Star 15

1.5K 65 43
                                    

October 6, Saturday.

• KATHRYN's POV •

"Kath.." Niyuyugyog ako ni Daniel.

"Kath, sorry sa istorbo.. pero kasi kanina pa nagriring 'yung phone mo." Tinignan ko naman siya at nag-aadjust pa 'yung mga mata ko.

"Sagutin mo nalang, Kath. Nabulabog din ako eh." Umupo ako sa kama at nagkusot ng mata.

"Teka, anong oras na ba?" Tanong ko. Tapos narinig ko 'yung phone ko na nagriring mula sa bag ko.

"2:30 palang at actually, dalawang oras pa lang ang tulog natin." Tumango ako sakanya at tumayo mula sa kama.

Kinuha ko ang phone ko at nakita ko kung sino ang tumatawag. Lagot. Ang dakilang best friend ko, si Bars. Patay, anong sasabihin ko?

"H-hello?" Sabi ko at napakagat sa labi.

< Hello?! 'Yan ang pambungad mo sa'kin?! Hello?! Nasaan ka, Kathryn? > Pumikit ako ng mariin dahil Kathryn na ang tawag niya sa'kin.

"Basta.."

< Anong basta?! Nung umalis ka sa kwarto ni Julia akala ko naman kukuha ka ng pagkain or something pero tinakasan mo na pala kami?! > Nilayo ko 'yung phone ko sa tenga ko dahil ang lakas lakas ng boses ni Bars.

"Huwag kayong mag-alala, ligtas naman ako."

< Hindi ako natutuwa, nasaan ka? > Huminahon ang boses niya pero malalim naman ngayon.

"I'll explain when I get back home on Sunday."

< At sa Sunday ka pa talaga makaka-uwi? Where the hell are you? >

"Sa Sunday nalang, Bars. Please, pagbigyan mo muna ako ngayon. Basta ligtas ako at 'di niyo na kailangan mag-alala."

< Well I hope Sunday na agad, ano? > Masungit niyang sabi.

"Bars.."

< You can't blame me, Chands. Magugulat nalang kami na bigla ka nalang nawala ng hindi nagpapaalam. Syempre bilang soul sister mo, mag-aalala ako. Naka-isa ka ngayon sa'kin, ha."> Kumakalma na rin siya.

"I'm sorry, Bars, basta tell my sisters na ligtas ako kung nasaan ako ngayon."

< Fine. Take care of yourself, huh. > Nakahinga na ako nang maluwag.

"Yes, Bars. Kayo rin."

Then it ended. Tumingin naman ako kay Daniel na humihikab at gulo gulo 'yung buhok. Nginitian ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shooting Star [Kathniel]Where stories live. Discover now