Prologue

12.2K 235 25
                                    

"Ikaw?!" Gulat na gulat tanong ko sa taong nabungaran ko sa opisinang ito.

"Bakit Maine? Miss na miss mo ba ko kaya ka nagulat ng ganyan?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ako mamimiss ka? Asa ka pa!"

"So what brought you here?"

"Gusto ko lang naman itanong sa walamg pusong may-ari nitong publishing house kung bakit rejected lahat ng manuscript na pinasa ko?!"

"Dahil siguro walang puso din yung nagsulat." Tsaka siya tumawa ng mahina.

"Asshole! Ang sabihin mo sinadya mo lang i-reject yung mga yun para galitin ako at puntahan ka!"

"Dream on babe."

"Ang kapal mo talaga!" Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at balak hampasin ang kanyang dibdib pero agad niya kong naunahan dahilan para mapahiga ako sa office table niya.

Juskooo. Ang lapit na niya!

Isang dangkal na lang yung lapit ng gwapo niyang mukha sakin..

Titig na titig ang mga mapupungay niyang mga mata..

Perfect shaped naman ang matangos niyang ilong..

At siyempre, mawawala pa ba ang mapupula niyang mga labi na parang kay sarap halikan..

What? Halikan? No way!

Itutulak ko na sana siya palayo ng isiniksik niya pa ng kaunti ang katawan niya sakin.

"Do you really want me to publish your stories Maine?" Bakit parang nang-aakit yung boses niya? Ugh! What the heck is happening with me?

"Y-yes.. Alden.." Napalunok kong sabi.

Bakit babko kinakabahan?

"Then attend the seminar."

"What! What seminar?" May seminar pala sila bakit di sinabi agad sakin?

"A seminar that will give you the real feelings about love."

"Ha? As in parang tuturuan akong magmahal?" May ganun pala?

"Yes. You will experience to have a boyfriend for 3 whole months for you to experience."

"Excuse me! Nagka-boyfriend na ko no." Oo. Ikaw.

Yes. He was my first love..

My first hug..

My first kiss..

And ny first boyfriend who was a freaking asshole.

"Ako ba?" Mataas na kumpiyansa sa sariling tanong niya.

"Excuse me? Naging tayo ba?" Bahagyang nangunot ang noo niya. "Anyway, who will be the one to teach me during that seminar of yours?" I asked para matapos na. Ilang na ilang na kaya ako. Imagine ganun pa din posisyon namin.

"AKO." Madiing sabi niya na ikanabigla ko talaga.

"What the hell! Are you insane? What made you think na papayag ako ha? HELL NO!"

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba natatakot kang ma-inlove ulit sakin?" That's the last thing I heard before I left his office.

Natatakot nga ba ako?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloWhere stories live. Discover now