Star 12

2.7K 74 20
                                    

HUHUHUHUHU PATAWARIN NIYO NA AKO SA SOBRANG LATE NA UPDATE EH KASI NAMAN BUSY SA SCHOOL PERO HUWAG MAG-ALALA, SUMMER NA SO REGULAR NA ULIT

***********************

October 4, Thursday.

• KATHRYN's POV •

Kagigising ko lang. As in ngayon lang. Nakahiga parin ako. Nakatingin sa kisame. Gah, naalala ko na naman 'yung nangyari sa storage room kahapon.

Kumusta naman 'yung posisyon ko ngayon? Nakatulala sa kisame, akala mo maysakit tapos nakanganga pa ako. Susko, weirdo na ako.

"Huy! Nastroke ka ba?" Sabi sa inyo eh. Pati si Miles nawiweirdohan sa'kin.

"Gaga, mukha ba talaga akong nastroke pag nakatulala?" Natawa sila at umupo sa kama ko. Wala si Bars ko!

"Ngayon lang, parang wala kang malay. Hahaha!" Umayos ako ng upo.

"Kainis. Ako na naman nakikita niyo. Nasan na ba kasi 'yun si Bars." Nagkamot ako ng ulo.

"Bumibili pa 'yun ng breakfast. Nagtext kanina." Sabi ni Juls.

**~

"Hoy, magliliwaliw in the meadows muna ako." Sabi ko kela Juls pagtapos namin kumain ng breakfast.

"Ano na namang drama mo, Chands? Oh, sige, bond with yourself nang magmukha kang baliw." Binatukan ko naman ang maganda kong best friend dahil sa sinabi niya. Loka eh. 'Yung dalawa naman tinawanan nalang kami.

"Alis ka na." Sabi naman ni Juls. Aba't?!

"Wow ha. Maraming salamat sa pagtaboy sa'kin. Bahala na kayo, aalis na ako." Siyempre joke lang 'yung away away na 'yan. Hahaha.

"Huwag ka ng babalik!" Sigaw ni Miles bago ako makalabas. Kahit kelan talaga, oo.

Pumasok na ako ng kotse at lumiko papunta sa exit ng subdivision namin. Pero bago ako makapunta sa exit, madadaanan ko 'yung bahay ni Dj.

Bumagal takbo ng kotse ko. Nagtataka parin ako, sino ba talaga ang bagong lipat sa bahay nila Dj? May nag-aayos parin ng mga gamit sa loob eh.

Nagpark ako sa gilid at bumaba. Pumunta ako sa harap ng gate na nakabukas dahil may nagpapasok ng gamit sa loob.

"Excuse lang ho, ma'am, anong pong kailangan niyo?" Lumapit sa'kin 'yung lalaking nagbubuhat kanina.

"Ah, puwede ko bang malaman kung sino 'yung bagong lipat dito?" Tanong ko.

"Ay, teka lang, ma'am, hindi ho ako sigurado sa pangalan. Itatanong ko nalang ho sa kasama ko." Tumango ako sa lalaki at pinanood siyang pumasok ng bahay.

Bumalik na uli 'yung lalaki.

"Ma'am, pasensya na kayo. Hindi daw ho kasi puwedeng sabihin sa kung sino sino.. hindi naman ho sa masama ang tingin ko sa inyo, trabaho lang ho. Pasensya na ho uli."

"Ah, ganun ba. Salamat nalang, naiintindihan ko." Tumango ako sa lalaki at sumakay sa kotse.

Sa'n nga ba ako pupunta? Gusto ko lang naman mapag-isa eh. Puwede ba ako magdisappear kung saan 'di ko maaalala 'yung memories namin ni Daniel? Tsaka 'yung lugar kung saan walang problema? Kahit saglit lang naman eh. Mga ilang oras lang. Para naman maramdaman ko uli 'yung hindi ako nasasaktan. Saglit lang naman eh.

Shooting Star [Kathniel]Where stories live. Discover now