Star 4

4.2K 65 17
                                    

Chapter 4, up! :)

 

***********************************

• KATHRYN's POV •

Thursday ngayon. Walang pasok. At tatlong araw nalang October na. Magluluto na kami outdoor. Tch. Lagi na kaming mangangamoy usok niyan. Hahaha.

Kasalukuyan akong naghahanda para magjogging kasama si Juls. Yung tatlo, 'di nun kaya gumising ng 4AM. Kaya kami nalang ni Juls.

"Tara na?" Biglang pumasok si Juls sa kwarto ko habang nagtatali ng buhok.

"Tara na't magpasexy! Hahaha." Ako.

Bumaba na kami. Medyo madilim pa dahil 'di pa sumisikat yung araw. Marami rin ang nagjojogging sa subdivision, 'yung mga nakatira dito.

"Juls! Wait lang pala. Gusto ko isama si Cola." Si Cola, aso namin ni Dj. 'Di ko pa pala nasasabi, 'no? Binigay niya sa'kin si Cola nung nag-1 year na kami.

"Cola! Come here!" Pumalakpak ako para tawagin siya. Nagtatago kasi sa ilalim ng lamesa.

Naisip ko na naman si Dj.

Naitali ko na si Cola at lumabas na uli ng bahay. Nagsimula na kaming magjogging kasama si Cola.

• F L A S H B A C K •

Nandito kami ngayon ni Dj sa kwarto. Kasalukuyan kaming nagpapahinga dahil kakakuha lang namin ng exam para sa last quarter ng pagiging 4th year namin.

"Babe, naiimagine ko na ang college life natin.. Palagi tayong sabay pumasok, tapos 'pag titikman natin yung luto natin susubuan mo 'ko. Tapos 'pag napaso yung kamay ko, gagawin mo lahat para maibsan yung sakit. Tapos 'pag uwian na sabay nating kakainin yung luto natin, magsusubuan uli tayo.. Hay, excited na 'ko grabe.." Sinsabi niya 'yan habang nakapikit.

"Ako rin, babe.. super excited sa college life.. Sarap i-imagine, hay." Pumikit din ako at hinaplos haplos ang mukha niya, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalik-halikan na naman 'to.

"Kaya kailangan bilisan na natin kasi magpapa--- Arf! Arf! Arf!" Napabangon kami sa kama kasi may tumahol sa may pinto.

"Babe, 'yung anak natin kumakatok." Tumawa ako. Anak talaga?

"Anak tala--- Arf! Arf! Arf!" Hala ginagasgas na ata yung pinto ko.

"Papasukin mo na anak natin. Gusto niya makita ang mommy at daddy niya." Kinurot ko siya sa pisngi. Kulit!

Binuksan ko na ang pinto at lumapit sa'kin. Kinarga ko 'to at nilagay sa bed. Bigla niyang dinilaan yung mukha ni Dj. Hahaha! Epic! Nakapikit pa naman siya nun.

Shooting Star [Kathniel]Onde histórias criam vida. Descubra agora