FRRF 18

2.6K 102 8
                                    

"Punta na ba tayo sa bar ni Mon babe?" Kanina ko pa kinakausap tong nilalang na to pero di ako pinapansin. Huhu. Problema nito?

"Huy babe."

".."

"Aish." Humarap na ko sa bintana ng kotse niya.

Nakakairita na talaga! Okay naman kanina e. Tapos nung kumakain na kami, nawala na siya sa mood. Ano bang ginawa ko? Badtrip.

Hanggang ngayon di pa rin namanansin. So ano to? Wala na lang pansinan forever?

Napatingin ako sa labas ng maramdaman kong nakahinto na yung sasakyan.

"Let's go." Pinagbukas pa rin niya ko ng door. Okay nabawasan na yung pagkairita ko sa kanya. Di pa rin naman pala nakakalimot.

Umakbay siya sakin habang naglalakad yun nga lang, deadma pa din. Bayaan na nga, baka may iniisip lang na trabaho.

"Pare!" Sinalubong kami ni Mon. Nag-man hug naman silang dalawa. "Wow Maine! Ang tagal nating hindi nagkita ah. Mas lalong kang gumanda. Pa-hug nga!" Tumikhim naman si Alden at sinamaan siya ng tingin. "Namiss ko lang girlfriend mo bro. Seloso e." Pang-aasar pa niya.

Inakbayan pa ko ni Mon at nauna na kaming naglakad. Nilingon ko naman si Alden, at ayun lalong bumusangot ang mukha. Buti nga sayo. Hmp.

Naabutan naman namin ang barkada nila sa private room ng bar nato.

"Wow Maine! Di ko inakalamg gaganda ka ng ganyan. Edi sana matagal na kitang inagaw-"

"Umayos ka John. Sasapakin talaga kita." Nasa likod na pala namin si Alden. At take note,niyakap pa ko.

"Possesive jerk." Pang-aasar naman ni Carl. "Basta Maine, pag pinaiyak ka niyan, sasaluhin ka namin." Kumindat pa siya sakin.

"Mga loko-loko talaga kayo. Wala pa ding pinagbago."

"Sus. Feelings niyo nga di nagbago? Kami pa kaya?" Namula naman pisngi ko sa sinabi ni Mon.

"Shut up Mon." Pinaupo na niya ko sa pinakadulo tsaka siya kumuha ng light beer.

"Pwede?" I asked. Dati kase, di niya ko pinapayagan uminom e.

"Yup." Bakit ba ang cold niya? Huhu. "CR lang ako." Sabi niya tsaka tumayo.

"May problema kayo no?" Napatingin ako kay Mon.

"Ewan ko ba dun sa bestfriend mo Mon. Bigla-bigla na lang hindi namamansin." Nakasimangot na sumbong ko.

"Baka may ginawa ka naman?"

"Kumakain lang kami kanina tapos bigla ng nag-iba yung mood niya."

"Sus. Bayaan mo. Baka may ikinaselos lang? Kakausapin ko muna." Tinapik niya ko sa balikat. "Hoy kayo, si Maine ha. Off limits." Sabi niya dun sa dalawa.

"Wait. Bakit kulang ata kayo?"

"Oo nga, san si Clark?" Sabi ni John.

"Baka may nakitang chix kaya nakalimutan tayo?" Sabi naman ni Carl sabay akbay sa babaeng katabi niya.

Napailing na lang ako. Ibang klase talaga sila.

***

ALDEN'S POV

Naiinis ako sa sarili ko. Diba pwedeng makalimutan ko na lang yun?

"Oh pre. San ka galing?" Nakasalubong ko si Mon.

"Nagpahangin lang."

"May problema ba?" Umiling lang ako. "Sakin ka pa ba maglilihim Alden? Ang tagal na nating magkakilala."

"I'm jealous." Pag-amin ko.

"Sabi ko na nga ba e. Tsk. Alam mo pre sa isang relasyon, hindi mawawala ang selosan. Natural yun e. Kapag hindi ka nagselos, edi hindi mo siya mahal kase ano yun wala ka lang pakialam?" Tinapik niya ko sa balikat. "Alam kong mahal mo si Maine. Ganun din naman ang nakikita ko sa kanya e. Ayaw mo na bang pakawalan?"

"Siyempre ayoko no."

"Ayaw mong may lumalapit sa kanya?"

"Definetely."

"Gusto mo na bang bakuran?" Tanong niya pa.

"Kung pwede nga lang e."

"Edi pakasalan mo na!" Hinampas niya pa yung bench na inuupuan namin.

Pakasalan si Maine? Ready na ba ko?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα