Star 8

3.7K 85 20
                                    

Sorry talaga sa late update. Patawarin niyo na ako. Busy talaga sa school. :(

**********************

• KATHRYN's POV •

Kanina pa ko nandito sa labas ng bahay. Hindi sa ayaw ako papasukin nila Juls. Ayaw ko lang pumasok pa.

Nalulumo ako. Naguguluhan. Naeewan.

Hindi ako nagkakamali sa nabasa ko at nakita ko. Galing 'to kay Dj! Magulo yung sulat! Siya 'to!

Bakit naman ganitong klase ng note ang pinapadala niya sakin? 'Yung sweet na kala mo kayo. Tapos may i love you pa! Pinapaasa niya ba talaga ako?

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko eh. Dapat ba ako maging masaya dahil nag-i love you siya? Kung gano'n bakit 'di ko nararamdaman 'yung saya?

Magulo ang nararamdaman ko. At hindi do'n kasali ang kasiyahan. Sobrang gulo, oo. Kasi ang labo niya eh. Nagpaparamdam siya sa text na parang walang nangyari. Tapos ngayon, may note na may i love you.

Ano ibig sabihin nito?

Binuklat ko uli yung papel at binasa ang mga katagang nagbibigay ng malakas na epekto sakin.

Ano ginagawa mo diyan sa may cliff? Ilang araw na kita nakikita diyan ah. Mukhang malungkot ka. Kung ano man ang problema mo, malalagpasan mo rin 'yan. :) Huwag kang mag-alala, darating na rin ako at pagdating ko, ako na ang magcocomfort sa 'yo. Alam kong miss mo na 'ko, at miss na rin kaya kita! I love you! I'll see you real soon. Promise na talaga ito.

Tinupi ko ang papel at may nakita akong maliit na sulat pero nababasa pa rin.

I love you as a bestfriend :)

ANAK NG TETENG! Bastos 'to ah! Kanina pa ako naguguluhan tapos may as a bestfriend pala na nakasulat?

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Crinumple ko yung papel at nilagay sa bulsa ko. Hindi ko rin magawang itapon. Bwisit 'yan, as a bestfriend lang pala.

Sige na, pagtawanan niyo na 'ko! Sobrang emo ko kanina 'yun pala.. Argh! Pero ako rin naman ang mali eh. Masyado na naman akong umasa. Tss.

Hindi ko alam na basa na pala 'yung mga mata ko. Umasa na naman ako. Nakakainis! Lagi nalang akong sawi. Bakit ba ako, bakit 'di nalang ibang tao ang magsuffer? Nahihirapan din naman ako eh.

"Nakikita ka namin." Napatingin ako sa veranda namin. Patay! Nando'n si Juls, Miles, Janella at Bars. Lagot na ako.

"Tanga ako! Umaasa nalang! Ayoko na mabuhay! Nakakabanas! Lagi nalang ako! Hooo!" Sigaw ko. Sabay rin 'nun ang paglabas ng mga luha na walang tigil pumatak.

Narinig kong bumukas ang gate namin. "Chands, tama na. Halika na." Nagpahila nalang ako kay Bars dahil nanghihina ang tuhod ko.

Nasa veranda na kami. Tulala parin ako. Napipikon ako. Paasa.

"Ano na naman ba nangyari?" Bars.

Tinakip ko nalang ang kamay ko sa mukha ko. Sakit sa ulo nito! Nakakapikon, as a bestfriend lang pala. Ano 'to friendzoned ang peg? Nako, ayoko niyan. Pauso ng mga shunga. Bwiset.

Sarap pumatay. Magdadabog na 'ko e. Anak ng tae 'yan. Lagi nalang ako pinahihirapan. Bakit ba ako 'yung nakita ng Diyos? Ba't 'di nalang ibang tao? Sa'kin pa binigay lahat ng pasakit na 'yan.

May galit ba sa'kin ang Diyos? Wala naman akong ginagawa a. May tiwala parin naman ako sakanya, nagsisimba ako 'pag Linggo, nagdadasal ako paggising, pag kakain, bago matulog, pag nahihirapan ako.

Shooting Star [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon