Star 14

2.4K 103 31
                                    

• KATHRYN's POV •

"Daniel?"

Naluha ako. Nandito siya sa harap ko, ilang metro ang layo. Hindi ito hallucination. Hindi.

Natatakot akong gumawa ng kahit anong galaw.. baka imagination ko lang 'to at bigla siyang mawala sa harap ko. Pero siguro naman hindi diba?

"D-Daniel, ikaw 'yan.." Nagsalita ulit ako dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong saya.

"Sabi ko naman sa'yo, see you, 'diba?" Nakangiti lang siya sa akin at dahil malakas ang epekto niya sa'kin, mas napangiti ako.

"Malay ko bang totoo 'yung sinabi mo kanina. Tsaka pa'no ka nakapasok dito? Nagkita na kayo nila Juls?" Malayo ang espasyo namin sa isa't isa habang nag-uusap. Hindi ako makagalaw eh.

"Siyempre, lahat ng sinasabi ko totoo at hinding hindi ko hinahayaang maging isa akong sinungaling, 'no. Tsaka, Kath, don't you remember before? Baliw ka talaga, nagtatanong kung pano ako nakapunta dito, eh nung tayo pa kaya, lagi akong umaakyat dito sa veranda niyo. And no, 'di pa kami nagkikita." Ngumiti siya ng pagkatamis tamis sa akin.

Magsasalita pa sana ako pero biglang may kumatok kaya napalingon ako sa likod.

"Kath?" Si Juls ang kumakatok. Pero ayokong pang buksan kasi nandito si Daniel.

Binalik ko ang tingin ko kay Daniel pero nanlumo ako nang makita ko lang ang glass door na nakasara na.. at wala na si Daniel. Kahit anino niya... wala.

"Kath?" Narinig kong sabi uli ni Julia kaya binuksan ko parin ang pinto pero wala sa wisyo ang paggalaw ko.

"Huy, anong nangyari?" Niyuyugyog na pala ako ni Julia.

"Wala.." Pagkasabi ko non, nakita kong napakunot ang noo niya. Hindi 'yan naniniwala.

"Tsk, tara na nga lang sa kwarto." Hinila na niya ako. Pero bago kami tuluyang maka-alis sa kwarto ko, lumingon uli ako sa veranda pero.. wala.

Wala kahit anino niya. Ano ba 'to? Hallucination? Pero naramdaman ko 'yung presence niya kaya hindi puwedeng hallucination 'to. Nakausap ko pa siya!

"Uy, Kath! Lutang ka ba? Lagpas ka ng kwarto, huy!" Naramdaman ko nalang bigla 'yung paghila ni Julia sa'kin kaya bumalik na ko sa reyalidad.

"Sorry.." 'Yun lang nasabi ko at tinignan naman ako ni Julia tapos umiling.

**~

Kanina pa sila tawa ng tawa pero nandito lang ako sa dulo ng sofa at iniisip 'yung kanina.

Biglang nagring ang phone ko. At ang inaasahan kong tao na tatawag, si Daniel.

Lumabas na ako ng kwarto ni Julia at buti nalang hindi nila ako pinansin kasi busy sila sa kakatawa. Dumiretso na ako sa kwarto at nilock ito bago umupo sa kama.

"Daniel," Sabi ko pagkasagot ng tawag.

< Sorry kung umalis ako agad.. > Kaya napatayo ako. So totoo nga 'yung kanina?

"Ah, okay lang." Umupo na agad ako sa kama pagtapos ng agaw eksena kong pagtayo.

< Pero g-gusto mo ba magkita tayo ngayon? Ah, kung gusto mo lang n-naman. > Napahiga ako sa kama sa saya na nararamdaman ko. Totoo talaga 'to.

"Sige ba," Ngiti kong sabi.

< Talaga?! > Medyo nailayo ko 'yung phone sa tenga ko kasi ang lakas ng boses niya.

Shooting Star [Kathniel]Where stories live. Discover now