FRRF 30

2.5K 82 24
                                    

SHAIRA'S POV

"Congratulations Misis! You are 5 weeks pregnant."

"Thanks doc! I'll go ahead." Paalam ko.

When I get out of her clinic I smiled. Seems my plan is working huh?

When I and Clark had sex last time, it was not planned. I was not expecting na aabot kami sa ganun. But since nangyari na why not use it against Maine right?

Weeks after that night, nakaramdam na ko ng mga pagbabago sa katawan. Hirap na hirap akong bumangon sa umaga. Naging mapili ako sa mga pagkain. Yung mga pagkain na ayaw ko dati, gustong-gusto ko na ngayon. Yung pang-amoy ko naging maselan na. Ni ultimo yung pabango ko nga, ayaw ko ng maamoy ngayon.

Dun ako nagkahinala na maybe I'm pregnant. I used pregnancy test para malaman kung positive ba. And as expected, may two red lines. I was afraid with the result kahit na may idea na kong maaaring ganun nga ang kalalabasan. Agad na naisip ko is am I ready to be a mother? Kaya ko na bang humawak ng baby? Mag-timpla ng gatas. Magpalit ng diaper at lahat ng pag-aalaga sa bata. Sa totoo lang, wala akong alam at hindi ako handa.

Ilang linggo din akong nagkulong lang sa bahay dahil hindi ko pa din tanggap.

Isa pang iniisip ko ay yung sasabihin ng tao sa paligid ko. Pag-uusapan at pagtatawanan na lang nila ko dahil disgrasyada na ko.

Lalaki ng walang ama ang anak ko. Kahit na alam naman nating lahat na si Clark ang ama nitong dinadala ko, ayokong ipaako sa kanya yun dahil hindi ko naman siya mahal.

I want to marry the guy whom I love but unfortunately, nakarma na ko agad. Siguro dahil sa panlolokong ginawa ko sa relasyon na Maine noon, ito na ang naging resulta.

Ilang araw din akong nagbakasyon sa Batangas para makapag-isip-isip ng mabuti. And then I saw Alden and Maine there. They are so sweet and kitang-kita mo sa kanila na that they love each other. I felt jealous. Kailan kaya may magmamahal sakin? Yung kayang suklian yung pagmamahal na maibibigay ko.

I followed Maine when someone called her. Parang may emergency kase e. Pero sana hindi ko na lang siya sinundan dahil wedding proposal pala ang maabutan ko doon. It hurts you know. Alam ko namang wala akong karapatang masaktan pero nasasaktan ako e.

I was about to leave when I saw Maine running away from Alden. Did she say no? May parte sakin ang nalungkot at natuwa sa nangyare. Nalungkot dahil they are both my friend. Natuwa dahil para kong nabigyan ng chance to prove that I am worthy of his love.

Hinanap ko si Alden when he left the beach resort. Kung saan-saang bar ako nagpunta pero wala siya. Yun pala nasa pad lang niya.

I came after him to be his friend. Alam ko namang wala akong pag-asa e. Unti-unti ko ng natatanggap yun. Gusto ko lang talaga siyang i-comfort but when he opened the door, he kissed me! At sino ba naman ako para tumanggi? You know I love him so much!

I kissed him back without thinking if it's wrong or not. Nakaabot na kami sa kama but he fell asleep. Dahil siguro sa sobrang kalasingan.

Tinitigan ko lang si Alden na mahimbing na natutulog. Thinking that ano bang meron kay Maine na wala ako? Paano ka ba magiging akin?

At dun pumasok sa isip ko ang isang plano. I removed all my clothes at tumabi sa kanya. Siya naman hinubaran ko din ng damit but I left his boxers. We were both sleeping under his blanket when Maine came in.

She saw us. I felt guilty when I saw my bestfriend crying because of me. I'm sorry Maine but I love Alden too. Hindi naman masamang magmahal diba? Yun nga lang parehas pa tayo ng taong minahal.

After that incident, hindi na nagpakita samin si Maine. Magiisang buwan na rin yun. Alam kong nasaktan siya pero wala akong magawa. Nasasaktan din naman ako ngayon dahil kahit ako ang nasa tabi ni Alden, si Maine pa din ang hinahanap niya.

Ganito ba talaga magmahal? Masakit pala talaga.

***

ALDEN'S POV

"AKALA KO BA MAGALING KANG INVESTIGATOR BAKIT HINDI MO MAHANAP YUNG GIRLFRIEND KO!" Nakaka-frustrate. Mag-iisang buwan na simula nung umalis si Maine sa pad ko at hindi ko pa siya ulit nakikita.

Miss na miss ko na siya..

"Sir maari pong lumabas po ng bansa si Ms. Maine."

"Then find her! I don't care kung magkano ang kakailanganin mong pera basta gusto ko mahanap mo siya."

"Yes sir. Mauuna na po ako." Tinignan ko lang ang kasasarang pintuan.

Where are you babe? I really miss you..

Akala ko yung pagtanggi niya sa proposal ko ang magiging pinakamasakit na nangyari sa buhay ko yun pala hindi. Mas masakit pala kapag tuluyan ka na niyang iniwan.

She left me wirhout hearing my explanations at yun ang masakit. Wala talaga kong maalala that night! I know I was drunk. I still remember kissing someone whom I thought was Maine. Yes there's a possibility na may nangyari samin ni Shaira dahil ang huling naaalala ko is I kissed her pero bakit hindi ko man lang maalala na ginawa namin yun? Kahit anong piga ko sa utak ko, wala talaga!

"Ughhhhhhh! Maine! Umuwi ka na please!" I shouted inside my office.

I was about to grab another bottle of champagne when someone entered my office.

"Alden."

"Sir sorry po. Nagpumilit po siyang pumasok." Singit ng secretary ko.

"Ako ng bahala dito." Tumango siya at lumabas.

Humarap ako sa bagong dating. "What are you doing here? Diba sinabi ko naman sayo na wag na wag ka ng magpapakita sakin?" Di ba siya makaintindi?

"I have something to tell you Alden.."

"Ano na naman bang kailangan mo? Di pa ba sapat sayo na ginulo mo na kami noon? Hanggang ngayon pa ba!" Nalaman ko mula kay Mon na sinira lang pala kami ni Shaira noon kaya nagalit sakin si Maine.

"Hindi mo ko naiintindihan! Ginawa ko yun dahil mahal kita!"

"Mahal?!" Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. "Kung mahal mo ko magiging masaya ka para samin ni Maine! Pero anong ginawa mo? NILOKO MO KAMING DALAWA!" Humigpit yung pagkakahawak ko sa kanya.

"Aray.. Ano ba Alden nasasaktan ako."

"Masasaktan ka talaga kapag hindi mo pa tinigilan yung panggugulo mo sa buhay ko!" Napangiwi siya sa sakit. "Kahit ano pang gawin mo hinding-hindi kita kayang mahalin." Tumulo na ang mga luha sa mata niya. "SI MAINE LANG ANG MAMAHALIN KO WALA-"

"BUNTIS AKO ALDEN! BUNTIS AKO!" Npabitaw ako sa sigaw niya. "At ikaw ang ama.."

What? Bunti si Shaira at ako ang ama? Paano na kami ni Maine?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloOnde histórias criam vida. Descubra agora