Star 10

3.3K 76 15
                                    

OCTOBER 2, Tuesday

• KATHRYN'S POV •

I'm lost. 'Yan agad ang naisip ko paggising ko. Kung hindi lang sinabi ni Khalil ang nakikita niya sa sitwasyon ko, talagang mawawala na talaga ako.

Talaga namang wala na ako, 'diba?

Nalunod ako. Nawawala ako. Nababaliw ako. Lahat na.

Chineck ko ang phone ko dahil 'yun naman ang gawain ng henerasyon ngayon, hindi ba? Paggising mo, titignan mo agad ang phone mo. Ganyan rin naman ako.

Aba, may text galing kay Dj.

"Hi. San ka ngayon?"

Ano namang gusto nito at tinatanong niya kung nasaan ako. Ang aga aga niya sinend oh. Kanina pang 6:23AM.

"Bahay lang. Bakit?"

**bzzt bzzt**

"Ah okay. :) Wala lang. Hehe"

Okay? Bilis magreply. Hindi na ako nagreply at gusto kong bumalik sa tulog. Ayoko munang makihalubilo kela Juls kasi gusto kong manahimik muna.

Gusto ko muna mawala sa mundo kaya itutulog ko nalang 'to. Mas wala akong maiisip sa ganung paraan.

**~

"Jusko, Kath!! Gutom na ako!! Mag breakfast na tayo! Aba, anong ginawa mo kagabi at hanggang ngayon tulog ka parin?" Nagising ako sa malakas, sobrang lakas na yugyog at sigaw ni Juls. Ano ba 'yan. 8:30AM pa lang!

"Tae. Nagising ako kaninang seven. Bumalik lang ako sa tulog kasi medyo inaantok pa ako." Lie.

"Nakooo. Sige na, kumain na muna tayo bago ka maligo. At ang maganda mong best friend ang nagluto ng lunch." Naglakad na siya palabas. Sumunod naman ako at hindi na nag-ayos.

"Nakanang. 'Di man lang nag-ayos." Juls.

"Uso 'yan."

*~~

Nasa labas ako ngayon. Tapos na kasi ako kumain at lahat lahat. Gusto nga ako samahan nila Juls kaso gusto ko rin mapag-isa.

Gusto ko mag-isip isip.

Sus. Parang di ko naman 'yun ginagawa lagi. Pero kasi, iba rin 'to. Wala lang. Ewan ko na.

Naglalakad lang ako mag-isa dito sa park. Ibang park 'to, hindi 'yung sa subdivision namin. Mall ang katabi nito e.

Habang naglalakad ako, may tumawag sa phone ko. Si Khalil.

Shooting Star [Kathniel]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu