FRRF 24

2.4K 89 0
                                    

"Ayoko nga kase niyan Alden!" Nakakainis naman o.

Diba nga mag-outing kami sa Batangas? Ayun, tapos na siya sa meeting niya. Tas ako kanina pa nag-iikot dito sa mall. Nakakain na din ako ng ice cream. Hihi.

Nakabili na din ako ng mga food na kakainin namin. May chips, water, juice, softdrinks, bread, etc. Bumili na din ako ng mga shampoo, conditioner, toothpaste, toothbrush, lotion, body wash, etc.

Tapos mga shirt, short, slippers namin ni Alden.

Ang kulang na lang swimming wear. Tumitingin na ko sa isang shop kaya lang tumawag siya na tapos na daw yung meeting so I said kung nasaang shop ako. Pero dapat di ko na lang sinabi. Huhu. Ayaw ni Alden yung gusto ko!

"Ito na nga lang kunin natin babe. That's too daring. Ayokong yan ang isuot mo. Pagtitinginan ka lang ng mga lalaki."

"Pero ito nga ang gusto ko! I want to wear this red two piece!"

"I said no babe. We'll buy this green one piece and that's final." Madiing sagot niya.

"Fine! Buy that. Ikaw na din ang magsuot!" Tsaka ako lumabas na ng botique. Bahala ka na diyan Alden. Nakakabadtrip.

Can't I wear that two piece? I want that!

Huhu. Makapag-ice cream na nga lang.

Dumiretso na ko sa ice cream parlor. Ring naman ng ring yung phone ko. Tumatawag si Alden. Hmp. Bahala siya diyan, di kami bati hangga't hindi niya binibili yung swimwear ko.

"Babe! Sabi ko na nga ba andito ka e." Hinawakan ni Alden yung braso ko pero ipiniksi ko lang.

"Don't touch me."

"Babe naman. Bakit ba ang sungit-sungit mo na? Nakakapanibago tuloy."

"So ano nagsasawa ka na? Iiwan mo na ko?" Naiiyak na tanong ko.

Shems. Bakit ba ang emotional ko masyado?

"No babe. It's not like that." Ibinaba niya yung mga bitbit niyang paperbags at tumabi sa upuan ko. "Naninibago lang ako but that doesn't mean na iiwan na kita or ayaw ko na sayo. Kaya ko namang magtiis sa kasungitan mo e." He kissed me on my cheeks. Napangiti na ko. Isang kiss lang niya, nawala na agad inis ko. "Oh di ka na tampo?" Umiling ako. "Pa-kiss nga sa baby ko." Hinalikan niya ko sa lips saglit.

"I love you."

"Love you too babe. At dahil diyan.. tadaaaa!" Excited niyang inilabas yung laman ng isang paperbag.

"Ayoko na niyan!" Inilabas niya kase yung swimwear na gusto kong bilin kanina.

"What? Diba kaya ka nga nag-walkout kanina kase ayaw kong bilin to?" Nakakunot-noo na niyang tanong. Uh-oh. Mukhang badtrip na ata ang babe ko.

"Eh kanina nga yun. Ngayon gusto ko na nung pili mo." Di siya kumibo. "Tara bilin na natin yun."

"..."

"Ba yan e. Kakausapin mo ba ko o hindi?" Sigaw ko sabay subo ng ice cream.

"Psh. Oo na. Let's go." Binitbit na niya ulit yung mga paperbags at sabay kaming lumabas ng ice cream parlor.

"Say ahhh." Sinusubuan ko siya ng ice cream.

"Ayoko babe. Mukhang kulang pa sayo yan e." Pang-aasar niya.

"So sinasabi mo bang matakaw ako ha Alden Richards?"

"Hindi po Mrs. Richards." Nag-init naman agad ang pisngi ko.

Waaaaah! Mrs. Richards! Hihi. Kiliiiiig.

"Heh." Shemay. Nangingiti ako. "Lika na nga. Bili na tayo ng swimwear. Gusto ko na mag-swimming e."

"Okay Mrs. Richards." Kumindat pa siya sakin. Inakbayan pa niya ko ng left arm niya habang yung right hand naman niya bitbit lahat ng pinamili namin.

Pasubo na sana ko ng natitirang ice cream ng may biglang bumangga sakin!

Natapunan ako! And worst, natapon na lahat ng ice cream ko!! Huhuhu.

"Ice cream ko." Naiiyak na sabi ko.

"We'll just buy another one babe. Come on, let's change your blouse."

"No!" I hissed. Humarap ako sa babaeng bumunggo sakin. She was still looking at her phone. "Hey don't you know how to say sorry ha? Natapon ice cream ko because-Shai?!" Shems.

Sa dinami-dami ng pwede kong makabangga, bakit siya pa? Akalain mo nga naman na nasa Batangas na kami't lahat, andito din si Shaira? Hindi kaya siya ang ka-meeting ni Alden kanina tapos hindi niya sinasabi sakin? May tinatago ba siya? And last, bakit ba ang moody ko na?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloWhere stories live. Discover now