Star 3

4.4K 74 9
                                    

Chapter 3, up!

**************************************

• KATHRYN's P.O.V •

Ay grabe ang bigat ng mata ko. Hindi ko maimulat! Jusko, bulag na ako! Ay joke. Basta ang bigat bigat ng mata ko. Hindi dahilan ng eyebags, dahilan ng pag-iyak ko kagabi.

Tumingin ako sa salamin. Hala ang pangit ko! Yung mata ko ang liit liit dahil sa maga. Halaaaaa. Lagot ako nito kay Bars.

Naligo ako para maghanda na sa pagpasok. Ramdam na ramdam ko yung maga ng mata ko. Bulag na yata ako.

Pero ang pangit ko talaga eh! Kala mo kinagat ng ipis yung mata ko.. Alam niyo naman yung itsura ng gano'n 'diba. Malala pa ata yung akin eh.

Kasi naman Dj, bakit ganito ang epekto mo sa'kin. Bigyan niyo naman ako ng kahit isang araw lang na hindi ako masasaktan. Mas bumibigat ang nararamdaman ako sa bawat araw na lumilipas eh.

Natapos na akong maligo. Humarap ako sa body-length kong mirror at sinubukang ibuka yung mata ko. Shet ang pangit talaga sobrang namamaga. Binuka ko 'to uli, gamit naman ng kamay ko ngayon.

Argh. Ayaw talaga. Eh kung magsuot nalang kaya ako ng glasses. May grado rin naman 'yung glasses ko kaya hindi magtataka sila Bars. Tama! Magsuot ng glasses!

Kinuha ko yung glasses ko sa bag. Dala ko naman 'to lagi eh, 'di ko lang sinusuot kasi reading glasses lang 'yun.

Tumingin uli ako sa mirror. Ayan 'di na masyadong halata. Nagmukha lang akong nerd.

Inayos ko na ang sarili ko. Ehh. Ramdam ko parin yung pagkabigat ng mata ko. Sana 'di nila mahalata. Nagsuot na nga ako ng glasses eh.

"Ate? Gising ka na ba?" Biglang pumasok si Janella sa kwarto nung papalabas pa lang ako.

"Yep. Morning. Baba na tayo?" Tumango siya sa'kin at bumaba na kami. Morning lang, walang good.

Wew. Buti 'di niya nahalata yung pangit kong mata na nirape ng ipis. Dejoke. Pagod lang sa kakalabas ng luha.

"Oh sa'n si Juls?" Pagbaba kasi namin walang tao kundi si ate Doris, yaya namin.

"Ah, naligo lang saglit." Umupo kami sa sofa sa living room at nanood muna saglit habang iniintay ang mahal na reyna. Hahaha.

"Ate, himala ata sinuot mo glasses mo." Napako ako sa inuupuan ko. 'Di ako tumingin kay Janella kasi baka pagmasdan pa niya yung mata ko.

"A-ah.. Oo, medyo lumabo kasi paningin ko." Kahit hindi naman kasi pangreading glasses lang 'to.

"Buti sinusuot mo, baka sumakit ulo mo pag pinipilit mo magbasa ng walang glasses."

"O-oo nga eh. Hehe."

Biglang pumasok sa bahay sila Miles at Bars.

Shooting Star [Kathniel]Where stories live. Discover now