella.



"Ako lang mag-isa. Pinaayos ko kasi kotse ko diyan sa car repair sa kabilang kanto. Next week ko pa nga makukuha e."



"Sabay ka na samin, Khal." Ako.



"Sige."



Pumila na kami. Kanya kanyang order dito eh.



Nang makaorder na kami, naghanap kami ng table. Ayun.



"Kath, ano ba talagang nangyari kanina?" Bars.



Napatingin silang lahat sa'kin. Naalala ko naman. Pinigil ko ang luha ko.



"May nangyari?" Si Khalil.



"Oo, kanina kasi nasa school kami ni Janella tapos nakalimutan ni Kath 'yung paper bag namin sa storage room sa MCA kaya kinuha niya. Pagbalik, umiiyak." Kwento ni Miles.



"Sobrang nakakakilabot 'yung nangyari sa'kin kanina." Simula ko. Hinintay naman nila 'yung susunod kong sasabihin.



"Nung kinuha ko 'yung paper bag sa storage room, namatay 'yung ilaw or should I say may nagpatay ng ilaw tapos may nagcorner sa'kin sa wall. Alam niyo 'yung ginawa? Hinalikan ako. Tapos sa nangyaring 'yun, iisa lang 'yung taong naisip kong gumawa non. At feeling ko talagang si Dj 'yun.." Tumingin ako sa pagkain ko.



"Woah, kinorner ka tapos hinalikan ka pa? Pero ang weird naman." Bars.



"Bakit mo naman nasabing si Dj 'yun?" Khalil.



"K-kasi 'yung pagdampi ng labi niya sa'kin.. gano'n kagaya kay Dj noon. Pero wala namang kasiguraduhan na siya talaga 'yun.. feeling ko lang."



"Ate, huwag mo nalang muna isipin 'yun. Siguro naman malalaman natin kung sino 'yon sa tamang panahon. Or kung hindi man, sana sa humantong mabuting paraan niya 'yun ginawa." Tumango nalang ako kay Janella.



"Tama ka diyan, kapatid." Juls.



*~~

Wala naman masyadong nangyari kanina sa Pepper Lunch. Nakauwi na rin kami at dumiretso sa kwarto ni Janella.



"Bawal maingay dito, may ginagawa ako." Sungit samin ni Janella. Nandito pala kaming lahat. Eh, walang magawa sa bahay si Miles at Bars eh.



"Nakahiga lang po kami dito, ma'am. Sige lang gawa ka lang ng homework. Just call us if you need us." Miles.



"Gah, kastress naman high school!" Reklamo niya.



"Ganyan talaga, Ja," Ako.



"Oh well, para kay mom at dad! Para narin kela ate Juls at ate Kath of course para kela ate Miles at ate Bars!"



"Drama mo, gumawa ka nalang diyan. Pero in fairness, manang mana sa mga ate." Bars.



"Siyempre! Kanino pa 'yan magmamana? Samin lang, 'no!" Napailing nalang sila kay Juls.



*~~

9PM na. Alam niyo na kung nasa'n ako. Siyempre sa park sa may cliff. Hay, masyadong stressful ang nangyari kanina. Feeling ko may trauma na ako sa storage room.



Ano bang kababalaghan ang nangyayari sa'kin. Kung sino man kasi 'yon, sana hahantong sa mabuting paraan 'yung ginawa niya sa'kin, sabi ni Janella.



Hayaan na nga muna 'yon, para namang may nagnakaw ng first kiss ko kung maka-react ako.



Ayan na 'yung hinihintay ko!



"Sana makita ko na si Dj.. Kahit makita ko lang na masaya siya okay na 'yun.. Huwag lang sa piling ng iba.. Tsaka sana.. sana mahal pa niya 'ko."



Ang desperada ko siguro tignan, 'no? Gusto ko siyang makitang masaya tapos gusto ko ding mahal parin niya ako. Hah, what a desperate woman I am. Ang pangit tignan, 'diba? Kaso, wala akong choice dahil ito ang gustong tahakin ng buhay ko.






************************

PS : Watch out, October 5.

Shooting Star [Kathniel]Onde histórias criam vida. Descubra agora