FRRF 32

2.2K 87 11
                                    

"WHAT?! ANO YANG SINASABI MO NA BUNTIS SI SHAIRA? Paano nangyare yun?" Nanghihinang tanong ko.

"Duh. Tinatanong pa ba yun? Malamang may nangyare sa kanilang dalawa ni Alden. Naghalikan sila. Tapos hinubaran yung isa't-isa tapos-""

"Waaaah! Pwede ba? Di mo naman kailangan i-enumerate sakin yung ginawa nila e. Alam ko na yun! Malamang ginawa din namin ni Alden yun e."

"Oo kaya nga may laman yang tiyan mo e."

"Yun nga e. May anak din siya sakin!" Napataas na yung boses ko.

"Oh chill lang friend. Alam ko namang may anak din siya sayo. Malamang sa malamang nga nauna pang mabuo yang nasa tiyan mo kesa sa kanila no."

"Aba oo naman. Maliban na lang kung ginagawa din nila yun habang magkasama kaming dalawa."

"Tingin mo ba ginagawa nila yun?" Balik-tanong niya sakin.

"Hindi." May kumpiyansang sagot ko.

"Oh yun naman pala e. Ay nga pala best. Pinipilit silang ipasakal ng mga tatay nilang dalawa. Este kasal pala." Tumawa pa siya.

"WHAT?! AKONG KASAL?!"

"Kasal lang hindi mo pa alam? Yun yung ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan-"

"Ang tanong nagmamahalan ba silang dalawa?" Singit ko.

"Aba malay ko ba. Ako ba sila. Hmp. Pero siyempre magpapakasal silang dalawa dahil buntis si Shaira-"

"Buntis din naman ako ah. At si Alden ang ama bakit si Shaira ang papakasalan niya?"

"Eh nasan ka ba kase para oanagutan niya? Ni hindi nga ata niya alam na buntis nga e. Nagpakalayo-layo ka na lang basta." May himig ng pagtatampo yung boses niya. Nasan nga ba ko? Tumakas na naman sa problema ko.

"Osiya. Sige na at mahal na ang babayaran ko sa tawag nato. Ibinalita ko lang naman kase yun. Babush!"

"Hoy teka lang Joan. Kelan ba ang kasal?"

"Wait lang. Hmm. Ang nakalagay sa invitation is 8 am." Nag-pause siya saglit. "And bukas na siya."

"ANO?! BUKAS NA AGAD?" Ganun ka-ata si Shaira na makasal kay Alden? "At teka nga, invited ka?"

"Oo naman. Magpapaparlor na nga ako e."

"Kanino ka ba talaga kampi ha?" Inis na tanong ko.

"Sayo siyempre."

"Eh bakit okay lang sayo na magpakasal silang dalawa?"

"Eh sino bang nandito?"

"Hmp. Ewan ko sayo!" Inis kong binaba yung tawag. "UGGGGGGGGH!"

"Oh busangot pa din yang mukha mo? Baka mahipan ka na niyan ha." Sabi ng kakapasok na si Matt.

"Huhuhu. Matt.."

"Ano na naman atey?"

"Magpapakasal na si Alden.." Naiiyak na sumbong ko.

"Huwaat?! Magpapakasal si Alden at hindi ikaw ang bride? Aruy. Kasakit naman nun." Lalo tuloy akong napaiyak sa sinabi niya.

"Kelan daw ba ang kasal?"

"Bukas na.."

"Ay excited lang?" Di ako kumibo. "Anong oras?"

"8 am daw. Huhuhu."

"Eh ano pang nginangawa mo diyan?" Napatitig lang ako sa kanya. "Ay te 13 hours and 52 minutes po ang biyahe pauwi ng Pilipinas galing dito sa Paris. Kung tititigan mo lang ako, malamang you may kiss the bride na ang abutan mo." Tulala pa din ako sa kanya. "Huy! Gumayak ka na at umuwi. Bawiin mo na ang sayo!" Sabi niya tsaka ako pinagtulakan papasok sa kwarto ko.

Here I come Alden..

Sana hindi pa huli ang lahat..

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloМесто, где живут истории. Откройте их для себя