Star 9

3.6K 77 12
                                    

OCTOBER 1, Monday.

• KATHRYN's POV •

Hello, October!

"Yes!! October na, te! Outdoor na tayoooo!" Biglang bumukas yung pinto ko. Si Juls. Hooray for outdoor cooking!

"Mas mangangamoy pagkain na tayo! Hahaha! Pero excited na ako, sobra. Ligo lang ako." Tumayo na ako at nagstretching ng konti para mas magising ang katawang-lupa ko.

"Sige sige. Ako rin."

Bago ako pumasok ng CR, tumunog phone ko. Nagtext si Janella. Ay, oo nga pala may pasok na ang bruha kaya wala siya ngayon.

     "Hi, ate! Free time ngayon kaya huwag kang magtaka kung bakit ako nagtetext. Grabe nabitin ako sa one-week-break namin :( Sana maextend pa. Pero no, kasi kailangan ko suklian ang pagtatrabaho satin nila mom at dad kaya mag-aaral ako nang mabuti! Naks. Hahaha. I'm sure gising ka na, ate. Reply ka! I miss you!"

Napangiti ako. Kahit kailan talaga, oo. Napakabuting anak at sweet na kapatid ever! Nagreply ako.

     "Ikaw, bruha! Baka nagt'text ka habang klase, ha? Pero I'm impressed kasi nag-aaral ka ng mabuti para suklian ang pagtatrabaho nila mom at dad. Super nice line, sis! Yes, I am wide awake at excited na ako dahil outdoor cooking na kami! I'll bring you home kung ano lulutuin namin today, promise! I'll take a bath lang."

Binaba ko na ang phone ko at dumiretso sa CR. October na. Bakit feeling ko may mangyayari sa mga susunod na araw? This feeling is different. Ngayon ko lang naencounter. Kinakabahan ako dahil ewan! Pero excited dahil sa outdoor cooking. Pero kasi yung isa kong nararamdaman! Hay ewan.

**~

Paglabas ko ng CR, 'yung phone ko agad tinignan ko. Nagreply si Janella eh.

"Of course, ate! Kanino ako nagmana sa pagiging mabuting anak? Hindi ba sainyong dalawa ni ate Juls? Haha! Omg! Uuwian mo ako ng food? Hay, ate, kahit ano pang pagkain 'yan basta mauwian mo ako! Nagugutom na tuloy ako! Basta ingat kayo, ha! Huwag kalimutan ang food ko! Sige na, see you later at may class na uli kami! :) I love you, ate!"

Nagreply naman ako:

"Opo opo, hindi namin kakalimutan ang pagkain mo. Ikaw talaga! Matakaw kahit kailan. (Parang ako hindi eh, 'no? Hahaha!) See you later! Ingat ka rin diyan. Makinig nang mabuti sa prof mo! And I love you, too. :)"

 

**~

On the way na kami ngayon at guess what? Pare-pareho kami ng suot! Naka-gray kami na sando. Nakakatawa parang naka-uniform kami.

"Ano kaya sasabihin ng mga kaklase naten sa suot naten? Nakakatawa 'to." Miles.

Shooting Star [Kathniel]Where stories live. Discover now