FRRF 42

2.4K 94 20
                                    

SHAIRA'S POV

Nagising ako dahil sa napakalakas na tawanan na nagmumula sa garden ng regalong bahay sa amin ni daddy.

Napilitan akong bumangon dahil naduduwal ako. Grabe ang hirap pala talagang magbuntis. Palagi kang nasusuka, yung pang-amoy mo nababago na, isama mo pa yung panlasa. May mga pagkain na kinakain ko na ngayon na dati hindi naman.

Oo nga pala, alam niyo na bang kasal na ko? Ang saya ko dapat diba? Kaso hindi e! Alam niyo ba yung pakiramdam na bagong kasal ka nga pero yung taong pinakasalan mo ay dumiretso doon sa babaeng tunay niyang mahal. Ang sakit sobra. Gusto ko na ngang sumuko pero iniisip ko na lang yung baby ko. Tsaka pinasok ko to, dapat kong panindigan.

Mabilis akong nag-shower at nagbihis tsaka ako dumiretso pababa.

"Magandang umaga ho maam." Bati sakin ni Manang Elma. Siya yung pinadala ni daddy para makasama namin ni Alden dito sa bahay. "Kain na po kayo."

"Sige. Where's Alden?"

"Nasa labas ho maam."

"Kumain na ba siya?"

"Nagpahanda po siya ng breakfast kanina dahil kasama niya po yung mga kaibigan niya." Sila Mon siguro.

"Okay. Doon mo na lang din ako dalan ng pagkain." Tumalikod na ako at dumiretso sa garden.

Naabutan ko doon sila Mon, Matt, at Joan? What are they doing here?

"Ang aga niyo naman ata sa bahay namin ni Alden?" Bungad ko sa kanila.

"Good Morning din Shai." Sarcastic na bati sakin ni Joan. Inirapan ko lang siya.

Lumapit ako kay Alden at akmang hahalikan siya ng bigla siyang tumayo. At sinalubong ang isang babaeng pinakaiinisan ko.

"What the hell is she doing here!" I shouted.

"Oh bakit bawal ba?" Alden said.

"Oo! Bakit yan nandito sa bahay natin!"

"Oh yun pala e. Bahay NATIN. Tsaka usapan natin I can bring my friends right?" He said.

"Friends? Ha! Baka nga kaibigan lang ang turing mo diyan?"

"May I remind you Mrs. Richards.." Shems. Mrs. Richards daw. "Wala naman sa pinag-usapin natin na bawal magdala ng girlfriend dito diba?"

"Ugh! Asshole!" I shouted in anger but they just laugh. As in all of them. Bitches. Uh.

Biglang dumating si manang bitbit ang dalawang tray. Dala na niya yung mga pagkain namin.

"Maam eto ho ang breakfast niyo." Inilapag niya sa harapan ko ang mga fresh fruits. Ito lang ang palaging kong kinakain to maintain my figure. Susubo na sana ko ng mapansin ko ang tapang nasa isang tray.

"Manang akin na lang yan!" Akmang kukunin ko na sana yung platong naglalaman ng tapsilog ng bigla itong kinuha ni Matt.

"Uh-oh. I don't think this belongs to you." Kinindatan niya pa ko sabay abot kay Maine?! The hell!

"MANANG! GUSTO KO DIN NG TAPSILOG!" Sigaw ko kahit na kalapit ko lang si manang.

"Pero maam, naubusan na ho tayo ng tapa."

"Ugh! I don't care! Bumili ka!"

"Sarado pa ho ang grocery maam."

"Then you're fired!" Sinamaan ko siya tingin.

"Alden I want tapsilog too!" Pero dineadma niya lang ako paano sinusubuan niya pa yung bwisita namin.

"Okay daw sabi ni Alden." Sabi ni Matt sabay tawa.

"Ikaw honey, gusto mo din ba ng tapsilog?" Sabi ni Mon sabay akbay kay Joan.

"Remove your hands or else.." Natakot naman ata si Mon dahil agad nitonh inalis ang braso niyang nakaakbay kay Joan.

Don't tell me meron pa rin silang feelings for each other? Aba. Ang tagal na nun a.

Anyway, I still don't care and I still want that tapsilog too.

"MANANG!" I shouted.

"You fired her tapos tatawagin mo?" Tinawanan ako ni Joan.

"Gusto niya daw kase ng tapsilog Joan." Sabat ni Matt.

"Ah ganun ba? Oo nga mukhang sarap na sarap si Maine sa pagkain nun o." Nginuso niya pa sa amin si Maine na kain ng kain ng tapsilog. Nakakamay pa talaga siya ha?

"Bakit naman may nakapasok na taga-squatters dito sa bahay ko?" Parinig ko pero ang bruha nginisihan lang ako.

"Kahit magparinig ka pa din ng magparinig diyan, wala ka pa ding tapsilog." Binelatan niya pa ko.

"AHHHHH! NAKAKAINIS!" Tumayo na ako atsaka nagwalk-out. Bago ako pumasok ng bahay narinig ko pa ang malulutong at masasaya nilang halakhalakan.

Humanda ka sakin Maine. Akin na si Alden ngayon at hindi ako papayag na maagaw mo siya sakin.

Magpakasaya ka na ngayom dahil nasa akin ang huling halakhak.

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon