FRRF 40

2.5K 94 20
                                    

"Huy ano ready ka na ba diyan?"

"Oo naman." Nginitian ko si Joan.

"As in?"

"Oo nga ang kulit mo naman." Naiini na sabi ko.

"Naninigurado lang e." Di na ko kumibo. "Alam mo naman na yung gagawin mo dun? Nakapag-practice ka na ba?"

Nagukuhan ako sa tanong niya. "Anong nakapag-practice na? Bwisita lang naman ako dun. Ni hindi na nga ako magmamartsa pa. Extra lang kumbaga."

"Gaga. Hindi yan! Yung ganito o. ITIGIL ANG KASAL!" Tumayo pa siya at tumakbo. "AKO ANG MAHAL NI ALDEN, HINDI YANG BABAENG YAN!"

''Gaga! Hindi ko yan gagawin no."

"Ay sus. Bakit? Nahihiya ka ba? Wag! Madali lang naman e. Dali gayahin mo ko." Pinipilit niya kong patayuin. Nakaupo kase ako sa kama niya e.

"Ayoko nga Jo. No. Hindi. Ayaw. No."

"Kj! Hmp. Alam mo ang tanga mo. As in. Ang tanga-tanga mo. Kumbaga kapag pina-spell yung word na tanga, ito lang o. M-A-I-N-E. Tanga. Nasayo na pinakawalan pa? Ikaw na ang gustong pakasalan, inirereto pa sa iba. May anak na sayo, nagpasalo ka pa ng ibang responsibilidad. Hay. Tanga talaga."

"Grabe ka. Maka-tanga ka naman diyan."

"Bakit hindi ba? Kung hindi ka tanga Maine, hindi ka papayag na mawala lang si Alden ng ganun-ganun sayo no."

"Pero alam mo Joan kung bakit ko to ginagawa!" Halata ang pagkagulat sa kanya ng nagtaas na ko ng boses. "Sorry."

"Sorry din. Ang akin lang naman Maine, pumayag ka nga ngayon na magpakasal siya kay Shaira. Paano ka na?"

"He loves me Jo. Ako pa din ang sasamahan niya."

"So tingin mo ganun ka-simple yun? Kapag nagpakasal na sila, okay na? Siyempre hindi. People will expect to see them treating each other as husband and wife. Tingin mo kaya mong makita yun? Hindi diba? And how sure are you na titigilan ka na ng tatay niya lalo na kung malalaman niyang nagkikita pa din kayo?"

"Ewan ko. Hindi ko alam." Tumayo na ko at nag-ayos ng sarili. "Tara na. Malalate na tayo."

***

Nasa loob na ako ng simbahan habang hinihintay magsimula nung kasal. Katabi ko si Matt at Joan dito.

Haaay.

"Lalim nun a." Nginitian ko lang si Matt.

"Alam mo girl no comment ako sa desisyon mo ha. Pero isa lang ang itatanong ko sayo, masaya ka ba?"

Masaya nga ba ko? Sino ba namang gaga ang magiging masaya kung ang taong mahal niya ay ikakasal na sa iba?

"Guys! Ready na! Andito na ang bride!" Excited na sabi ng organizer. Kanina pa kaya ako nandito. Hay.

"Okay lang yan best. Everything will be alright." Pinisil ni Joan yung kamay ko.

Nagsimula ng tumugtog ang wedding march. Magsimula ng lumakad si Alden habang titig na titig sa akin. Gusto ko siyang hatakin at itakas sa kasalang ito pero para akong napako sa kinatatayuan ko.

"I love you." He mouthed ng papalayo na sa akin.

I love you too Alden..

***

" Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba itong si Shaira Bucio bilang asawa, kabiyak ng iyong puso at mamahalin habang buhay sa hirap at ginhawa, bumagyo man o lumindol?"

Hindi sumagot si Alden.

"Inuulit ko, ikaw lalaki, tinatanggap mo ba itong si Shaira Bucio bilang asawa, kabiyak ng iyong puso at mamahalin habang buhay sa hirap at ginhawa, bumagyo man o lumindol?"

Tumingin siya ulit sa akin. Alam mo yung titig niya na sabihin mo lang, aayaw ako. Sabihin mo lang tatakasan ko to. Sabihin mo lang tayo ang magpapakasal.

"Girl ano na?" Bulong ni Matt sakin.

Umiling ako. Pagsubok lang ito. Dapat harapin at malampasan.

Nakuha na niya ata ang nais kong iparating kaya sumagot na siya. "O-opo.. father."

" Ikaw babae, tinatanggap mo ba itong Alden Richards bilang asawa, kabiyak ng iyong puso at mamahalin habang buhay sa hirap at ginhawa, bumagyo man o lumindol?"

"Yes father. I do." Masayang sabi ni Shaira. Buti pa siya, napakasalan ni Alden. Gustong-gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Alam ko naman na ang tanging kasalanan niya lang ay ang mahalin si Alden. Yun nga lang parehas pa kami ng taong minahal.

"Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, kayong dalawa ay idinedeklara ko na ngayon bilang mag-asawa. You may now kiss the bride." Alden kissed her... on her cheeks. Cheeks lang yun pero masakit pa ding makita.

"May I now present to you Mr. And Mrs. Richards!" Pakilala ng pari sa kanila habang nagpapalakpakan ang mga tao.

Tears started to fall down on my cheeks but I have to hide it kaya I decided to leave. I'll just text him later.

Pero tatawagan din naman ako nun mamaya e.

Kung.. kung maalala niya pa na may naghihintay sa kanya na Maine ang pangalan.

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloDonde viven las historias. Descúbrelo ahora