FRRF 50

2.5K 82 3
                                    

"Excuse me. Kayo ho ba ang kasama ng pasyente?" Untag sakin ng doctor na gumagamot kay Clark. Kanina pa ko tulala sa nalaman ko kaya hindi ko siya napansin.

"Opo. Kamusta na po siya?"

"He's stable now. Malakas ang impact ng pagkakatama ng ulo niya sa salamin ng sasakyan but he's fine now. Naalis na namin lahat ng bubog na tumama sa kanya. Good thing is hindi ito pumasok sa mga mata niya. Ililipat na siya sa isang private room."

"Salamat sa Diyos. Maraming salamat doc." Tinapik lang niya ko sa balikat.

I'm glad okay na si Clark pero hindi pa din ako nawawalan ng alalahanin. Hindi mawala sa isip ko yung nakasulat dun sa resulta ng DNA test na pinagawa ni Clark. Paano naging positive yun. May nangyare din sa kanila ni Shaira? Niloloko lang niya si Alden? Paano kung hindi talaga anak ni Alden yung dinadala ni Shaira, kasal na sila. Mapapawalang-bisa pa ba yun? Sumasakit na yung ulo ko kakaisip. Sana dumating ka na Alden please.

***

"Babe." Naalimpungatan ako ng may mahinang tumatakip sa pisngi ko.

"Hmmm."

"Babe. Andito na ko." Napabangon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Alden.

"Babe!" Niyakap ko agad siya at umiyak.

"Hush. Everything is okay now." Hinalikan niya yung buhok ko. Namiss ko to.

"Makakapit lang wagas? Bruhang to makapaglayas, wagas na wagas lang te?" Asus. Andito pala ang aking beshy.

"Ganyan yan. Wala man lang pasabi. Hindi man lang naisip na may taong nag-aalala para sa kanya."

"Achuchu naman. May patampo-tampo pa si Margaux o. Sorry na po. Nadala lang po ako ng aking damdamin."

"Ewan ko sayo. Hmp. Kamusta na ba tong si Papa Clark? Este si Clark." Malanding sabi niya.

"Okay na siya. After 2 days pwede na siyang lumabas."

"Mabuti naman. Miss na rin siya ng barkada e." Sabi ni Carl habang nakaakbay sa kanyang asawa.

''Inggit lang te? Paakbay ka din diyan kay Alden na hindi na natutulog. Ang panget na niya tuloy." Napatitig tuloy ako kay Alden. Pumayat nga siya at kitang-kita na maitim na yung mata niya.

"Aw. Kawawa naman yung babe ko." Yumakap ako sa kanya.

"Ay ano to park lang ang peg? Huy respeto naman sa mga single o!" Nagtawanan lahat ng nandito.

''Where's Mon?" I asked.

''Parating pa lang. May kailangan pa kase siyang gawin e. Yung pamilya naman ni Clark pauwi pa lang galing Europe." Tumango-tango ako.

''By the way guys, I have something to tell you." Napatingin kami lahat kay Alden. Natahimik lahat at naghihintay sa sasabihin niya. "Last month, may ginawa ako na hindi ko sinabi sa inyo.."

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Ano nambabae ka na naman?!''

"Psh. Hindi no." Ginulo niya yung buhok ko. "Hear me out first."

"Oo nga naman. Wag sabat ng sabat. Excited lang te?" Psh. Kainis talaga tong si Matt.

"Okay. Go on."

''Nung na-ospital si Shaira, I had our baby tested if I'm really the father." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. He knows the truth?! Pero bakit inayos niya ang pakikitungo niya kay Shaira kung alam na pala niya ang totoo.

"I didn't tell you this Maine kase ayoko ng mas saktan ka pa."

"Anong sinasabi mo?" Hindi ko maintindihan. Bakit ako masasaktan kung malalaman kong hindi niya anak ang ipinagbubuntis ni Shaira?

"Na.. na a-anak ko ang batang dinadala ni Shaira. I'm really sorry Maine. Alam kong alam mo na pero alam ko na mas masasaktan ka kapag nakumpirma to." Umiiyak na sabi ni Alden.

Napatayo na ko. "ANO BANG SINASABI MO ALDEN!"

"MAY ANAK AKO KAY SHAIRA, MAINE. MAY ANAK AKO SA KANYA!"

"Calm down pare." Pinakalma ni Carl si Alden.

Si Joan naman pinapupo ako tapos si Matt inabutan ako ng tubig.

"Pwede ba? Mag-usap nga kayo ng maayos! Buntis si Maine, Alden. Hindi siya pwedeng ma-stress. Calm down please!" Sabi ni Joan.

"Hindi mo anak yun Alden."

"Anak ko Maine. Sa result, it was positive."

Umiling ako."No..''

"Maine akala ko ba tanggap mo na yan? Bakit ngayon iginigiit mo pa na hindi nga anak ni Alden yung dinadala ni Shaira.''

''Da-dahil.. dahil-"

"B-because I'm the father of Shaira's child." Napatingin kami lahat sa nagsalita.

It was Clark..

"What are you talking about?" Alden asked.

Yung mga kasama naman namin, bakas mo sa kanila ang pagkalito at pagkagulat.

''Ay ano to kayong dalawa ang tatay? Sinong legal?" Sinamaan lang siya ng tingin ni Joan. Marunong din naman kaseng magseryoso tong babaeng to e.

"Paano nangyare yun?" Tanong ni Carl out of nowhere.

''Gusto mo ba talagang malaman pare? Pwede kitang turuan." Tumatawang sabi ni Clark. Loko to. Parang wala sa hospital bed eh no?

"Lul. Seryoso ko. Nagkikita pala kayo?" Pagpapatuloy ni Carl.

''We met again 3 months ago. The night na may usapan tayo sa bar ni Mon. Yung kasama si Maine."

"Gagong to. Sabi mo may business meeting ka nun."

"Peace." Nag-peace sign pa si Clark.

"Woooooh! Tatay na si Alden at Clark!" Biglang sumabat si Matt. Walang kumibo samin ni isa. Joke ba kase dapat yun? "Mehehe. Peace po." Nag-peace sign siya sabay tago ng mukha.

"What's your plan?" I asked him.

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon